04/09/2026
BUWAN NG WIKA SA KALAHAN ACADEMY | September 4, 2026
Buong saya at pagmamalaki nating ipinagdiriwang sa Kalahan Academy ang Buwan ng Wikaโisang pagdiriwang ng ating wika, kultura, pagkakakilanlan, at pagkakaisa bilang mga Pilipino. โค๏ธ๐๐
Sa pamamagitan ng ibaโt ibang paligsahan, larong Pinoy, pagtatanghal, at gawaing pangwika, muling nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gamitin, pahalagahan, at ipagmalaki ang ating sariling wika sa masaya at makabuluhang paraan.
Isa sa mga mahalagang key takeaway mula sa ating mga gawain ay ang pagkilala sa yaman ng ating ibaโt ibang wika. Dapat nating ipagmalaki na ang Pilipinas ay tahanan ng napakaraming wika, sapagkat bawat isa ay may dalang sariling kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan. Ang pagiging multilingual ay isang biyayang dapat nating pahalagahan, sapagkat nagbibigay ito sa atin ng mas malawak na kakayahang makipag-ugnayan at higit na maunawaan ang ibaโt ibang pamayanan.
Ang ating maraming wika ay hindi hadlang sa pagkakaisaโito ay patunay ng yaman at pagkakaiba-iba ng ating pagka-Pilipino.
Kaya naman, patuloy nating ipagmalaki, gamitin, pahalagahan, at panatilihing buhay ang ating mga wika para sa susunod na henerasyon.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang mga wika ng Pilipinas! โค๏ธ๐๐