DepEd Saimsim ES - Batangas Province

DepEd Saimsim ES - Batangas Province Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Saimsim ES - Batangas Province, Education, Saimsim Sta. Teresita Batangas, Santa Teresita.

18/08/2026

πŸ“£ ANUNSIYO πŸ“£

15/08/2026

Mga ngiti sigawan at hindi matatawarang sportsmanship! πŸ’ͺ Mula sa unang sigaw hanggang sa huling laro, bawat koponan ay nagpakita ng galing, tapang, determinasyon, at pagkakaisa. πŸ’™πŸ’šβ€οΈπŸ’›

Maraming salamat sa mga g**o ng Saimsim Elementary School, sa pamumuno ni Gng. Maricris C. Rosales, kay G. Joel Dimaculangan, Sports Coordinator, sa Sangguniang Barangay ng Saimsim sa pangunguna ni Kgg. Jeey-R Maralit, at sa ating GPTA President, Gng. Jonalen A. Bautista, kasama ang lahat ng mga magulang at stakeholders. Sa bawat oras, pagod, suporta, at tulong na inyong ibinigay, naging mas makabuluhan at mas masaya ang ating pagdiriwang. πŸ™ŒπŸ’–

Mabuhay ang Saimsim Elementary School!
Mabuhay ang ating mga batang atleta!
Mabuhay ang pagkakaisa! πŸ†πŸŽ‰

πŸ“Έ Narito ang ilang masasayang kaganapan mula sa ating Intramurals 2026! Hindi lang panalo ang mahalaga... ang bawat laban, pagkakaibigan, at alaala ang tunay na panalo! πŸ₯³πŸ†

🌟 "Sa bawat serbisyo, may batang aangat. Sa bawat pagkakaisa, may kinabukasang sisikat." 🌟

*Ang mga larawan at video na ginamit sa post na ito ay may pahintulot ng mga magulang o legal na tagapag-alaga ng mga mag-aaral*

10/08/2026
Wishing you a beautiful day filled with joy, love, laughter, and countless blessings! May you continue to inspire others...
09/08/2026

Wishing you a beautiful day filled with joy, love, laughter, and countless blessings! May you continue to inspire others with your kindness, dedication, and cheerful heart. May all your heart’s desires come true! πŸ₯³πŸŽ‚πŸ’

Cheers to another wonderful year of blessings and beautiful memories! πŸ’™βœ¨

Happy Birthday, Ma’am Aimmee! πŸ₯°πŸŽ‰πŸŽˆ

06/08/2026

πŸ“£ANUNSIYO (Agosto 7, 2026) πŸ“£

Lubos naming ipinagmamalaki ang husay, talento, at dedikasyon ng ating mga mag-aaral na buong giting na kumatawan sa ati...
03/08/2026

Lubos naming ipinagmamalaki ang husay, talento, at dedikasyon ng ating mga mag-aaral na buong giting na kumatawan sa ating paaralan.

πŸ… Daron Jasper B. Maralit
Kid Scout Singing Contest – 2nd Place
πŸ‘©β€πŸ« Coach: Gng. Daniella G. Yason

🌟 Jacob Louis C. Paras
That's My Kab – Participant
πŸ‘©β€πŸ« Coach: Gng. Aimmee R. Capucion

Ang inyong sipag, tiyaga, at determinasyon ay nagbigay ng karangalan sa ating paaralan. Nawa'y magsilbi kayong inspirasyon sa inyong kapwa mag-aaral upang patuloy na linangin ang kanilang mga talento at kakayahan.

Taos-pusong pasasalamat kay Gng. Maricris C. Rosales, Punongg**o, at sa mga coaches sa kanilang walang sawang paggabay at suporta. Maraming salamat din kay Sir Lester at sa lahat ng mga magulang sa kanilang patuloy na suporta, pagtitiwala, at pakikiisa sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.

