ISPSC - Health Services Unit

ISPSC - Health Services Unit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ISPSC - Health Services Unit, Santa Maria.

25/09/2026
❤️🩸Today, we give more than blood, we give someone another tomorrow.🩸❤️
17/09/2026

❤️🩸Today, we give more than blood, we give someone another tomorrow.🩸❤️

🩹🚑 FIRST AID: Agarang Lunas, Ligtas na Bukas! 🏥💚Sa panahon ng sakuna o aksidente, ang tamang first aid ay maaaring makap...
19/08/2026

🩹🚑 FIRST AID: Agarang Lunas, Ligtas na Bukas! 🏥💚

Sa panahon ng sakuna o aksidente, ang tamang first aid ay maaaring makapagligtas ng buhay at makatulong na maiwasan ang impeksiyon at paglala ng sugat.

🩹 Hugasan at linisin ang sugat
💧 Banlawan gamit ang malinis na dumadaloy na tubig
🧼 Sabunin at banlawan ang paligid ng sugat
🩹 Takpan ng malinis na tela o gasa
👩‍⚕️ Magpakonsulta sa doktor para sa tamang gabay at gamutan, lalo na kung malalim o malubha ang sugat.

Maging handa. Alamin ang tamang first aid. Sa bawat segundo, ang tamang aksyon ay mahalaga. 💚

🦷✨ Alagaan ang ngipin, alagaan ang sarili! ✨🦷Dental caries can start small, but when left untreated, it can lead to pain...
19/08/2026

🦷✨ Alagaan ang ngipin, alagaan ang sarili! ✨🦷

Dental caries can start small, but when left untreated, it can lead to pain, infection, and bigger dental problems. Prevention is always better than cure! 💙

🪥 Magsipilyo nang 2 beses araw-araw gamit ang fluoride toothpaste.
🧵 Gumamit ng dental floss araw-araw.
🥗 Pumili ng masustansyang pagkain at bawasan ang matatamis.
💧 Uminom ng sapat na tubig.
👩‍⚕️🦷 Magpa-check-up sa dentista nang regular.

Maliit na hakbang para sa malinis na ngipin, malusog na katawan, at mas masayang ngiti! 😊

🌧️🦠 MAGING HANDA, IWAS LEPTOSPIROSIS!Sa panahon ng bagyo at pagbaha, mas mataas ang panganib ng leptospirosis—isang saki...
18/08/2026

🌧️🦠 MAGING HANDA, IWAS LEPTOSPIROSIS!

Sa panahon ng bagyo at pagbaha, mas mataas ang panganib ng leptospirosis—isang sakit na maaaring makuha mula sa tubig o lupang kontaminado ng ihi ng daga.

💚 Protektahan ang sarili at pamilya:
✔️ Iwasang lumusong sa baha hangga’t maaari.
✔️ Kung kinakailangan, magsuot ng protective footwear.
✔️ Takpan at protektahan ang mga sugat gamit ang waterproof bandage.
✔️ Maghugas o maligo gamit ang malinis na tubig at sabon pagkatapos ma-expose sa baha.
✔️ Kung nakalusong sa baha at may sugat, o nagkaroon ng sintomas, kumonsulta agad sa health center o doktor.

⚠️ Huwag basta uminom ng gamot o antibiotics nang walang payo ng doktor.

Ngayong tag-ulan, kaligtasan muna! Alagaan ang kalusugan at iwasan ang leptospirosis. 💙

🩺 ALAMIN ANG VIRAL HEPATITIS! 🦠Ang viral hepatitis ay pamamaga ng atay na dulot ng hepatitis viruses A, B, C, D, at E. M...
18/08/2026

🩺 ALAMIN ANG VIRAL HEPATITIS! 🦠

Ang viral hepatitis ay pamamaga ng atay na dulot ng hepatitis viruses A, B, C, D, at E. Maaari itong magdulot ng pagkapagod, lagnat, pagkawala ng gana, pagsusuka, maitim na ihi, at paninilaw ng balat o mata.

