Sta. Maria NHS - AGAPE Values Education Club

Sta. Maria NHS - AGAPE Values Education Club SMNHS VE-AGAPE

“I am with thee, and will keep thee.” — Genesis 28:15In every piece of life we experience, every challanges we face and ...
20/09/2026

“I am with thee, and will keep thee.” — Genesis 28:15

In every piece of life we experience, every challanges we face and every path we walk on, may we never forget that God is with us wherever we go.

May we always remember that we are not facing this life alone, through every stroms that passed and will pass by, God will serve as our guiding light. He will forever strengthen our hearts and soul to overcome any obstacles we will face, and will serve as a reminder to keep moving forward with faith.

May this verse remind us that, even if the road feels uncertain and scary—there will be always a light that will forever be by our side. Through faith and God, we can overcome and face every journey that we will stumble upon.

🖼️ || Layout by: Kristel Z. Dangalan - AGAPE CLUB PRESIDENT
✍️ || Captioned by: Ckaszy Szandra Nyckoel G. Sierra - AGAPE CLUB EDITOR

𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗗𝗔𝗦𝗔𝗟 🛐🙏✝️|| DEVOTE A SACRED ADORATION FOR THE LORD ||Sa pagpapatuloy ng pagsuporta ng Santa Maria National High...
20/09/2026

𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗗𝗔𝗦𝗔𝗟 🛐🙏✝️
|| DEVOTE A SACRED ADORATION FOR THE LORD ||

Sa pagpapatuloy ng pagsuporta ng Santa Maria National High School sa PROJECT DASAL ng SDO Bulacan, na isinasagawa tuwing sasapit ang 12:00 ng tanghali upang maglaan ng ilang sandali ng panalangin at paghingi ng gabay sa ating Diyos na Maykapal. Sa simpleng gawaing ito, naaalala natin ang kahalagahan ng pananampalataya, pag-asa, pasasalamat, at mabubuting pagpapahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay, saan man tayo naparoroon.

Sa walang sawang gabay ng ating mga Values Education teachers, nagkaroon ang bawat mag-aaral ng pagkakataong huminto sandali, magnilay, at mas mapalalim ang kanilang pananampalataya sa Maykapal. Ang programang ito ay naisagawa sa suporta ng ating School Principal na si Ma'am Nancylita C. Cubol PhD, Values Education Coordinator na si Ma'am Judella H. Bonifacio, at ng AGAPE Club Adviser na si Ma'am Cindy B. Bruno, na patuloy na nagtataguyod ng mga gawaing nagpapalakas ng ating pananampalataya at mabubuting asal.

Sana ang Project DASAL ay maging pang-araw-araw na gawain — hindi lamang isang aktibidad sa paaralan, kundi isang ugali na magpapalalim ng ating espirituwal na buhay at magpapatibay ng ating koneksyon sa Diyos. Sa bawat panalangin, lumalago tayong mga estudyante hindi lang sa karunungan, kundi sa pananampalataya.

🖼️ || Layout by: Ckaszy Szandra Nyckoel G. Sierra - AGAPE CLUB EDITOR
✍️ || Captioned by: Christine May A. Padasas - AGAPE CLUB CAPTIONER

08/09/2026

𝐌𝐀𝐁𝐔𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎, 𝐊𝐀𝐌𝐈 '𝐘𝐎𝐍! 🙋

Ang Mabuting Tao Challenge ay higit pa sa isang dance💃🕺 challenge—isa itong paalala na ang kabutihan ay isinasabuhay sa bawat salita🗣️, kilos🏃, at pakikitungo natin sa kapwa.

Sa simpleng pagpapakita ng respeto, malasakit, katapatan, at disiplina, nagiging bahagi tayo ng pagbuo ng isang mas mabuti at mas mapayapang komunidad. Sapagkat ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa maliliit🤏 na gawaing ginagawa natin araw-araw.

