JC-Kristine Bagalacsa

JC-Kristine Bagalacsa Proverbs 16:3
LPT

20/07/2026

Hindi man agad nakikita ang resulta, hindi ibig sabihin na walang nangyayari.

Every small step, every sacrifice, every late night, every prayer, at bawat araw na pinipili mong hindi sumuko—lahat ’yan may halaga.

Minsan, hindi ka lang pinapabilis ni Lord. Pinapalalim ka muna. 🌱

Keep showing up.
Keep doing your best.
Trust God’s timing.

Darating din ang araw na lilingon ka at masasabi mo, “Worth it pala lahat ng pinagdaanan ko.” 🤍

17/07/2026

A mindset that changed my life:

Always count on God.

Not because life is easy, but because He never changes.

Plans may fail.
People may leave.
Feelings may change.
Opportunities may come and go.

But God remains faithful.

Do your part.
Keep showing up.
Work with excellence.
Then trust God with everything beyond your control. 🤍

16/07/2026

🚨 Eto ang #3 na pinaka-delikadong sign na burnout ka na sa work mo.

Marami ang nag-aakala na katamaran lang ’yan.

Pero ang totoo, hindi ka tamad. Baka burned out ka lang.

Kapag araw-araw kang nagbibigay ng oras at effort, pero pakiramdam mo wala ka nang growth, normal lang na mawalan ng excitement.

Unti-unti, ang inaabangan mo na lang ay payday.

Pagdating ng sweldo, diretso agad sa bills, bayarin, at mga responsibilidad. Tapos aantayin mo ulit ang susunod na cutoff.

Paulit-ulit.

At doon pumapasok ang tanong:

“Ganito na lang ba habang buhay?”

Kaya mapapansin mong naiisip mo nang:
✔️ Mag-business.
✔️ Mag-side hustle.
✔️ Matuto ng bagong skill.
✔️ Humanap ng ibang source of income.

Hindi dahil gusto mong takasan ang trabaho mo.

Kundi dahil may bahagi sa’yo na naniniwalang mas may kaya ka pa at gusto mong magkaroon ng mas maraming choices sa buhay.

Hindi naman kailangang mag-resign agad. Pero wala ring masama kung magsimula kang mag-build ng isang bagay habang may trabaho ka pa.

Minsan, ang burnout ay hindi senyales na kailangan mong sumuko.

Minsan, senyales ito na oras na para mag-grow.

💬 Comment “GROW” kung gusto mong matutunan kung paano magsimula ng negosyo habang may full-time work ka pa.

12/07/2026

SANA MAS MAAGA KO ’TONG NALAMAN…

1. Hindi sapat na MAGALING ka lang.

Kailangan marunong ka ring makipag-usap,
magbenta, at ipakita yung kaya mong gawin.
Kahit magaling ka,
mahihirapan kang kumita kung walang NAKAKAALAM sa skill mo.

2. Hindi lahat ng KAIBIGAN mo, makakasama mo habang buhay.
Habang tumatanda ka,
may mga taong mawawala at may mga bagong darating.
Hindi mo kailangang pilitin lahat.
Piliin mo yung mga taong sasamahan kang YUMAMAN.

3. Walang PERFECT time para magsimula.
Hindi kailangang alam mo na lahat.
Hindi kailangang ready ka na agad.
Magsimula ka.
Magkamali ka.
Matuto ka habang ginagawa mo.


Sana dati ko pa to nalaman.
Kasi mas maaga sana kong naging successful.

12/07/2026

4 Bible Verses that God is telling you kapag pinanghihinaan ka ng loob.. 🤍

Sobrang dami pa sa Bible, but whenever you feel discouraged, ito yung top verses na pwede mong balik-balikan.

Aja! 😊

11/07/2026

College pa lang, mahilig na talaga akong umattend ng seminars.

Yung mga business talks, money workshops. Kahit anong event na alam kong may matututunan ako, at aligned sa goals ko, pupuntahan ko.

Minsan, yung kinikita ko sa mga sideline ko dati bilang student, ginagamit ko pambayad ng ticket. Hindi kasi ako naghahanap lang ng motivation. Gusto kong matuto sa mga taong nauna na sa akin.