💚 Protektahan ang iyong atay!
✔️ Magpabakuna laban sa Hepatitis A at B
✔️ Panatilihing malinis ang kamay at pagkain
✔️ Uminom ng malinis na tubig
✔️ Iwasang magbahagi ng karayom, razor, at personal na gamit
✔️ Maging responsable sa pakikipagtalik
✔️ Kumonsulta sa doktor para sa screening at tamang payo

Sama-sama nating protektahan ang ating atay at kalusugan!

🦟 SAAN NAHAHANAP ANG MGA KITI-KITI?Alam mo ba na ang mga kiti-kiti ay namumuhay sa mga naipong tubig? Kaya mahalagang al...
18/08/2026

🦟 SAAN NAHAHANAP ANG MGA KITI-KITI?

Alam mo ba na ang mga kiti-kiti ay namumuhay sa mga naipong tubig? Kaya mahalagang alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok upang makatulong sa pag-iwas sa dengue. 🦟🚫

💧 Itapon o takpan ang mga lalagyan na may naipong tubig.
🧹 Linisin ang alulod, kanal, at paligid ng bahay.
🪴 Regular na palitan ang tubig sa mga paso at lalagyan.
🗑️ Panatilihing malinis ang kapaligiran.

Tandaan: Malinis na kapaligiran, healthy na buhay!
💪 Sama-sama tayo, IWAS DENGUE TAYO!

🦷 DENTAL ABSCESS: HUWAG PABAYAAN, MAAGAPAN! 🚨Ang dental abscess ay isang impeksiyong dulot ng bacteria na maaaring magdu...
18/08/2026

🦷 DENTAL ABSCESS: HUWAG PABAYAAN, MAAGAPAN! 🚨

Ang dental abscess ay isang impeksiyong dulot ng bacteria na maaaring magdulot ng matinding sakit, pamamaga, lagnat, at paglabas ng nana. Kapag pinabayaan, maaari itong humantong sa mas malubhang komplikasyon.

✅ Magpakonsulta agad sa dentista kung may sintomas.
❌ Huwag mag-self-medicate o uminom ng antibiotics nang walang payo ng dentista.
🪥 Panatilihing malinis ang ngipin at gilagid.
🩺 Magpa-check-up nang regular para maiwasan ang dental problems.

Iwasan, alagaan, ngiting malusog araw-araw! 😊🦷

📌 Health education material from the ISPSC Health Services Unit - Main Campus

Iwas Dengue ngayong tag-ulan!Habang patuloy ang pag-ulan, tumataas din ang panganib ng dengue. Huwag hayaang pamugaran n...
07/08/2026

Iwas Dengue ngayong tag-ulan!

Habang patuloy ang pag-ulan, tumataas din ang panganib ng dengue. Huwag hayaang pamugaran ng lamok ang inyong tahanan - alisin ang naipong tubig, magsuot ng proteksiyon laban sa kagat ng lamok, at magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility kapag may lagnat o sintomas ng dengue.

Ang simpleng pag-iingat ngayon ay malaking hakbang para mapanatiling ligtas ang ating pamilya at komunidad.

Sama-sama nating sugpuin ang dengue. Kapag walang lamok, walang dengue! 💚❤️

Your Health. Our Priority.
ISPSC Health Services Unit

Stay Alert. Stay Protected.Chikungunya and dengue are mosquito-borne diseases that can cause serious illness, especially...
07/08/2026

Stay Alert. Stay Protected.

Chikungunya and dengue are mosquito-borne diseases that can cause serious illness, especially in children. Protect your family by eliminating mosquito breeding sites, preventing mosquito bites, staying hydrated, and seeking immediate medical attention if warning signs appear.

Together, let’s keep our homes and communities safe, because prevention starts with each one of us.

ISPSC Health Services Unit
Your Health. Our Priority. 💚❤️

Address

Santa Maria
2705

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639955576191

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ISPSC - Health Services Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to ISPSC - Health Services Unit:

Shortcuts

Share