17/07/2026
ARANGKADA IN ACTION
Sta. Teresita LGU Partnership for Healthy and Secure Learning Spaces.
Buong pusong nagpapasalamat ang Irukan-Kalayaan Elementary School sa Lokal na Pamahalaan ng Sta. Teresita, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Hon. Norberto A. Segunial Jr., sa walang sawang suporta at malasakit sa kapakanan ng ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng Sta. Teresita LGU Partnership for Healthy and Secure Learning Spaces.
Lubos din po naming pinahahalagahan ang pakikiisa ng Philippine National Police, sa pangunguna ni PMAJ Charles Suarez Fulache, OIC; ng DSWD, sa pangunguna ni Mr. Jay-R M. Balbaira; at ng Municipal Health Office, sa pangunguna ni Dr. Tyrone Macalalad, sa kanilang mahalagang ambag upang maisulong ang isang ligtas, malusog, at maayos na kapaligiran sa pagkatuto.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kina Hon. Elmer T. Villanueva, Punong Barangay ng Irukan, at Hon. Monchito V. Hernandez, Punong Barangay ng Calayaan, sa kanilang patuloy na suporta at aktibong pakikipagtulungan sa ating paaralan.
Maraming salamat din po kay Dr. Braulio B. NapeΓ±as, PSDS ng Sta. Teresita District; kay Mr. Dhenver D. Arellano, Ulong G**o I; kay Mrs. Jesselyn V. Gubi, SPTA President; at higit sa lahat, sa lahat ng mga magulang na nakiisa at nagbigay ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon upang maging matagumpay ang programang ito.
Ang inyong pagkakaisa, malasakit, at bukas-palad na paglilingkod ay tunay na nagpapatunay na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, paaralan, at komunidad, masisig**o natin ang isang ligtas, malusog, at mas magandang kinabukasan para sa bawat batang mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong hindi matatawarang suporta. Sama-sama nating ipagpatuloy ang paghubog ng isang ligtas, malusog, at de-kalidad na kapaligiran sa pagkatuto para sa ating mga kabataan.