23/09/2026
🔒 KALIGTASAN AT KAPAKANAN NG MGA MAG-AARAL, ATING PRIYORIDAD! 🛡️✨
Upang mas mapanatili ang seguridad at kaayusan sa ating paaralan, ginagamit na sa ating entrance/gate ang dalawang (2) metal detector bago pumasok ang ating mga mag-aaral, g**o, at mga bisita sa Tumana Elementary School.
Ang hakbang na ito ay malaking tulong upang masig**ong ligtas, payapa, at protektado ang kapaligiran ng ating paaralan araw-araw.
Taos-pusong nagpapasalamat ang buong pamayanan ng Tumana Elementary School sa Local School Board (LSB) sa pagkakaloob ng mga kagamitang ito na tiyak na magagamit para sa kapakanan ng lahat.
Lubos din ang ating pasasalamat sa ating mahal na District Supervisor, Dr. Marilou V. Cruz, sa kanyang walang sawang suporta, paggabay, at pagbibigay-halaga sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral at kawani.
Sama-sama nating panatilihing ligtas at maayos ang ating paaralan! 💙📚