20/09/2025
๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฆ๐ง๐ ๐๐ก๐ ๐๐จ๐ก๐๐ง๐! โ๐ฅ
Sa rumaragasang korapsyon sa pamahalaan natin, walang ibang biktima kung hindi ang sambayanang pinasasamantalahan. Habang nagpapakasasa sa pondo ng mamamayan ang mga kongresita't kontraktor, patuloy na pinagkakaitan ng karampatang pondo ang mga Iskolar ng Bayan. Danas pa rin ng mga estudyante ang mababang kalidad ng edukasyon, ang kawalan ng mga pasilidad at klasrum, at mababang pasahod sa kaguruan at mga kawani.
Marcos noon, Marcos pa rin ngayon! Tatak magnanakaw! Kabi-kabilaan din ang atake sa mamamayan! Tahasang nananakot, nadarambong, at pasismo ng estado. Kaya naman bukas, bilang ika-53 anibersaryo ng Martial Law, babahain natin ang Luneta, Manila sa ganap na ika-siyam ng umaga! Panahon na para panagutin ang lahat ng burukrata kapitalista sa gobyerno, mula kay Marcos Jr., Sara Duterte, hanggang sa kanilang mga alipores!
Mula Sta. Mesa tungong Luneta, pagkaisahin natin ang ating lakas! PUP Community, rise against corruption and tyranny! Dumalo at magpadalo:
๐ป5:30 AM to 6:20 AM - Meet-up at PUP, Main Gate.
๐ป07:00AM - Assembly at Kalaw Ave. corner Taft
๐ป07:45AM - March to Luneta
๐ป09:00AM to 12:00NN - Program at Luneta
๐ป12:00NN to 01:30PM - March to Mendiola
๐ป01:30PM to 02:30PM - Program at Mendiola
๐ป02:30PM - EDSA People Power Monument
COORDINATING GC 2.0:
http://m.me/j/AbYu2Q2wEMNfBIho/
PUP RACT SIGN-UP FORM FOR ORGANIZATIONS:
https://tinyurl.com/JoinPUPRACT
---------------------
18/06/2024
HANDS OFF OUR UNIVERSITY!
Nitong nagdaang linggo ay nakatanggap ang Opisina ng Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ng impormasyon mula sa isa sa mga estudyante ng PUP Taguig (PUPT) na nagpadala sa tanggapan ng opisina ng kanilang direktor ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) Center, kasama ang kanilang Community and Relations Service Office (CRSO), noong ika-4 ng Hunyo 2024 ng isang event proposal upang makapagsagawa ang BJMP National Capital Region (NCR) Taguig City Jail - Male Dormitory (TCJ-MD) ng isang araw na symposium o information drive sa kanilang kampus tungkol sa BJMP NCR TCJ-MD at โpreventing and countering violent extremism and insurgency initiatives.โ Ito ay parte ng mandato ng BJMP sa ilalim ng Executive Order No. 70 (Creating the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict or NTF-ELCAC). Layunin ng nasabing aktibidad na magpalawig ng kaalaman hinggil sa BJMP at โdangers of radicalization leading to violent extremism, promote critical thinking skills, and debunk false narratives that extremists often use to manipulate individuals.โ Layunin din ng programang ito na baliin ang โnational propaganda of the Communist Terrorist Groups (CTGs) and Local Terrorist Groups (LTGs).โ
Mula sa pakikipag-ugnayan sa ilang mga pormasyon at indibidwal na mga estudyante ng PUPT, target na maisagawa ito nang onlayn sa ika-28 ng Hunyo 2024 kung saan โrequiredโ na dumalo ang dalawang programa sa ilalim ng dalawang seksyon na kumukuha ng Civic Welfare and Training Service (CWTS).
Walang espasyo sa pamantasan ang NTF-ELCAC, kasama ang lahat ng galamay ng reaksyonaryong gobyerno, at walang puwang ang anumang porma ng pambubusal nila sa bibig ng mga Iskolar ng Bayan at sa lahat ng mamamayang kritikal sa gobyerno! Malinaw sa atin na ang ganitong programa ng kapulisan ay literal na terror-tagging, at ang terror-tagging ay hindi lamang usapin ng pagbubulalas ng mga salitang magbibigay ng panganib sa buhay ng progresibong indibidwal at pormasyon, kundi kaakibat nito ang banta sa seguridad, kaliwaโt kanang kaso ng pagpapatahimik at paniniktik, pagsasampa ng gawa-gawang kaso, pandurukot, pati na rin ang pagpatay sa mga mamamayan.
