01/04/2026
β¨ Tagumpay ng San Isidro Elementary School! β¨
Ang pamunuan ng 137211 - San Isidro Elementary School, sa pangunguna ng aming butihing Ulong G**o na si Sir Teodoro Payumo Santos Jr., ay lubos ang pasasalamat sa Poong Maykapal sa pagbibigay ng magandang panahon at sa paggabay upang matagumpay na maisagawa ang 4th Commencement Exercises, Kindergarten Moving-up Ceremony, at Recognition Day ng aming paaralan. ππ
Taos-pusong pasasalamat din sa walang sawang suporta ng Sangguniang Barangay ng San Isidro sa pangunguna ng aming butihing Kapitan, Kgg. Kap. Hervin Cabrera, gayundin kay Kgg. Kon. Feliciano Reyes, SB-in-charge in Education; kay Chief Tommy B. Aguasa, SGC Elected Co-chairperson ng paaralan; at sa aming masipag na FPTA President, Gng. Rachell Ann DC. Sta. Maria. Tunay na hindi matatawaran ang kanilang malasakit at suporta sa aming paaralan. π
Isang malaking pasasalamat din kay Kgg. Kon. Mario De Guzman na naging daan upang magkaroon kami ng napakagandang entablado sa paaralan. β₯οΈ
Lubos din naming pinasasalamatan ang aming panauhing tagapagsalita, Gng. Catherine P. Gapac, na nagbigay ng makabuluhan at nakaaantig na talumpati na nagsilbing inspirasyon sa aming mga mag-aaral, g**o, at magulang. Gayun din sa kanyang ibinigay na pinansyal na tulong sa paaralan.π₯°
Lubos din naming pinasasalamatan ang pagdalo ng aming butihing Punong Bayan, Hon. Mayor Christopher F. Aguilar, na siyang nagbigay ng napakagandang entablado, gayundin si Hon. Vice Mayor Richard Dimacali na nag-donate ng 150 medals para sa aming mga mag-aaral. β₯οΈ
π Isang mainit na pagbati sa lahat ng nagsipagtapos at awardees! Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon. π
π¨βπ©βπ§βπ¦ Gayundin, taus-pusong pasasalamat at pagbati sa mga magulang na patuloy na nagsusumikap upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. Kayo ang tunay na inspirasyon ng ating paaralan. π
π©βπ« At higit sa lahat, isang dakilang pagpupugay sa ating mga g**o na walang sawang gumagabay, nagtuturo, at nag-aalay ng kanilang oras at talento para sa tagumpay ng bawat bata. Ang inyong dedikasyon ang tunay na haligi ng ating paaralan. π₯³π₯°
π Sa San Isidro Elementary School, ang bawat pangarap ng bata ay may katuwang na katuparan. Patuloy ang pag-asa, patuloy ang pangarap, at patuloy ang tagumpay! π