Buong puso naming ibinabahagi ang natatanging pagkilala sa Saimsim Elementary School bilang Outstanding Gulayan sa Paara...
31/07/2026

Buong puso naming ibinabahagi ang natatanging pagkilala sa Saimsim Elementary School bilang Outstanding Gulayan sa Paaralan Program Implementer sa buong Sta. Teresita Sub-Office, na iginawad ng Schools Division of Batangas.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at malasakit ng aming butihing Punongg**o, Gng. Maricris C. Rosales; ng aming Gulayan sa Paaralan Program (GPP) Coordinator, Gng. Suzette B. De Castro; SY 2025-2026 GPTA sa pangunguna ni Gng. Dorie Morta, mga g**o, mag-aaral, mga magulang, at mga stakeholder na walang sawang sumusuporta sa pagpapaunlad ng aming Gulayan sa Paaralan.

Pasasalamat din ang ipinaaabot kay Nurse Miller Masangkay sa kanyang walang sawang paggabay at patuloy na suporta sa pagpapatupad ng aming mga programa. Lubos din ang aming pasasalamat kina Dr. Antonio Ilagan at Dr. Raul NapeΓ±as sa kanilang mahalagang gabay, pamumuno, at inspirasyong patuloy na nagbibigay-lakas sa amin upang maisakatuparan ang mga programang nagtataguyod ng kalusugan, wastong nutrisyon, at de-kalidad na edukasyon para sa kapakanan ng bawat mag-aaral.

Ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon upang higit pa naming paigtingin ang aming mga programa para sa kapakanan ng bawat mag-aaral at patuloy na isulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at sama-samang pagkilos.

Sa bawat pagtatanim, may pag-asang aanihin. Sa bawat pagtutulungan, may tagumpay na makakamit. πŸ’šπŸŒΏ

Buong pusong nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, mga magulang, at mga stakeholder ng Saimsim Elementary School sa pagdiriwa...
29/07/2026

Buong pusong nakiisa ang mga mag-aaral, g**o, mga magulang, at mga stakeholder ng Saimsim Elementary School sa pagdiriwang ng Holy Spirit Mass upang humingi ng patnubay, biyaya, at karunungan ng Diyos na magsisilbing gabay sa ating paglalakbay ngayong taong panuruan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Rev. Fr. Milo C. Malabuyoc, ang ating Mass Presider, sa kanyang makahulugang homiliya na nagpaalala na ang pananampalataya, pagmamahalan, at pagkakaisa ang magsisilbing matibay na pundasyon sa paghubog ng bawat mag-aaral at sa sama-samang pagtupad sa ating misyong pang-edukasyon.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa ating mga katekista at altar servers sa kanilang tapat na paglilingkod at mahalagang bahagi sa maayos at makabuluhang pagdiriwang ng Banal na Misa. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at patnubayan ng Panginoon sa inyong paglilingkod.

Nawa'y patuloy na gabayan ng Espiritu Santo ang bawat mag-aaral, g**o, magulang, at kawani ng Saimsim Elementary School upang sama-sama nating maitaguyod ang isang ligtas, makatao, at de-kalidad na edukasyon para sa bawat batang SESian.

🌟 "Sa bawat serbisyo, may batang aangat. Sa bawat pagkakaisa, may kinabukasang sisikat." 🌟

*Ang mga larawang ginamit sa post na ito ay may pahintulot ng mga magulang o legal na tagapag-alaga ng mga mag-aaral*

Ang pamunuan ng Saimsim Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa nagbigay ng pouch para sa ating mga mag-aaral...
27/07/2026

Ang pamunuan ng Saimsim Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa nagbigay ng pouch para sa ating mga mag-aaral.

Ang inyong handog ay nagdudulot ng malaking ngiti at inspirasyon sa aming buong komunidad. Maraming salamat po. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at suklian ng masaganang biyaya ang inyong kabutihan.

🌟 "Sa bawat serbisyo, may batang aangat. Sa bawat pagkakaisa, may kinabukasang sisikat." 🌟

*Ang mga larawang ginamit sa post na ito ay may pahintulot ng mga magulang o legal na tagapag-alaga ng mga mag-aaral*

Address

Saimsim Sta. Teresita Batangas
Santa Teresita
4206

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Saimsim ES - Batangas Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category