Habang tumatagal, may narealize ako...
Hindi yung pag-attend ng seminar ang nagpapabago ng buhay mo.
Yung ginagawa mo pagkatapos. Yung ina-apply mo sa araw-araw.

Here are 4 habits na paulit-ulit kong napansin sa mga successful people na nakilala ko at pwede mo ring simulan today. (part 1)

1️⃣ They plan before they wake up.

Alam na nila ang priority nila bago magsimula ang araw nila.
Hindi nila hinahayaan na ibang tao o notifications ang magdikta kung paano nila gugugulin ang oras nila.

2️⃣ They protect their mornings.

Bago notifications, chats, o emails...
may oras muna sila kay God para mag-pray, magpasalamat, at oras para sa sarili nila.

3️⃣ They choose discipline over mood.

Hindi sila naghihintay ng “kapag sinipag na ako.”
Alam nilang consistency ang nagpo-produce ng results, hindi lang motivation.

4️⃣ They choose their environment wisely.

Intentional sila sa mga taong madalas nilang kasama.
Gusto nilang mapalibutan ng mga taong may growth mindset at nagtutulungan umangat.

Looking back, ito yung mga simpleng habits na, kapag ginawa araw-araw, unti-unting binabago ang direction ng buhay mo.
Kaya huwag mong maliitin ang maliliit na bagay na kaya mong simulan today. Yan rin ang magiging dahilan ng malaking pagbabago years from now.💚

__

Hello! I’m Mae. For the past 9 years, I’ve built different kinds of businesses, both online and traditional.

Kung empleyado ka pa ngayon at gusto mo nang magsimula ng negosyo, pero sa dami ng opportunities online, hindi mo na alam kung ano ba talaga ang fit sayo...

11/07/2026

Hindi lahat ng blessings ay bagay at habang nag-lelevel up ako sa buhay, life is not all about kung sobrang dami mong kaibigan.

Mas mahalaga kung sinu-sino yung mga taong pinapayagan mong magkaroon ng boses sa buhay mo.

Para sakin, may apat na klase ng kaibigan na talagang iniingatan ko.

1 — The Listener

Yung hindi agad nagbibigay ng advice habang nagsasalita ka. Nakikinig muna.

Hindi para mag-isip ng isasagot, kundi para maintindihan ka rin muna.

Sa panahon na lahat gustong magsalita, sobrang rare na ng taong marunong talagang makinig.

2 — The Encourager

Ito yung taong nakikita ang potential mo, na kahit ikaw hindi mo makita sa sarili mo.

Kapag gusto mo nang sumuko, siya yung nagpapaalala kung bakit ka nagsimula. Hindi siya nangpi-pressure. Nagbibigay siya ng pag-asa.

3 — The Truth-Teller

Hindi siya “yes” person.

Kapag mali ka, sasabihin niya.
Kapag may blind spot ka, ipapakita niya.

Hindi dahil gusto ka niyang saktan. Kundi dahil mas mahalaga sa kanya ang growth mo kaysa sa comfort mo.

Minsan, ang pinakamagandang pagmamahal ay yung taong handang magsabi ng katotohanan.

4 — The Prayer Warrior

Ito siguro yung isa sa pinaka-underrated.

Yung kaibigan na hindi lang nagsasabing, “Kaya mo ‘yan.”

Kundi... “Ipagdadasal kita.”
o kaya... “Sige, pray tayo.”

At ang mas nakakatuwa?
Minsan ipinagdarasal ka na pala nila kahit hindi mo pa alam na kailangan mo.

Sobrang grateful ako sa mga taong ganito na ipinadala ni Lord sa buhay ko.

At maganda rin na i-aim nating maging ganitong klaseng kaibigan sa iba.

Kasi sa totoo lang, sa buhay, ang kailangan natin ay isang taong makikinig, magpapaalala ng worth natin, magsasabi ng totoo, at magdarasal kasama natin.

Kung meron kang ganitong kaibigan, ingatan mo sila. Hindi sila madaling matagpuan.

At kung ikaw naman ang ganitong klaseng kaibigan...
Mas malaki ang impact mo sa buhay ng ibang tao kaysa sa iniisip mo. 🤍

Tag someone na thankful kang meron sa buhay mo. 😊

11/07/2026

Comparison doesn’t change your calling.
It only steals your focus from it.