Malaking pasasalamat🙏 sa aming Principal na si Ma'am Nancylita C. Cubol PhD, VE Coordinator na si Ma'am Judella H. Bonifacio, at sa aming AGAPE CLUB ADVISER na si Ma'am Cindy B. Bruno, sa patuloy na pagsuporta upang maitaguyod ang programang ito.

Bilang mga mag-aaral ng Santa Maria National High School, patuloy nating piliing maging mabuting tao at maging inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng ating mabubuting halimbawa.

Mabuting Tao, Kami 'Yon!



✨🏆 MABUTING TAO OF THE DAY 🏆✨🗓️ September 8, 2026 ay ipinamalas ni Jacob Agascon mula sa Grade 9 Kenya ang kanyang katap...
08/09/2026

✨🏆 MABUTING TAO OF THE DAY 🏆✨

🗓️ September 8, 2026 ay ipinamalas ni Jacob Agascon mula sa Grade 9 Kenya ang kanyang katapatan at mabuting kalooban🦸‍♀️ sapagkat inilapit niya ang napulot na wallet/pitak sa tamang kinauukulan upang maibalik ito sa tunay na may-ari. 💵🤍

Isang masigabong palakpakan 👏 para sa ating mag-aaral🧍 mula sa Grade 9 Kenya dahil sa halip na kunin o ipagsawalang-bahala🙅 ang napulot na wallet, pinili niyang gawin ang tama✅ at isauli ito sa kinauukulan. 👥

Nawa'y maging inspirasyon siya sa iba👥, na maliit man🤏 o malaki💥 ang isang bagay, piliin pa rin nating gawin ang tama✔️, may kapalit man ito o wala.

AVAM—SETYEMBRE: Peace and Justice: Obedience to the LawSeptember 7, 2026 ng matagumpay na naibahagi at naipaalala sa mga...
07/09/2026

AVAM—SETYEMBRE: Peace and Justice: Obedience to the Law

September 7, 2026 ng matagumpay na naibahagi at naipaalala sa mga Marians na ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa bawat tamang desisyon at sa paggalang sa mga batas at alituntuning umiiral. Sa paaralan, sa tahanan, at sa ating komunidad. Ang pagiging disiplinado, responsable, at makatarungan ay mga simpleng hakbang tungo sa isang mas maayos at mapayapang lipunan.

Ngayong buwan, sama-sama nating ipakita na ang pagiging mabuting mamamayan ay hindi lamang sa salita, kundi sa ating mga gawa araw-araw. Maging instrumento tayo ng kapayapaan, pagrespeto, at pagiging makatarungan saan man tayo pumaroon.

Sa pangunguna ni Ma'am Elmer Capule ( discussant), AGAPE Club Adviser na si Ma'am Cindy B. Bruno, VE Coordinator na si Ma'am Judella H. Bonifacio, at ang ating mahal na buthiing Punong-guro na si Ma'am Nancylita C. Cubol PhD, patuloy nating palaganapin ang mga pagpapahalagang nagbibigay inspirasyon sa bawat isa.

🖼️ || Layout by: Ckaszy Szandra Nyckoel G. Sierra - AGAPE CLUB EDITOR
✍️ || Captioned by: Christine May A. Padasas - AGAPE CLUB CAPTIONER

"Honour thy father and mother." — Exodus 20:12One of the simplest commands, yet one with a powerful promise. In a world ...
06/09/2026

"Honour thy father and mother." — Exodus 20:12

One of the simplest commands, yet one with a powerful promise. In a world that moves fast, this is our reminder to slow down, show respect, and love our parents while we can.

It’s not just about obedience, it’s about gratitude. 🤲

A timeless reminder that respect and love for our parents is a form of worship to God. May we never get too busy to honor them.🤍

🖼️ || Layout by: Alliana Mhay Del Rosario - AGAPE CLUB VICE PRESIDENT
✍️ || Captioned by: Kendra Celine Liwanag Ramos- AGAPE CLUB GRADE 7 REP.