Ito ay paraan lamang ng gobyerno para makapasok sa loob ng ating institusyon at direktang atakihin ang kalayaang pang-akademiko ng mga PUPian at ilagay sa alanganin ang buhay ng mga progresibong indibidwal at pormasyon sa loob ng PUP. Patunay riyan ang walang pasubaling red-tagging sa mga pormasyon sa PUP sa ginanap na war simulation sa College of Political Science and Public Administration (CPSPA) noong nagdaang taon, pag-imbita sa mga pulis upang magtayo ng helpdesk hinggil sa Violence Against Women and Children (VAWC) sa College of Communication (COC) noong 2023, pag-terror-tag ng NTF-ELCAC sa ilang kandidato ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) PUP noong Student Council Elections (SCE) 2022, pagiging resource speaker ng mga pulis sa mga aktibidad sa ibaโt ibang kampus ng PUP, walang-habas na paniniktik ng mga โintelโ at paggamit ng drone tuwing may mobilisasyon ng mga estudyante sa PUP, at ang pinakahuli ay pagsasampa ng gawa-gawang kaso sa isa mga dating campus journalist mula sa PUP The Catalyst na si Fritz Labiano.
Ito rin ay daan nila upang lasunin ang utak ng mga kabataan at ipropaganda ang bulok na Reserve Officersโ Training Corps (ROTC) at huwad na kritikal na pag-iisip, kasabay ng pagraratsada sa usapin ng Mandatory ROTC sa Kongreso dahil gagawin ng lahat ng gobyernong ito upang maging pain ang mga kabataan sa paghahanda nito sa giyera ng US at Tsina sa lupain at karagatan mismo ng Pilipinas.
Hindi mali at hindi kasalanan ang pagiging kritikal! At kahit kailanman ay hindi matutugunan ng terror-tagging activities kagaya nito kung bakit nananatiling maraming mamamayan ang lumalaban dahil gobyerno mismo ang nagtutulak sa kanila na piliin ang landas ng pakikibaka dahil sa pananatili ng makauri at nabubulok na sistemang malapyudal at malakoloynal ng lipunang Pilipino!
Hands off our university! Itigil ang mga programa ng terror-tagging at iba pa nitong porma sa loob at labas ng mga pamantasan!
25/08/2023
Disclaimer: The data on the pubmat are from August 23, 2023. There might be some changes with the slots so please be guided accordingly.
Attention, aspiring Iskolars!
Curious with the remaining slots of our Sintang Paaralan?
Sharing with you the current slot availability of courses, as of August 23, 2023!
So, Aspiring Iskolars! Gear up, stay informed and let your passion fuel your pursuit of knowledge.
**C
31/07/2023
PUP LET THE ISKOLARS GRADUATE!
The S**C together with the student community unites as one, demanding justice and fairness for our fourth year students facing graduation concerns.
Here are the demands:
1. Follow the 2013 Student Handbook Qualification for Latin Honors;
2. Include the "INC/Grade" Remarks on the Latin Honor;
3. Allow lower than 2.50 to 3.00 grades of students to be included in the Latin Honors;
4. Immediately reopen the Application for Graduation;
5. Fix the Technical Issues on SIS;
6. Release Comprehensive Guidelines Regarding Graduation
These are precarious times, and in these exact moments we are called to stand up and unite to reclaim our future for our generation and the generations to come.
Together, let's stand for a just, inclusive, and democratic graduation process! ๐ช๐
SIGN THE PETITION NOW! ๐
Petition Link: https://bit.ly/PUPLetUsGraduatePetition
18/04/2023
๐๐๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐๐๐ก, ๐๐๐ฃ๐๐ก๐ฆ๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฆ๐๐ก!
Mula sa naging Facebook Post ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (PUP SKM) ang PUP-DND Accord o ang Prudente-Ramos Accord na s'yang kasunduan sa pagitan ng dating PUP President Nemensio Prudente at National Defense Secretary Fidel Ramos ay napag-alaman na ang kasunduan na ito ay ๐จ๐ก๐๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐๐๐ฌ ๐ง๐๐ฅ๐ ๐๐ก๐๐ง๐๐ na mula pa noong January 19, 2022.
Nagpadala ng liham ang PUP SKM sa opisina ng Chief Legal Counsel ng PUP noong March 30, 2023 upang alamin ang kasalukuyang estado ng nasabing PUP-DND Accord. Bukod pa rito, noong April 17, 2023 rin ay ikinasa ang protesta kasunod ang 'di-pagpayag ng pamantasan na magkaroon ng diyalogo ukol sa naturang hiling.
Bukod pa rito, hindi pa rin nakatatanggap ng kahit anong balita mula sa request ng pamantasan na magkaroon ng diyalogo sa Department of National Defense mula noong February 2022.
Ang PUP-DND accord na naging matibay na sandigan ng mga mag-aaral para sa akademikong kalayaan at karapatan ay tila naglaho. Taon ang nakalipas mula nang mawala ang PUP-DND Accord, at ngayon ay nalaman ng mga Iskolar ng Bayan ang ukol dito. Ito ay isang malaking banta para sa akademikong kalayaan at seguridad ng mga Iskolar ng Bayan.
