02/08/2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!", matagumpay na naisagawa ng Sta. Teresita Central School ang iba't ibang gawaing naglalayong palawakin ang kamalayan ng mga mag-aaral at mga magulang tungkol sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan.
Sa pangunguna ng aming Punong G**o III, Gng. Mylene B. Bathan, at ng EPP/TLE Coordinator, Gng. Arlinda C. Castillo, katuwang ang mga g**o, mga magulang, at mga mag-aaral, naging makabuluhan at masigla ang buong selebrasyon.
Isinagawa ang iba't ibang patimpalak tulad ng Nutri-Gulayan, Nutri-Chef, Nutri-Crown, Nutri-Poster, Nutri-Quiz, at Nutri-Slogan, na nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na maipamalas ang kanilang kaalaman, pagkamalikhain, at kasanayan sa pagtataguyod ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kapaligiran.
Naging tampok din ang aktibong pakikilahok ng mga magulang, lalo na sa Nutri-Chef at Nutri-Gulayan Competition, na lalong nagpatibay sa ugnayan ng paaralan at tahanan sa pagtataguyod ng malusog na pamumuhay. Bahagi rin ng selebrasyon ang Zumbarangkada, na masiglang pinangunahan ng mga YES-O at SELG Officers, na nagbigay sigla at nagtaguyod ng aktibong pamumuhay para sa lahat.
Ang pagdiriwang ay naging daan upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral na ang mabuting kalusugan at malinis na kapaligiran ay mahalagang pundasyon ng pagiging isang masigla, responsable, at makakalikasang mamamayan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na isinusulong ng Sta. Teresita Central School ang paghubog ng mga kabataang may malasakit sa sarili, sa kapwa, at sa kalikasan.
Congratulations sa lahat ng mga nagwagi!
Nutri Gulayan
First Place – Grade 6
Second Place – Grade 5
Third Place – Grade 3
Nutri Chef
First Place – SNED
Second Place – Grade 3
Third Place – Grade 2
Nutri Crown
First Place – Grade 1
Second Place – Grade 4
Third Place – Grade 3
Nutri Poster
First Place – Andrea Gayle V. Salazar
Second Place – Juan Miguel T. Anorico
Third Place – Reign Matthew A. Llorente
Nutri Quiz
First Place – Dale Jester P. Agno
Second Place – Precious Jewel C. Bendaña
Third Place – Japeth Jediel B. Cupo
Nutri Slogan
First Place – Yohan Angelo C. Trimocha
Second Place – Gianna R. Malabanan
Third Place – Alyssa Jhane D. Andaya
Taos-pusong pasasalamat sa ating Public Schools District Supervisor, Dr. Braulio B. Napeñas, sa kanyang pangunguna bilang hurado at sa lahat ng mga Non-Teaching Personnel na nagsilbing mga hurado sa iba't ibang patimpalak. Lubos din ang aming pasasalamat sa mga g**o, mga magulang, at sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng mga gawain. Ang inyong suporta, pagtutulungan, at dedikasyon ang naging susi sa tagumpay ng pagdiriwang na ito.