"Y𝐎O H𝐎O, 𝐃I𝐓O A𝐍G T𝐈N𝐆I𝐍 👀📝 W𝐀G S𝐀 𝐏A𝐏E𝐑 𝐍I K𝐀T𝐀B𝐈!" 𝑲𝒂𝒎𝒖𝒔𝒕𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒆𝒙𝒂𝒎, 𝑨𝑮𝑨𝑷𝑬𝒏𝒊𝒂𝒏𝒔?😭 Nakaraos ba nang maayos, o nagkaroo...
03/09/2026

"Y𝐎O H𝐎O, 𝐃I𝐓O A𝐍G T𝐈N𝐆I𝐍 👀📝 W𝐀G S𝐀 𝐏A𝐏E𝐑 𝐍I K𝐀T𝐀B𝐈!"

𝑲𝒂𝒎𝒖𝒔𝒕𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒆𝒙𝒂𝒎, 𝑨𝑮𝑨𝑷𝑬𝒏𝒊𝒂𝒏𝒔?😭 Nakaraos ba nang maayos, o nagkaroon na naman ng moment na tinitigan mo na lang ang papel habang umaasang kusang lalabas ang sagot? WOW ABRACADABRA 😭🥀

From “𝑶𝒉, 𝑺𝒊𝒎𝒐𝒖𝒏…” sa Filipino, “𝑺𝒕𝒓𝒐𝒏𝒈𝒍𝒚 𝑨𝒈𝒓𝒆𝒆” sa VE, “𝑫𝒆𝒑𝒆𝒏𝒅𝒆 𝒌𝒖𝒏𝒈 3 ’𝒚𝒂𝒏” hanggang sa Math—iba-iba man ang naging laban, we all did our best to show what we know. 🫡📚

😉"𝗜𝗳 𝗿𝗲𝘃𝗶𝗲𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿, 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝗮𝗿𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘄𝗶𝘁𝗵𝗼𝘂𝘁 𝗶𝘁?"💫😏

Tapos na ang exam, AGAPEnians! Time to find the reaction that best describes how you survived the battle.

🖼️ || Layout by: Ckaszy Szandra Nyckoel G. Sierra - AGAPE CLUB EDITOR
✍️ || Captioned by: Christine May A. Padasas - AGAPE CLUB CAPTIONER
💌 || Posted by: Kristel Z. Dangalan - AGAPE CLUB PRESIDENT

✨🏆 MABUTING TAO OF THE DAY 🏆✨🗓️ Agosto 26, 2026 ay ipinamalas ni Grace Cabalquinto mula sa Grade 7 Adelfa ang kanyang ka...
28/08/2026

✨🏆 MABUTING TAO OF THE DAY 🏆✨

🗓️ Agosto 26, 2026 ay ipinamalas ni Grace Cabalquinto mula sa Grade 7 Adelfa ang kanyang katapatan at mabuting kalooban🦸‍♀️ sapagkat inilapit niya ang napulot na ₱50 sa may canteen area sa tamang kinauukulan upang maibalik ito sa tunay na may-ari. 💵🤍

Isang masigabong palakpakan 👏 para sa ating mag-aaral🧍 mula sa Grade 7 Adelfa dahil sa halip na itago o ipagsawalang-bahala🙅 ang napulot na pera, pinili niyang gawin ang tama✅ at isauli ito sa kinauukulan. 👥

Ang maliit na halaga ay maaaring malaking tulong sa iba, at ang katapatan ay laging may malaking halaga.

🖼️ || Layout by: Ckaszy Szandra Nyckoel G. Sierra - AGAPE CLUB EDITOR
✍️ || Captioned by: Christine May A. Padasas - AGAPE CLUB CAPTIONER
💌 || Posted by: Kristel Z. Dangalan - AGAPE CLUB PRESIDENT

AVAM – AGOSTO: Nasyonalismo, Patriotismo, at Global Citizenship Agosto 24, 2026 ng matagumpay na naipamahagi at naipakil...
24/08/2026

AVAM – AGOSTO: Nasyonalismo, Patriotismo, at Global Citizenship

Agosto 24, 2026 ng matagumpay na naipamahagi at naipakilala sa mga mag-aaral ang A Value A Month (AVAM) para sa buwan ng Agosto na may temang Nasyonalismo, Patriotismo, at Global Citizenship. 🙌✨ Isang makabuluhang araw kung saan muling naalala ng bawat Marians na ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang tungkol sa watawat o pambansang awit, kundi ay tungkol sa pagkilala sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino at bilang bahagi ng mas malawak na mundo.

