29/07/2026
PULONIANS!📣
General Parents' Meeting and Election of School Governance Council (SGC) Officers.
July 29, 2026
School Covered Court
Our sincerest thanks to Ma'am Marissa Ramos- SP IV, Hon. Romeo Teodoro- Committee on Education and to all the parents and alumni for gracing the activity.
Congratulations to all newly elected SGC officers. Let's build a stronger and better school for our learners.❤️
24/07/2026
PULONIANS!📣
MAHALAGANG PAALALA:
Bawal ang Paggamit ng Cellphone sa Loob ng Paaralan
Ito ay upang ang mga mag- aaral ay may;
📌 Pokus sa Pag-aaral
Mas epektibong konsentrasyon sa leksyon
Mas maraming matututunan
📌 Disiplina sa Paaralan
Respeto sa batas at alituntunin
Paghahanda sa responsibilidad
📌 Iwas Abala sa Klase
Walang istorbo sa g**o at kamag-aral
Mas matahimik na kapaligiran
🔹 Pinahihintulutan lamang ang paggamit ng cellphone kung may patnubay ng g**o at gagamitin sa instructional lesson- activities
Mga Karagdagang Pangkaligtasang Paalala:
📌Iwasan ang paggamit ng cellphone at earphone habang naglalakad para sa inyong kaligtasan at kamalayan sa daanan.
📌Iwasan ang pagsusuot ng sapatos na mataas ang takong na maaaring pagmulan ng aksidente.
📌 Magsuot ng tamang school uniform
📌 Upang mapanatili rin ang kaayusan ng paaralan, iwasan ang pagtatapon ng basura kung saan saan.
Batayan ng Patakaran:
Ito ay alinsunod sa DepEd Order No. 6, s. 2026 (Policy on the Use of Cellphones during Class Hours).
Basta Pulonian, Disiplinado 'Yan!🙂
15/07/2026
PULONIANS!📣
🔻MAHALAGANG PABATID!🔺
Subject: MGA PAALALA AT PAGBABAGO SA SISTEMA NG PAGPASOK AT PAGLABAS SA PULONG BUHANGIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bilang bahagi ng pagpapatibay ng seguridad at kaligtasan ng lahat sa loob ng paaralan, narito ang mga pagbabago at alituntunin na mahigpit na ipatutupad:
📌 Gate 1 ay para sa pagpasok lamang ng mga mag-aaral.
📌 Ang mga mag-aaral na gumagamit ng service vehicle ay kinakailangang bumaba sa kanto tabi ng Andoks, pumila nang maayos, at maglakad patungo sa gate ng paaralan.
📌 Magkahiwalay ang pila ng mga babae at lalaki upang mapabilis at maging maayos ang pagpasok.
📌 Ang lahat ng mag-aaral ay kinakailangang sumailalim sa bag inspection bago makapasok sa paaralan.
📌 Gate 2 ay nakalaan para sa mga g**o at kawani ng paaralan. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga mag-aaral sa Gate 2.
📌 Para sa paglabas (Exit Only):
o Ang mga mag-aaral na uuwi mula 11:50 AM hanggang 12:30 PM ay dadaan sa Gate 2.
o Samantala, ang mga Senior High School students ay lalabas sa pamamagitan ng Gate 1mula 1:20 PM.
📌 Ang mga mag-aaral ng Grade 8 at Grade 10 ay papasok sa pamamagitan ng Gate 1.
📌 Ang mga mag-aaral na may dalang bisikleta ay papayagang makapasok kasama ang kanilang bisikleta matapos itong sumailalim sa inspeksyon.
📌 Ang mga g**o ay may karapatan ding magsagawa ng bag inspection sa kanilang mga mag-aaral kung kinakailangan.
📌 Kung may mapansing banta o anumang hindi kanais-nais na pangyayari, agad itong ipagbigay-alam sa mga g**o, sa Guidance Office, o sa Punong-Guro.
📌 Inaasahan ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng lahat upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa ating paaralan.
Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad ng lahat.
Basta Pulonian,Disiplinado 'Yan!💪🏼
15/07/2026
PULONIANS!📣
Orientation on Bomb Awareness and Safety Preparedness
July 15, 2026
Ngayong araw, Hulyo 15, 2026, matagumpay na idinaos ang isang mahalagang Orientation on Bomb Awareness and Safety Preparedness sa ating School Covered Court.
Ang gawaing ito ay pinangunahan ni PLTCOL Mark Loui M. Sigua, kasama ang mga dedikadong miyembro ng PNP Santa Maria. Layunin ng gawaing ito na paigtingin ang kaalaman ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan ukol sa seguridad at mga tamang hakbang na dapat gawin sa oras ng emergency.
Narito ang mga mahahalagang paksang tinalakay:
🕵️♂️ Pagkilala sa Banta: Paano matutukoy ang mga kahina-hinalang pakete, bag, o aktibidad sa loob at labas ng paaralan.
🏃♂️ Proseso ng Ligtas na Paglikas: Mga tamang emergency protocols at evacuation procedures upang maiwasan ang stampede at kaguluhan.
📞 Mabilis na Ugnayan: Ang kahalagahan ng agarang pag-uulat sa mga g**o, Guidance Office, Punong-Guro, o sa lokal na kapulisan kapag may napansing panganib.
