DepEd Basug National High School

Directions

DepEd Basug National High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Basug National High School, School, Basug, Ilocos Sur, Santa.

Ang TIPANANG NASARIRIT ng Mataas na Paaralan ng Basug bilang pagsuporta sa programang panliterasi.Kapisanan ng mga G**o ...
25/09/2026

Ang TIPANANG NASARIRIT ng Mataas na Paaralan ng Basug bilang pagsuporta sa programang panliterasi.

Kapisanan ng mga G**o sa Filipino

Borje, Cabaya namayagpag sa DSPC 2026Tagumpay! Katagang namutawi kina Jan Stacy L. Borje at Nowel E. Cabaya ng Basug Nat...
15/09/2026

Borje, Cabaya namayagpag sa DSPC 2026

Tagumpay! Katagang namutawi kina Jan Stacy L. Borje at Nowel E. Cabaya ng Basug National High School na namayagpag sa katatapos na 2026 Division Schools Press Conference na ginanap sa Sta. Maria National High School noong Setyembre 12-14 taong kasalukuyan.

Nakamit ni Jan Stacy L. Borje ang ikatlong puwesto sa Mobile Journalism Secondary Filipino na nagbigay-daan upang maging RSPC qualifier sa darating na Disyembre 17-18 sa San Fernando City, La Union at ikalimang puwesto sa Photojournalism Secondary Filipino. Ang kaniyang tagapagsanay ay si G. Ryan James L. Lazo.

Samantala, pang-apat na puwesto naman si Nowel E. Cabaya sa Editorial Cartooning Secondary Filipino at si G. Francisco D. Arceo, Jr. ang kaniyang tagapagsanay at koordineytor ng Campus Journalism ng paaralan.

Kapwa mag-aaral ng ikalabindalawang baitang sina Borje at Cabaya na kung saan ay isang masayang karanasan ang kanilang pagkapanalo.

Dinaluhan din ng iba pang pitong campus journalist ang nasabing patimpalak na nagbigay din ng inspirasyon upang bigyang-halaga ang dyornalismo sa gabay ni Gng. Catherine D. Curesma, koordineytor din ng Campus Journalism.

Ang natamong karangalan ay isang patunay malaki ang suporta at gabay ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni G. Reynario T. Viloria, Punongg**o II.

Sa inyo Stacy at Nowel, pagbati sa inyong tagumpay!

Nilalaman: Ginoo
Larawan: Jan Stacy at DepEd Ilocos Sur Live

π†π€πŒπ„ 𝐎𝐍, 𝐁𝐍𝐇𝐒!The moment we’ve all been waiting for is here! Get ready to witness the BNHS Intramurals 2026 as our teams...
08/09/2026

π†π€πŒπ„ 𝐎𝐍, 𝐁𝐍𝐇𝐒!

The moment we’ve all been waiting for is here! Get ready to witness the BNHS Intramurals 2026 as our teams battle it out with skill, teamwork, determination, and sportsmanship.

Check out the official Game Schedule below!

Know your games, support your teams, and bring the energy!

Play with heart. Compete with honor. Cheer with pride.


Maghanda na ang lahat! Unang Terminong EksaminasyonSenior High School Iskedyul
26/08/2026

Maghanda na ang lahat!
Unang Terminong Eksaminasyon
Senior High School Iskedyul

Maghanda na ang lahat! Unang Terminong EksaminasyonJunior High School Iskedyul
26/08/2026

Maghanda na ang lahat!
Unang Terminong Eksaminasyon
Junior High School Iskedyul

Bagong lapel sa mga g**o, handog ng DepEdSa pangunguna ni Sec. Sonny Angara ng Department of Education ay inihandog ang ...
19/08/2026

Bagong lapel sa mga g**o, handog ng DepEd

Sa pangunguna ni Sec. Sonny Angara ng Department of Education ay inihandog ang bagong lapel sa mga g**o na kung saan tinanggap ito ng mga kawani ng Basug National High School.

Ang nasabing gadget ay malaking tulong upang magamit bilang instraksyunsl na materyal ng mga g**o sa kanilang pagtuturo. Isang hakbang ito ng kagawaran upang mapagaan ang gawain ng lahat at magiging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Laking tuwa ng bawat isa na nagtuturo sa BNHS sa biyayang ipinagkaloob ng kagawaran. Umaasa ang lahat na patuloy ang suporta ng DepEd sa kaguruan partikular na sa nasabing paaralan.

Salamat at Mabuhay DepEd!
Salamat at Mabuhay Sec. Angara!

ASEAN Anthem at Song, inawitBilang tugon sa direktiba ng Kagawaran ng Edukasyon, nagbukas ang buwan ng ASEAN ngayong Ago...
03/08/2026

ASEAN Anthem at Song, inawit

Bilang tugon sa direktiba ng Kagawaran ng Edukasyon, nagbukas ang buwan ng ASEAN ngayong Agosto na sinuportahan ng Mataas na Paaralan ng Basug sa pangunguna ni G. Reynario T. Viloria, Punongg**o II.