Sa pamamagitan ng talakayan at mga gawain, hinikayat ang bawat estudyante na pahalagahan ang ating kultura, kasaysayan, at mga bayani. Kasabay nito, itinuro rin na ang pagiging makabayan ay hindi nangangahulugang pagsasara ng pinto sa ibang bansa — bagkus, ito ay pagtindig nang may dignidad habang nakikipagkaisa sa pandaigdigang komunidad. Ang isang tunay na makabayan ay marunong makipagkapwa-tao sa lahat, dito man o sa ibang panig ng mundo dala dala ang diwa ng bansang kanyang pinagmulan.

Isang malaking pasasalamat kay Ma'am Elena Del Rosario, mga AGAPE club officers, at sa mag-aaral na naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Sana ay dalhin natin ang diwa ng nasyonalismo, patriotism at global citizenship hindi lang sa eskwela, kundi sa ating pang-araw-araw na buhay. Dahil ang pagiging Pilipino ay hindi hadlang sa pagiging mamamayan ng mundo — ito ay pundasyon upang mas makapag-ambag tayo para sa lahat. ✨

"𝑮𝑶𝑶𝑫𝑳𝑼𝑪𝑲 𝑭𝑶𝑹𝑮𝑬𝑻𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑴𝒀 𝑬𝒀𝑬𝑺𝑺𝑺👀𝑵𝑨𝑮 𝑺𝑴𝑰𝑳𝑬 𝑨𝑲𝑶 𝑮𝑼𝑴𝑨𝑮𝑨𝑵𝑻𝑶😊😵‍💫"🎉🎂 𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗢𝗨𝗥 𝗖𝗟𝗨𝗕 𝗔𝗨𝗗𝗜𝗧𝗢𝗥, 𝗥𝗘𝗖𝗛𝗔 𝗠𝗢𝗡𝗦𝗔𝗟𝗘! 🎈...
22/08/2026

"𝑮𝑶𝑶𝑫𝑳𝑼𝑪𝑲 𝑭𝑶𝑹𝑮𝑬𝑻𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑴𝒀 𝑬𝒀𝑬𝑺𝑺𝑺👀
𝑵𝑨𝑮 𝑺𝑴𝑰𝑳𝑬 𝑨𝑲𝑶 𝑮𝑼𝑴𝑨𝑮𝑨𝑵𝑻𝑶😊😵‍💫"

🎉🎂 𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬 𝗧𝗢 𝗢𝗨𝗥 𝗖𝗟𝗨𝗕 𝗔𝗨𝗗𝗜𝗧𝗢𝗥, 𝗥𝗘𝗖𝗛𝗔 𝗠𝗢𝗡𝗦𝗔𝗟𝗘! 🎈🎁

Nawa'y maging puno ng saya🤭, pagmamahal🫶, at masasayang alaala💫 ang espesyal mong araw kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.👤👤👤♾️

Habang nagsisimula ka ng panibagong taon sa iyong buhay, hangad namin ang patuloy na mabuting kalusugan❤️‍🩹💪, tagumpay sa pag-aaral🏆✍️, at mas marami pang biyayang darating⏳ sa iyo. Patuloy ka sanang maging inspirasyon sa pamamagitan ng iyong sipag✊, dedikasyon🙌, at positibong ugali➕🧘.

Muli, Happy Birthday, Recha! Sana maging makulay🌈, masaya😳, at puno ng pagpapala🤭ang buong taon mo.

AVISALA! 💓

Address

Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Maria NHS - AGAPE Values Education Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category