Gaya ng lagi nating ipinapaalala, "Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad ng lahat."
Maraming salamat sa PNP Santa Maria sa pagbabahagi ng kanilang oras at kaalaman upang mas mapanatiling ligtas ang ating paaralan.👮♂️
15/07/2026
PULONIANS!📣
Hindi lahat ng biro ay nakakatawa—lalo na kung ito ay may kinalaman sa bomba at baril. 🛑⚠️
Ang Pulong Buhangin National High School ay nagpapaalala na ang ating mga salita ay may mabigat na epekto. Kaya naman, mahalagang mag-isip muna bago magbiro at magsalita nang may pananagutan.
Narito ang mahahalagang paalala kung bakit dapat nating iwasan ang mga ganitong uri ng "joke":
🔸Nagdudulot ng kaguluhan: Ang mga bomb at gun jokes ay maaaring magpakalat ng takot, pagkabalisa, at kalituhan sa loob ng paaralan.
🔸Nagdudulot ng abala: Maaari nitong maantala ang normal na takbo ng mga gawain at mag-udyok ng hindi kinakailangang pagresponde mula sa mga kinauukulan.
🔸May mabigat na parusang legal: Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727, ang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa bomba o iba pang eksplosibo ay may kaakibat na legal na pananagutan.
Bilang mga disiplinadong mag-aaral, ipakita natin ang ating pagpapahalaga sa kapwa:
1. Pahalagahan ang maingat at responsableng paggamit ng mga salita.
2. Isabuhay ang disiplina at paggalang upang maging bahagi ng solusyon.
3. Laging magpakita ng malasakit sa bawat isa.
Tandaan: Hindi lahat ng biro ay angkop o ligtas. Maging responsable sa ating mga aksyon at salita. 🛡️🤝
15/07/2026
PULONIANS!📣
Please be aware of a graphic image currently circulating on social media, which depicts a student seemingly injured or killed in a road incident.
We strongly clarify that Pulong Buhangin National High School has absolutely NO connection to this graphic picture of violence.
The incident shown did not happen at our school.
The student depicted is not a student of Pulong Buhangin National High School.
This is a malicious attempt to spread misinformation and create panic. Sharing such graphic and false content is harmful and disrespectful.
We urge the community to:
-STOP sharing this false information immediately.
-REPORT any posts you see featuring this image as fake news and promoting violence.
-VERIFY information from official school sources before sharing.
HUWAG PO TAYONG MANIWALA SA FAKE NEWS. Let’s stand together against the spread of fake news.
14/07/2026
PULONIANS!📣
Face-to-face classes will resume tomorrow, Wednesday, July 15, 2026, following the regular class schedule. The school was thoroughly inspected by the Explosive Ordnance Disposal (EOD) team, and no bomb or security threat was found at the school. The reported bomb threat was determined to be a false statement made as a joke by students.
Students, parents, and school personnel may return to school with confidence, as the school has been declared safe. Thank you for your continued cooperation. We look forward to welcoming everyone back to school.
See you tomorrow, Pulonians!❤️
13/07/2026
PULONIANS!📣
Please be informed that there will be no face-to-face classes on tomorrow, July 14, 2026. In light of the need to conduct further assessment and investigation regarding the circulating threats involving our school, all classes will be conducted through the Alternative Delivery Mode (ADM) for all levels.
All learners are advised to accomplish the assigned learning activities and follow the instructions provided by their respective teachers.
Thank you for your usual cooperation, understanding, and continued support.
-Marissa O. Ramos
School Principal IV
13/07/2026
PULONIANS!📣
The future of our Grade 7 batch is in your hands! This coming July 15–16, we will be casting our votes for the next SSLG Grade 7 Representatives during your Homeroom Guidance (HRG) Classes. 🗳️✨
Get to know the official candidates who are ready to step up, lead, and amplify your voices.
🔸Rhealyn A. Cangke | 7-STE
🔸Angelo Julius Fernandez | 7-E
🔸Andie Jace C. Suing | 7-E
🔸Allyssa Kate L. Manaloto | 7-Q
🔸Maiah Ysabelle G. Cuison | 7-STE
🔸Aliah Zakia DL. Hernandez | 7-A
🔸Ramon A. Camacho Jr. | 7-SPJ
🔸Fiona Jade C. Tatoy | 7-C
REMEMBER: CHOOSE ONLY TWO (2) Representatives.
Your vote is your voice. Look for leaders who are responsible, approachable, and truly dedicated to serving our school community. Let’s make this election count! 🤝💙
📅 When: July 15–16, 2026 (Wednesday & Thursday)
📍 Where: During your HRG Classes
Be ready, stay informed, and vote wisely!
Data Privacy Note:
The names and photographs of our Grade 7 SSLG candidates are published with the explicit consent of their parents/guardians, in compliance with data privacy guidelines
12/07/2026
PULONIANS!📣
Please be informed that there will be no face-to-face classes tomorrow, Monday, July 13, 2026.
An alternative delivery mode of learning will be implemented due to the continuous rains caused by the enhanced Southwest Monsoon (Habagat).
Stay safe, Pulonians!