Keep building what God placed in your hands. 💛

11/07/2026

Pray for these 3 things first if you still have a daily job right now and gusto mo nang mag-start ng sarili mong business.

Nung 2015, I started my job as a professional teacher, I’m fresh grad that time.

Habang nagwo-work, nagsabay ako ng side business, hanggang sa dumating yung point na naging mas malaki na ang kinikita ko dun kaysa sa sweldo ko.
And finally, nung 2020, nag-resign na ako.

But before you even ask ‘how’ or ‘when’...

1. Clarity

You don’t need to see the whole road before you start. You just need to see the first step.

Nung nagpray ako ano pwede kong i-start na business, online selling ang pinakita ni Lord na business na pwede kong isabay while working.

The next clarity came while I was already moving. So kung malabo pa lahat sa’yo ngayon, wag munang hintayin ang complete plan. Just ask God to show you what business to start.

2. Boldness

Normal lang matakot, kabahan sa umpisa. Pero yung boldness na hinihingi ko, yung klase ng lakas ng loob na kahit may takot, gagawin ko pa rin ang kailangan kong gawin.

Kasi kung hihintayin mong mawala muna ang takot bago ka gumalaw, baka habang buhay kang maghihintay. Ipanalangin mo yung boldness sa pagkilos, sa pag-start man o sa pag-resign.

3. Consistency

Hindi madaling maging consistent, lalo na kapag wala ka sa mood, tinatamad ka, o may challenges sa buhay na nakaka-drain sa’yo.

Hindi lahat ng araw excited ako. May mga araw na tinatamad akong buksan yung laptop ko, gusto ko na lang magpahinga.

Pero tuloy-tuloy pa rin ako kasi naniniwala ako, ang motivation mabilis mawala pero ang discipline, yun ang tumatagal.

Pray for the grace to keep showing up, kahit slow ang progress, kahit hindi mo pa nakikita ang resulta. I’m rooting for you!



Hi, I’m Mae. I left my corporate job at 24, and I’ve been building online income for the past 9 years.

The real win wasn’t quitting my job. It was preparing before I did.

Kung empleyado ka o OFW at gusto mong magkaroon ng mas maraming options sa future, gumawa ako ng Free Exit Blueprint Guide para sayo.

That’s where I shared how I prepared while employed before I resigned.

Comment PLAN & I’ll send it to you.

10/07/2026

“Kung may oras ka sa social media, may oras ka ring gumawa ng extra income.”

Sa totoo lang, hindi problema ng karamihan ang kakulangan ng oras—kundi kung saan nila ito ginugugol. Marami sa atin ang nakakagugol ng dalawa hanggang apat na oras sa social media araw-araw. Ilang reels ang napapanood, ilang posts ang nai-scroll, at ilang videos ang natatapos nang wala namang naidagdag sa ating kinabukasan.

Isipin mo kung kahit 30 minuto hanggang isang oras lang bawat araw ang ilalaan mo sa pag-aaral ng negosyo, pagpo-post ng produkto, pagre-reply sa inquiries, o pagbuo ng personal brand. Hindi man agad malaki ang resulta, unti-unti kang makakabuo ng bagong oportunidad at posibleng dagdag na kita.

Ang social media ay hindi lang para sa entertainment. Isa na rin itong marketplace kung saan maraming tao ang kumikita mula sa pagbebenta ng produkto, pagbibigay ng serbisyo, at paggawa ng content. Ang parehong app na ginagamit mo sa pag-scroll ay maaari ring maging daan para magkaroon ka ng isa pang source of income.

Hindi mo kailangang huminto sa trabaho o isakripisyo ang oras mo sa pamilya. Maraming negosyo ngayon ang puwedeng gawin sa libreng oras—pagkatapos ng trabaho, habang nagpapahinga, o kahit nasa bahay lang.

Minsan, ang pagitan ng taong nanonood lang ng tagumpay ng iba at ng taong unti-unting umaasenso ay isang simpleng desisyon: gamitin ang social media bilang kasangkapan para kumita, hindi lang para magpalipas ng oras. Ang oras ay lilipas pa rin. Ang tanong, may naitayo ka ba habang lumilipas ito?

BusinessRealtalk

Address

Santa Rosa Laguna
Santa Rosa
4024

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JC-Kristine Bagalacsa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to JC-Kristine Bagalacsa:

Shortcuts

Share

Category