27/07/2026
ππ
CONGRATULATIONS,
TEAM PILPILA GRAY WOLVES! π
π
Isang taos-pusong pagbati sa ating mga mag-aaral na matagumpay na nagbigay ng karangalan sa unang araw ng Santa Ignacia South District Athletic Meet 2026! Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay tunay na kahanga-hanga.
π₯ Gold Medalists
Hailey D. Alfonso
π₯1st Place, Discus Throw
Ashley Mhae O. Aquino
π₯1st Place, High Jump
π₯Silver Medalists
Cheyhen Faith D. Rivera
π₯2nd Place, 200m
π₯2nd Place, Long Jump
π₯2nd Place, High Jump
Genesis V. Gomez
π₯2nd Place, Long Jump
π₯2nd Place, Triple Jump
π₯2nd Place, High Jump
Olezia Elouise C. Pabalan
π₯2nd Place, Discus Throw
π₯ Bronze Medalists
Xander Gomez
π₯3rd Place, High Jump
Prince DJ C. Monton
π₯3rd Place, Discus Throw
π₯3rd Place, Shot Put
π Volleyball Team Girls β 4th Place
Hindi lamang ang mga medalya ang aming ipinagmamalaki, kundi ang tapang at determinasyon ninyong lahat na lumaban at ibigay ang inyong buong husay para sa ating paaralan.
Sa mga hindi man pinalad na makapasok sa podium o makuha ang inaasam na resulta, tandaan ninyo na hindi nasusukat ng medalya ang inyong halaga. Ang inyong pagsisikap, disiplina, at lakas ng loob na kumatawan sa Pilpila Elementary School ay sapat nang dahilan upang kami ay maging proud sa inyo. Ang bawat laban ay isang pagkakataon upang matuto, lumakas, at mas pagbutihin pa sa susunod.
Maraming salamat sa lahat ng ating mga atleta, coaches, trainers, mga magulang, at supporters sa walang sawang suporta at sakripisyo.
ππ Congratulations, Team PES!
Tuloy ang laban, tuloy ang pangarap!