18/08/2026
Happiest birthday, Honorable John Vic Barroga, our Sangguniang Kabataan Chairman. Thank you for giving the youth a strong voice in our community.
Cheers to more projects and progress under your guidance, Have a great one!
14/08/2026
BATAL ES Community wishes to extend their warmest congratulations to all the TOFAS passers. Your exemplary performance on this assessment reflects your dedication to learning and high academic standards. May this milestone be the foundation for even greater success in your future academic journeys.
TOFAS stands for the Test of Fundamental Academic Skills. It is a global online assessment program—primarily focused on mathematics calculation—used to evaluate learners' basic academic building blocks, track learning progress, and compare performances.
13/08/2026
SCHOOL-BASED FEEDING PROGRAM…
The Department of Education's (DepEd) School-Based Feeding Program (SBFP) is a cornerstone educational and health intervention in the Philippines. It is designed to address short-term hunger and undernutrition among public school children.
Our utmost gratitude to madam Catherine Madrid, the SBFP Focal Person of the Division of Santiago City for visiting and monitoring this feeding activity of our school.
toall supporters
13/08/2026
HAPPY IP DAY...
Celebrating Indigenous Peoples (IP) Day in the Department of Education (DepEd) is vital for promoting inclusive, culture-based basic education. It honors ancestral heritage, fosters mutual respect for cultural diversity among learners, and strengthens partnerships between schools and Indigenous communities.
11/08/2026
Mga G**o ng Batal ES, Sumailalim sa TOFAS Assessment sa Mathematics
SANTIAGO CITY — Labintatlong (13) g**o ng Batal Elementary School ang sumailalim ngayong araw, Agosto 11 sa Teacher Observation and Feedback Assessment System (TOFAS) na nakatuon sa larangan ng Mathematics. Isinagawa ang assessment sa DCP Room ng paaralan bilang bahagi ng patuloy na pagpapaunlad ng kaalaman, kasanayan, at estratehiya ng mga g**o sa pagtuturo ng matematika.
11/08/2026
Batal ES Stakeholders, Nagkaisa sa Re-organisasyon ng SGC
SANTIAGO CITY — Isinagawa ngayong Agosto 11, 2026, sa Batal Elementary School (BES) ang re-organisasyon ng School Governance Council (SGC) na dinaluhan ng mga internal at external stakeholders. Sinimulan ang gawain sa pagpapaliwanag ni Ginang Amelia B. Bergonia, Punong-G**o ng BES, hinggil sa layunin, kahalagahan, at gampanin ng SGC sa paaralan. Binigyang-diin niya na mahalaga ang SGC sa pagpapalakas ng pakikilahok at pagtutulungan ng mga stakeholder sa pagpaplano, pagpapatupad, at pagsubaybay sa mga programa at proyekto ng paaralan.
Isinagawa rin ang halalan para sa pamunuan ng konseho kung saan nahalal si Dr. Ofelia B. Tolentino bilang SGC Vice Chair at si Ginang Arlene R. Garcia bilang SGC Secretary. Matapos ang halalan, nagpahayag ng buong pusong suporta at kahandaang makipagtulungan ang mga bagong halal na opisyal, gayundin ang mga voting at non-voting members, upang maisulong ang mga programa at proyekto ng paaralan.
Kabilang sa mga voting members sina Punong Barangay Julian W. Dacaca, Kagawad Allan Manango, IPMR Representative Victoria P. Sagaysay, Religious Representative Sister Baby Carlos, DRRM/SELG Adviser Gary T. Mendoza, WinS Coordinator Soledad C. Wallang, NGO Representative Dennis Balucas , SK Chairman Jhon Vic Barroga at Alumni President Fedencio R. Dasalla Jr. Samantala, kabilang sa mga non-voting members sina Appointed SGC Vice Chair Marilyn M. Angelo, BESTA President Alejandro A. Obena, SPTA President Marvin Gammad, at SELG President Reyniel Mabitasan, na kumakatawan sa iba’t ibang sektor ng school community.
Sa pamamagitan ng muling pagkakabuo ng SGC, inaasahang higit pang mapalalakas ang ugnayan ng paaralan at komunidad tungo sa shared governance, aktibong stakeholder participation, at sama-samang pananagutan. Sa pagkakaisa ng iba’t ibang sektor, patuloy na isinusulong ng Batal ES ang mga hakbang na nakatuon sa kapakanan, pag-unlad, at tagumpay ng bawat mag-aaral.
03/08/2026
BUWAN NG WIKA: INILUNSAD NG BATAL ES…
Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto upang pahalagahan ang wikang Filipino at ang iba pang mga katutubong wika bilang instrumento ng pagkakaisa, pagkakakilanlan, at kultura ng bansa.
Narito ang mahahalagang dahilan kung bakit mahalaga ang paglulunsad ng Buwan ng Wika na isinalaysay sa wikang Filipino:
Pagtataguyod ng Pambansang Pagkakakilanla, Buklod ng Pagkakaisa, Pagbuhay sa mga Katutubong Wika, Paggising sa Makabayang Damdamin,at Paggalang sa Kasaysayan:
ATIN
30/07/2026
Symposium sa Wastong Paghihiwalay ng Basura at Responsibilidad sa Komunidad, Isinagawa sa Batal ES
BATAL, SANTIAGO CITY – Nagsagawa ang Batal Elementary School ng symposium tungkol sa Waste Segregation at Community Responsibility na dinaluhan ng mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 6, Hulyo 30.
Ang gawain ay bahagi ng programa ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) na naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng wastong paghihiwalay ng basura at aktibong pakikilahok sa pangangalaga ng kapaligiran.
Nagsilbing resource person si Ginoong Mario F. Damance ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Santiago City. Sa kaniyang talakayan, ipinaliwanag niya ang tamang paraan ng pagsesegrega ng basura at ang papel ng bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan sa tahanan, paaralan, at komunidad.
Binigyang-diin din niya na ang wastong pamamahala ng basura ay hindi lamang nakatutulong sa kalinisan ng kapaligiran kundi nakapagpapalaganap din ng disiplina at responsibilidad sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng symposium na ito, inaasahang magiging mas mulat at responsable ang mga mag-aaral sa wastong pagtatapon at paghihiwalay ng basura, bilang ambag nila sa pagkakaroon ng malinis, ligtas, at luntiang komunidad.
30/07/2026
"Sa paglipad ng Agila, water dispenser ang dala para sa mga bata".
Isang taos- pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa Fraternal Order of Eagles Philippines Inc sa pangunguna ni Sir KUYA DENZ BALUCAS,Club President ng Santiago City Isabela Bambanti Eagles Club (SCIBEC ) sa pagdonate ng 3 WATER DISPENSER. Ito ay malaking tulong upang manatiling hydrated ang mga mag-aaral ng BES lalo na ngayong mainit ang panahon.
Ang 3 water dispenser ay napunta sa klase ng Grade II Faithful, Grade II Obedience at Grade III Loyal. Ang donasyong ito ay patunay ng mas umiigting na pakikipagtulungan ng mga non- civic organizations upang higit na mapabuti at mapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa ating komunidad.