Hindi ito tama! Habang patuloy ang pamamasismo ng rehimeng Marcos ay siya ring patuloy na pang-rred tag at panghaharass sa mga Iskolar ng Bayan. Ngunit tayo ay mananatili sa ating prinsipyo at ipaglaban ang malaya at aksesableng edukasyon nang malayo sa anumang panganib at banta ng militarisasyon!
๐ ๐ด๐ฎ ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ฑ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ธ๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ๐ฝ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
!!!
08/03/2023
"๐๐ก๐๐ซ๐โ๐ฌ ๐ฌ๐จ๐ฆ๐๐ญ๐ก๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐จ ๐ฌ๐ฉ๐๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐จ๐ฎ๐ญ ๐ ๐ฐ๐จ๐ฆ๐๐ง ๐ฐ๐ก๐จ ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ญ๐๐ฌ ๐ข๐ง ๐ ๐ฆ๐๐งโ๐ฌ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ฅ๐. ๐๐ญ ๐ญ๐๐ค๐๐ฌ ๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐๐ข๐ง ๐ ๐ซ๐๐๐, ๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก, ๐ข๐ง๐ญ๐๐ฅ๐ฅ๐ข๐ ๐๐ง๐๐, ๐๐๐๐ซ๐ฅ๐๐ฌ๐ฌ๐ง๐๐ฌ๐ฌ, ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐ง๐๐ซ๐ฏ๐ ๐ญ๐จ ๐ง๐๐ฏ๐๐ซ ๐ญ๐๐ค๐ ๐ง๐จ ๐๐จ๐ซ ๐๐ง ๐๐ง๐ฌ๐ฐ๐๐ซ." โ ๐๐ข๐ก๐๐ง๐ง๐
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐๐งโ๐ฌ ๐๐๐ฒ!
The ๐๐๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ๐จ' ๐๐ช๐๐ก๐๐ ๐๐ฃ๐๐ค๐ง๐ข๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐พ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง acknowledges the unique social, economic, cultural, political, and irreplaceable contributions of women worldwide. This is a good moment to reflect on the struggles and commitments women have made in order to obtain basic rights, acceptance, and respect in our society.
As we know, women have experienced inequality, harassment, and discrimination in all facets of life, but this was not the reason for them to give up. Women fought for their rights and gender equality in creating a fair and just society, and it's important to recognize they are strong, competent, and resilient. They have the ability to bring about long-lasting change and improve society, the power to engage and empower others, and the courage to fearlessly stand up and speak up for what is right. They have the ability to lead and create the future. The world can greatly benefit from the remarkable contributions that women can provide. Women are brave and persistent in the pursuit of their goals, as well as powerful and strong in the midst of adversity.
We must stand together and support each other in our fight for gender equality and continue to strive for a better future for all women. This is the right time to empower and encourage women with the desire to achieve their full potential and break down barriers in their journey.
๐๐ก๐๐ซ๐โ๐ฌ ๐ง๐จ ๐ฅ๐ข๐ฆ๐ข๐ญ ๐ญ๐จ ๐ฐ๐ก๐๐ญ ๐ฐ๐, ๐๐ฌ ๐ฐ๐จ๐ฆ๐๐ง, ๐๐๐ง ๐๐๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก." - ๐๐ข๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐๐๐ฆ๐
#๐๐จ๐ฆ๐๐ง๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ญ
#๐๐จ๐ฆ๐๐ง๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐๐ง
#๐๐๐ง๐๐๐ซ๐๐ช๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ
#๐๐๐๐๐๐๐
05/03/2023
BEEP BEEEEEEEEEEP! PARA PO... SA MGA JEEPNEY DRIVERS! ๐ซ
Ang Tulong Kabataan - Sta. Mesa kasama ang mga organisasyon at pormasyon sa Sta. Mesa, ay naglulunsad ng donation drive para makapagpaabot ng tulong sa ating mga minamahal na masang tsuper.
Itong darating na linggo ay mayroong jeepney strike na magaganap sa buong bansa upang tutulan ang Jeepney Phase Out. Ang bawat donasyon ay siguradong makaaabot sa mga mamang tsuper ng Cubao-Divisoria PISTON na magkakasa ng strike para sa kanilang kabuhayan.
Maaaring magpaabot ng tulong pinansyal sa mga sumusunod na accounts:
Gcash:
0925 875 5451 Benhur Q.
0945 125 1740 Jeanelle P.
Union Bank:
1094 2964 9615 Leomar Tagle
Para naman sa mga nais magpaabot ng tulong tulad ng mga bottled water, rice, canned goods, ready to eat foods, first aid at hygiene kit ay lubos din pong tinatanggap.
Drop-off point is at the Mezza-UERM area, along Aurora Blvd
**C