21/08/2026
Magandang hapon, mga Mater Deians!
Ipinababatid po na ang Campus Journalism Screening ay gaganapin bukas, Sabado, Agosto 22, 2026, mula 1:00 PM hanggang 3:00 PM. Ito ay magaganap sa mga silid na itinalaga para sa bawat kategorya ng pamamahayag.
Dahil ang mga pagsusulit ng mga mag-aaral ay gaganapin sa umaga at ang mga klase ay matatapos sa ganap na 12:00 ng tanghali, ang mga kalahok na mag-aaral ay inaasahang manatili sa kampus bilang paghahanda at pakikilahok sa nakatakdang pampaaralang-patimpalak.
Kami po ay magalang na humihiling ng kooperasyon mula sa mga gurong-tagapayo ng mga silid na gagamitin para sa screening. Ang inyong tulong sa paglalaan ng mga itinalagang silid sa buong tagal ng aktibidad ay lubos na pinasasalamatan.
Ipinababatid din sa mga magulang at tagapag-alaga na ang mga kalahok na mag-aaral ay mananatili sa paaralan pagkatapos ng kanilang mga pagsusulit at sila ay pauuwiin kapag natapos na ang kani-kanilang screening. Hindi na nila kailangang manatili lampas sa kinakailangang oras ng aktibidad.
Lubos naming pinasasalamatan ang kooperasyon at suporta ng bawat isa upang matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad na ito at mabigyan ang ating mga mag-aaral ng pagkakataong mapaunlad at maipamalas ang kanilang galing sa Pamamahayag Pangkampus.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pag-unawa.
G. Bryan V. Barboza, LPT
School Paper Adviser
21/08/2026
Magandang araw, mga Mater Deians!
Bukas, Agosto 22, 2026, ay nakatakdang ipagpatuloy ang mga ipinagpaliban na pagsusulit na naantala dahil sa sama ng panahon. Bukod dito, ang ilang mga naantalang aktibidad ay maaari na ring idaos.
Para sa mga detalyadong gabay at iskedyul para bukas, pinapayuhan ang lahat na makipag-ugnayan sa kani-kanilang gurong tagapayo.
Gayon din, manatiling nakatutok para sa mga susunod na anunsyo kung may mga pagbabago man. Patuloy tayong manalangin para sa pagpapabuti ng ating panahon.
21/08/2026
Ngayong araw na ito, ginugunita natin ang anibersaryo ng buhay at pakikibaka ni Dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr.
Ang kaniyang kuwento ay malalim na tumatak sa ating kasaysayan— hindi lamang dahil sa kaniyang pagiging senador, kundi higit sa lahat dahil sa kaniyang matapang na paninindigan bilang oposisyon at sa paglulunsad ng laban-bayan para sa demokrasya.
Mga minamahal naming Mater Deians, sa kasalukuyang panahon kung saan talamak ang iba't ibang uri ng karahasan, alalahanin nating minsan nang itinuro sa atin ni Senador Ninoy na hindi karahasan ang tugon sa isang mapang-aping sistema. Ang kaniyang naging sakripisyo, maging ang resulta ng kaniyang pagpanaw na nagbunga ng makasaysayang People Power EDSA Revolution, ay patunay na ang boses, katalinuhan, at kapayapaan ang siyang nararapat na sandata laban sa anomang hidwaan.
20/08/2026
Aming buong-pusong ipinapakilala ang mga natatanging kalahok sa darating na LAKAN AT LAKAMBINI NG WIKA 2026: MITOLOHIYA!
Sa makasaysayang patimpalak na ito, saksihan ang pagtatanghal ng ating mga mag-aaral habang kanilang ipinamamalas ang sining at kultura. Sila ay magbibigay-buhay sa mga makapangyarihang diyos, diyosa, at mga mahiwagang karakter mula sa yaman ng Mitolohiyang Pilipino!
Ito ay hindi lamang isang simpleng paligsahan kundi isang mahalagang hakbang upang panatilihing buhay at naglalagablab ang ating pagkakakilanlan gamit ang sariling wika.
Mga Mater Deians, sama-sama nating saksihan ang kanilang talento at ibigay ang ating buong-suporta sa ating mga paboritong kalahok!
19/08/2026
Mga minamahal naming Mater Deians, muli, isang maulang gabi sa inyo.
Dahil sa patuloy, matindi, at malawakang pag-ulan, magpapatuloy ang alternatibong sistema ng pag-aaral sa ating paaralan. Ito ay bilang pagtalima at alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 130, kung saan mananatiling suspendido ang pagsasagawa ng harap-harapang sistema ng pagtuturo.
Pinapayuhan ang lahat ng ating mga mag-aaral na makipag-ugnayan sa kani-kanilang gurong tagapayo upang makuha ang mga karagdagang tagubilin para bukas.
