04/08/2026
Dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Tropical Depression Maymay at ng Habagat, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Tarlac.
Pinapayuhan ang lahat na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya at gawing pangunahing prayoridad ang kaligtasan. Hangga't maaari, iwasan ang mga hindi kinakailangang paglalakbay at maging maingat sa mga lugar na may panganib ng pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang banta na dulot ng masamang panahon.
Nawa'y manatiling ligtas ang bawat pamilyang Tarlaqueño. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, disiplina, at ibayong pag-iingat, malalampasan natin ang hamong dulot ng sama ng panahon.