05/06/2026
Sa ikalimang araw at ang huling araw ng 𝐛𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐞𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 2026 ay patuloy pa rin ang sigla at pag papaganda sa ating sinisintang paaralan— DITA INTEGRATED SCHOOL.
Sa pagtatapos ng ating Brigada Eskwela, nais naming ipaabot ang aming pinaka-taus-pusong pasasalamat sa bawat isa na naging bahagi ng dakilang gawaing ito. Mula sa unang araw hanggang sa huling sandali, nakita namin ang inyong walang kapantay na dedikasyon, pagmamahal, at malasakit para sa ating paaralan at sa kinabukasan ng mga kapwa namin mag-aaral. 👥💪🏻
Hindi biro ang mga gawaing ating pinagdaanan—ang paglilinis ng mga silid-aralan, pagpipintura ng mga pader, pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan, at pag-aayos ng buong paligid. Sa kabila ng init ng araw, pagod, at hirap, hindi natin inalintana ang anumang hirap at sa halip ay ipinakita natin ang tunay na diwa ng bayanihan. ✊🏻💙
Maraming salamat sa mga g**o na laging nangunguna at nagbibigay ng gabay, sa mga magulang na laging handang sumuporta at tumulong, sa mga opisyal at empleyado ng ating barangay, sa mga organisasyon at pribadong sektor, sa mga kapwa namin mag-aaral at mga estudyante, at sa lahat ng mga boluntaryo na naglaan ng kanilang mahalagang oras, lakas, at kahit na mga donasyon para sa tagumpay ng proyektong ito. Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay napakahalaga at malaking bahagi ng tagumpay na ating nakamit ngayon. 🌻✨
TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA INYONG LAHAT 🙏✨
🖼️ : President | Edharwin Mesa
: P.I.O | Venice Shaine Tañais
✍🏻 : Grade 9 Representative | Ariel Saturno