10/03/2025
"Mga anak"
Ito ang kadalasan naming naririnig mula saiyo aming minamahal na Tatay Dale, akala mo po nakalimutan na namin ang iyong kaarawan pero diyan ka po nagkakamali!๐
Sapagkat ang kaarawan mo po ay isang malaking selebrasyon para saamin dahil ikaw ang tumayo at nagsilbing pangalawang ama namin mula Grade 11 hanggang Grade 12, nawa'y ang iyong pagiging supportive, encouraging, loving, joker, sweet, at higit sa lahat PILLOW OF THE STRENGTH na laging nagbibigay saamin ng comfort sa tuwing i-iyak at yakap sa tuwing mabigat ang kalooban, kaya isang pasasalamat namin sapagkat ikaw ang aming naging sandalan at proteksyon mula sa mga problemang aming dinaranas. ๐๐ซ
Ang iyong laging pagbibigay gabay at pagmamahal ay hindi namin malilimutan kahit kami ay nasa kolehiyo na dahil mananatili po ang iyong mga itinuro at iminungkahi saamin, sapagkat ito ang isa sa mga inspirasyon na gagabay saamin.
Nawa'y ang iyo pong kaarawan ay magbunga ng isang maganda at masayang araw dahil wala kaming ibang hangad kundi ang mapasaya at mapangiti ka namin.
Maraming Salamat po sa pananatiling ilaw at haligi namin sa loob ng paaralan.
Isang talentadong Tatay na lagi kaming binibigyan ng walang sawang pagmamahal at magagandang ala-ala. OUR DEAREST TATAY DALE KEEP YOUR KINDNESS AND LOVING PERSONALITY WE WILL ALWAYS LOVE YOU, FATHER. ๐๐ซ