06/08/2026
BUOD NG DEAD STARS NI PAZ MARQUEZ-BENITEZ. ISANG MAIKLING KWENTO SA WIKANG INGLES.
Alfredo Salazar:Ang pangunahing tauhan (protagonist). Isang abogado na nasa edad mahigit 30 na, nagugulumihanan sa kaniyang nararamdaman. Nakaambang ikasal kay Esperanza ngunit nahulog ang loob sa ibang babae (kay Julia Salas). Sinisimbolo niya ang isang taong naipit sa pagitan ng kaniyang tungkulin/pananagutan at ng kaniyang sariling pagnanasa.
Esperanza: Ang kasintahan (at kalaunang naging asawa) ni Alfredo. Isang babaeng may matatag na prinsipyo, tapat, at naniniwala sa pormal na gawi, katinuan, at moralidad ng lipunan at ng kasal.
Julia Salas: Ang bilas ni Judge del Valle na nakilala ni Alfredo. Siya ay masayahin, buhay na buhay ang personalidad, at may angking alindog na nakabihag sa puso ni Alfredo. Siya ang kumakatawan sa "patay na bituin" o sa ilusyon ng pag-ibig na hinabol ni Alfredo.
BUOD NG MAIKLING KWENTO
Si Alfredo Salazar ay isang abogado na nakatakda nang ikasal sa kaniyang kasintahang si Esperanza pagkatapos ng tatlong taong pakikipagkasundo. Gayunpaman, sa kabila ng nalalapit nilang kasal, tila nawala na ang dating sigla at pagtingin ni Alfredo sa kaniyang relasyon kay Esperanza.
Isang araw, kasama ang kaniyang amang si Don Julian, bumisita si Alfredo sa tahanan ni Judge del Valle. Dito niya nakilala si Julia Salas, ang bilas ng hukom na bumibisita mula sa ibang bayan. Agad na nahulog ang loob ni Alfredo sa angking kagandahan, talino, at buhay na personalidad ni Julia. Sa loob ng anim na linggo, madalas silang magkasama at magkuwentuhan tuwing Linggo matapos magsimba, kung kaya't unti-unting nahulog ang loob ni Alfredo sa kaniya.
Nalaman ni Alfredo na kailangan nang umuwi ni Julia sa kaniyang sariling bayan. Gabi ng Huwebes Santo matapos ang prusisyon, nagkausap sila at binati ni Julia si Alfredo sa nalalapit nitong kasal—isang bagay na nalaman na pala ni Julia. Nagkaroon ng pag-aalinlangan at matinding tunggalian sa isip ni Alfredo kung susundin ba niya ang kaniyang puso para kay Julia o ang kaniyang pananagutan at reponsabilidad kay Esperanza. Nang makaramdam si Esperanza ang malamig na pakikitungo mula kay Alfredo, nagkaroon sila ng pagtatalo. Inungkat din ni Esperanza ang usapin tungkol sa kanilang moralidad at integridad. Sa huli, pinili ni Alfredo na tuparin ang kaniyang pangako at nagpakasal siya kay Esperanza.
Pagkaraan ng walong taon, nagkaroon ng pagkakataon si Alfredo na pumunta sa bayan ni Julia dahil sa kaniyang trabaho bilang abogado. Habang naroroon, pinuntahan niya ang bahay ni Julia. Nakita niya si Julia na hindi pa rin nag-aasawa, ngunit napagtanto niya na ang dating matinding damdamin at pag-ibig na kaniyang nararamdaman para rito ay tuluyan nang nawala at naglaho. Narealize ni Alfredo na sa nakalipas na walong taon, ang minahal at iningatan niyang alaala kay Julia ay tulad lamang ng liwanag ng mga patay na bituin (dead stars)—mga bituing matagal nang namatay at napundi, ngunit ang kanilang liwanag ay ngayon lamang nakarating sa kaniya, isang ilusyon ng isang bagay na wala na pala.
゚viralシfypシ゚