21/08/2026
๐๐ค๐ฆ
๐ก๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐๐พ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฎ๐| ๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐
โ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง, ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง๐๐ง, ๐๐ญ ๐ข๐ฐ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ค๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ฆ๐๐ง ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ญ๐๐ง.โ
Bawat taon, sumasapit ang ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ญ ๐ป๐ด ๐๐ด๐ผ๐๐๐ผ kung saan hindi lamang natin ginugunita ang isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan, kundi, binabalikan natin ang tapang at paninindigang iniwan ni ๐๐ฒ๐ป๐ถ๐ด๐ป๐ผ โ๐ก๐ถ๐ป๐ผ๐โ ๐๐พ๐๐ถ๐ป๐ผ ๐๐ฟ. Hindi lamang isang pangalan ang ating inaalala, kundi isang buhay na piniling magsalita at manindigan para sa bayan noong panahong hindi madaling ipaglaban ang katotohanan. Ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng mga Pilipino na maghangad ng kalayaan at demokrasya.
Si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. ay isang senador at isa sa mga prominenteng lider ng oposisyon noong panahon ng diktadurang Marcos na naging mahalagang simbolo ng pakikibaka para sa demokrasya. Sa kabila ng mga pagsubok at panganib, buong tapang niyang ipinaglaban ang kanyang paniniwala, ginamit ang kanyang tinig upang manindigan para sa mga paninindigang kanyang pinanghahawakan. Ang kaniyang pagbabalik sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 at ang kanyang pagkapaslang sa araw na iyon ay naging isang mahalagang pangyayari na nagpasigla sa pagkilos ng mga Pilipino para sa demokrasyaโkalauna'y humantong sa People Power Revolution noong 1986 sa EDSA, Manila.
Sa araw na ito, ating pinararangalan at ipinagdiriwang ang kanyang tapang, paninindigan, at sakripisyo. Ang kanyang buhay ang nagsisilbing paalala na ang kalayaan ay hindi lamang tinatamasa, kundi pinahahalagan at ipinagtatanggol ang kasarinlan. Bilang pag-alala sa kanyang pamana, nawaโy patuloy nating pahalagahan ang kasaysayang kanyang iniwan, gamitin ang tinig nang may pananagutan, at maging mga kabataang may malasakit sa bayan.
๐๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ธ๐๐๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
โ