Naging tampok sa gawain ang makabuluhang pagbubukas ng isang buwang pagdiriwang, panunumpa, at ang sabayang pag-awit ng ASEAN Hymn, bilang pagpapakita ng pagkakaisa, paggalang sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino, at pagkilala sa ating pagiging bahagi ng pamayanang ASEAN.

Nagbigay ng mahahalagang tala at impornasyon sa pamamagitan ng pagpapasagot sa ilang taon si G. Myron G. Alvaro, Aralin Panlipunan Koordineytor na kung saan ay nabigyang-kaalaman ang mga mag-aaral.

Nilalaman: Ginoo
Larawan: TJ

Paglulunsad ng Buwan ng Wika 2026, matagumpay na naisagawaHindi naantala ang matagumay na paglulunsad ng Buwan ng Wikang...
03/08/2026

Paglulunsad ng Buwan ng Wika 2026, matagumpay na naisagawa

Hindi naantala ang matagumay na paglulunsad ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa kabila ng masungit na panahon bilang pagtugon sa Proklamasyon Blg. 1041, serye 1997 ang pagdiriwang ng taunang gawain tuwing Agosto 1-31 sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Kawanihan sa Pagtuturo (BLD), ang Mataas na Paaralan ng Basug ay nakiisa sa pagbubukas ng pagdiriwang sa ika-3 ng Agosto pagkatapos ng Flag Ceremony.

Pinangunahan ng Koordineytor sa Filipino at Tagapayo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino ang nasabing gawain na kung saan ibinahagi niya ang mga gawain at patimpalak.

Ang lahat ng mga gawaing kaugnay ng pagdiriwang ay ibabatay sa tema sa taong ito na: "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon". Tugon ng temang ito ang mga probisyong nakasaad sa Kautusang Pangkagawaran ng Edukasyon Blg. 003, serye 2026 o "Foundational Guidelines on Artificial Intelligence in Basic Education," na naglalayong isulong ang estratehikong integration ng Artificial Intelligence (AI) bilang katuwang sa pagkatuto at nagiging kasangkapan sa pagbuo ng mga pananaliksik at mayamang impormasyon bilang pagtataguyod sa wika, kultura at kasaysayan ng bansa.

Ang mga nakalaang gawain ay ang Dokyuwento, Talasalitaan at Pagsulat ng Komposisyon para sa Baitang 7-10 samantalang AI-Saliksik naman sa Baitang 11-12. Hinihikayat din ang pagtatatag ng Proyektong TIPANANG Panliterasi sa bawat klasrum upang mapaunlad ang kakayahang panliterasi sa Filipino ng mga mag-aaral.

Sa huli, nagbigay ng mensahe at pormal na binuksan ang nasabing pagdiriwang ng Punongg**o II ng paaralan na si G. Reynario T. Viloria na kung saan binigyang-diin niya na gamitin bilang kasangkapan at tulay ang Wikang Filipino at AI sa pagkuha ng impormasyon at komunikasyon.

Si G. Rogin C. Carpio ang nagsilbing tagapagdaloy sa nasabing gawain.

Nilalaman: Ginoo FDArceoJr.
Larawan: TJDoctolero

08/07/2026

π…πŽπ‘ ππ”ππ‹πˆπ‚ πˆππ…πŽπ‘πŒπ€π“πˆπŽπ!

In accordance with the updated DepEd Media Management Guidelines (DepEd Order No. 007, s. 2026), the official page name of the school is hereby updated from DepEd Tayo - Basug National High School to DepEd Basug National School, removing the use of β€œTAYO” in its page identity.

This adjustment is made to align with standardized naming conventions for official DepEd-managed social media pages and to ensure clear and consistent public identification of the school’s online presence.

The public is encouraged to follow DepEd Basug National High School for verified announcements, updates, and official school communications.

05/07/2026

ANNOUNCEMENT:
First Summative Test – First Term, SY 2026–2027

In accordance with DepEd Order No. 009, s. 2026 (Guidelines on the Implementation of the Three-Term School Calendar in Basic Education), the administration of the First Summative Test for the First Term of School Year 2026–2027 is scheduled on July 6, 2026 (Monday). This assessment date is part of the official academic calendar under the newly implemented three-term school calendar.

Likewise, the conduct of the examination is guided by DepEd Order No. 015, s. 2026 (Revised Guidelines on Classroom Assessment, Grading System, and Awards and Recognition for the K to 12 Basic Education Program), which emphasizes the use of summative assessments to measure learners' attainment of the Most Essential Learning Competencies (MELCs)/learning standards at the end of an instructional period. The results of the summative test will serve as one of the bases in determining learners' academic progress and in providing appropriate interventions to improve learning outcomes.

We encourage all our dear learners to come prepared for the examination by observing the following:
βœ… Bring all the necessary testing materials.
βœ… Arrive on time and follow the examination schedule provided by your class advisers.
βœ… Review your lessons well and do your best.

We wish all our learners the best of luck. Remember, every assessment is an opportunity to showcase your learning and continue striving for excellence. God bless!

Address

Basug, Ilocos Sur
Santa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Basug National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category