Manatiling ligtas, iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan, mag-ingat ang lahat, at ipagdasal nating bumuti na ang panahon.
19/08/2026
Mga minamahal naming Mater Deians, batid namin ang inyong pananabik na makabalik sa paaralan, lalo na ngayong may ilan sa atin na nakararanas ng kalungkutan dulot ng masamang panahon. Taos-puso ang aming dalangin na ang bawat isa ay manatiling ligtas, sa pangangatawan man o sa emosyon.
Habang hinihintay nating muling mapuno ng sigla ang ating kampus, sariwain muna natin ang mga ginintuang sandali at tawanan na nagmarka sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027—kabilang na ang ating makabuluhang pagdiriwang ng Misa para sa Banal na Espiritu!
Ito ang mga unang hakbang at pagtitipon na nagbigay-daan upang tayo ay magkalapit, magkaunawaan, at magkaisa bilang isang pamilya.
Isang mainit na pasasalamat kay Earl Lawrence Fadirugao, ang ating mahusay na alumna, sa pagbabahagi ng kanyang talento sa pagkuha ng mga larawang ito.
Paunawa: Bilang pagtalima sa Data Privacy Act at pagbibigay-halaga sa inyong seguridad, ang mga litratong ito ay inilabas sa ilalim ng ating "Balik-Tanaw" matapos maipamahagi ang mga kinakailangang Consent Form sa buong komunidad.
18/08/2026
Mga minamahal naming Mater Deians, muli, isang maulang gabi sa inyo.
Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 129, pansamantalang isasagawa sa pamamagitan ng alternatibong paraan ng pagtuturo ang ating mga klase. Mangyaring makipag-ugnayan agad sa inyong mga gurong tagapayo upang makuha ang mga karagdagang tagubilin para bukas.
Manatiling ligtas, mag-ingat ang lahat, at ipagdasal nating bumuti na ang panahon.
18/08/2026
Mga minamahal na Mater Deians, tiyak na sabik na ang bawat isa sa inyo na makabalik sa eskwelahan, kahit pa may ilan sa atin na nalulungkot dahil sa masamang panahon ngayon. Panalangin namin ang kaligtasan ng lahat, sa katawan man o sa damdamin.
Para maibsan ang inyong pananabik sa ating minamahal na paaralan, sulyapan muli natin ang mga masasaya at makabuluhang sandali na ating pinagsaluhan sa pagsisimula ng Taong Panuruan 2026–2027!
Mga alaalang nagbigay-daan upang tayo ay magkalapit, magkakilala, at magkaisa.
Isang malaking pasasalamat kay Kisses Charlotte Sarmiento, ang mahusay na alumna ng ating paaralan, para sa mga kuha ng larawang ito.
Paunawa: Bilang pagtalima sa batas ng Data Privacy at para sa proteksyon ng lahat, ang mga larawang ito ay inilathala bilang bahagi ng ating Balik-Tanaw matapos maipamahagi at mapunan ang Data Privacy & Consent Form ng bawat miyembro ng komunidad.
18/08/2026
Mga Mater Deians, alam naming ang lahat ay nasasabik nang bumalik sa mga silid-aralan, bagamat may ilan ding kasalukuyang nalulumbay dahil sa epekto ng sama ng panahon. Kaya't dalangin namin na ang lahat ay manatiling ligtas, hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi pati na rin sa puso.
Upang maibsan ang pangungulila sa ating sintang paaralan, magbalik-tanaw tayo sa ilan sa mga masasaya at mahahalagang alaala na ating pinagsaluhan sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026–2027!
Mga kaganapang nag-umpisa upang ang lahat ay magkabuklod at magkakilala.
Maraming salamat sa mahusay na pagkuha ng mga larawan kay Earl Lawrence Fadirugao, alumnus ng ating paaralan.
Paunawa: Bilang proteksyon at pagsunod sa mga alituntunin patungkol sa Data Privacy, ang mga larawang ito ay inilathala bilang Balik-Tanaw matapos maipamahagi ang Data Privacy & Consent Form sa bawat miyembro ng ating komunidad.
17/08/2026
Isang maulang gabi, mga mahal naming Mater Deians,
Bilang pagtalima sa direktiba sa ilalim ng Memorandum Circular Blg. 128, ang ating sintang paaralan ay pansamantalang lilipat sa alternatibong paraan ng pagtuturo.
Dahil dito, pinapayuhan ang lahat na makipag-ugnayan sa kani-kanilang gurong tagapayo para sa mga karagdagang detalye ukol sa ating mga klase bukas.
Muli, mag-ingat ang bawat isa, unahin ang kaligtasan, at sabay-sabay nating ipagdasal ang pag-ayos ng panahon.