Kabataang Pangarap Ni Rizal x Pedro Guevara Memorial National Highschool

Kabataang Pangarap Ni Rizal x Pedro Guevara Memorial National Highschool Kabataang Pangarap ni Rizal ♥️

23/08/2026

Maligayang Kaarawan po, Bb. Monacor Delos Reyes!
Hiling namin ang inyong kasaganaan, kaligtasan at pagpapala mula sa Panginoon.

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐀𝐋𝐀𝐁 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈, 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐑𝐈𝐙! ✨Dalawang makabuluhang pagkilala ang naging bahagi ng tagumpay ng Kabataang Pangarap N...
22/08/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐀𝐋𝐀𝐁 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈, 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐑𝐈𝐙! ✨

Dalawang makabuluhang pagkilala ang naging bahagi ng tagumpay ng Kabataang Pangarap Ni Rizal (KAPARIZ)!

Kinilala ang 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐑𝐈𝐙 bilang 𝐓𝐨𝐩 𝟒 𝐌𝐎𝐒𝐓 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 )𝐋𝐘𝐃𝐎)—isang patunay na aktibong pakikilahaok, malasakit, at patuloy na paglilingkod sa kabataan at komunidad. Kasabay nito, buong puso rin ipinagmamalaki ang 𝐝𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐮𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐑𝐈𝐙 na si ate 𝐕𝐚𝐬𝐡𝐭𝐢 𝐌𝐢𝐬𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐆. 𝐀𝐥𝐚𝐲, na pinangaralan bilang 𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑! 🥳💙

Ito ay hindi lamang isang parangal—Ito ay bunga ng pagtutulungan, sipag, at malasakit na patuloy na nagbibigay-buhay sa bawat adhikain ng organisasyon. Tunay na mabuting pamumuno ay nag-iiwan ng inspirasyon, at ang inspirasyong ito ay patuloy na isinasabuhay ng KAPARIZ!

𝐓𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐫𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐑𝐈𝐙🫶🏻🩵

𝐌𝐮𝐥𝐢, 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐥𝐚𝐛 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐑𝐈𝐙 𝐚𝐭 𝐚𝐭𝐞 𝐕𝐚𝐬𝐡𝐭𝐢! 💙✨

✍🏻&🎨: Margeory Maicy R. Gorospe

21/08/2026

May mga salitang bihira nang marinig, ngunit hindi ibig sabihin na dapat na rin silang makalimutan. Sa bawat salita ay may kasaysayan, kultura, at kuwentong naghihintay na muling maibahagi. 🩵🇵🇭

Sa Salitang Pamana Challenge, sama-sama nating tuklasin ang mga salitang nagmula sa ating mga ninuno at bigyan sila ng panibagong buhay sa makabagong panahon.📚

Gamitin ang AI bilang katuwang sa pananaliksik, ngunit pairalin pa rin ang pagiging mapanuri at responsable sa paggamit ng impormasyon.✨

Tuklasin ang nakaraan. Gamitin sa kasalukuyan. Ipanatili para sa hinaharap.

Copyright Disclaimer: All rights belong to their respective owners. No copyright infringement intended. This content is for educational purposes only.

Yoohoo, dito ang gunitain! 🇵🇭🕊️“Ninoy Aquino Day: Paggunita sa Tapang, Pagmamahal sa Bayan, at Pagkakaisa” 🕊️🇵🇭Sa paglip...
21/08/2026

Yoohoo, dito ang gunitain! 🇵🇭🕊️

“Ninoy Aquino Day: Paggunita sa Tapang, Pagmamahal sa Bayan, at Pagkakaisa” 🕊️🇵🇭

Sa paglipas ng panahon, nananatiling buhay ang alaala ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr.—isang Pilipinong naging sagisag ng tapang, paninindigan, at pagmamahal sa bayan.

Ang kanyang buhay ay nagsisilbing paalala na ang tunay na pagmamahal sa bansa ay hindi lamang nasusukat sa mga salita, kundi sa pagkilos, paninindigan, at kahandaang magsakripisyo para sa kapwa at sa kinabukasan ng sambayanan.

Ngayong Ninoy Aquino Day, sama-sama nating alalahanin ang kanyang mga naiambag at ang aral na iniwan niya sa bawat Pilipino: ang kahalagahan ng demokrasya, pagkakaisa, at pag-asa.

Sa bawat hamon na ating kinakaharap bilang isang bansa, nawa’y magsilbi siyang inspirasyon upang patuloy tayong makialam, maglingkod, at maging bahagi ng positibong pagbabago. Maging mulat, maging matapang, at maging makabayan!

Maligayang Paggunita ng Ninoy Aquino Day! 🇵🇭🕊️

✍🏻: Chloe Ann M. Dimaculangan
🎨: Mark Leo Quemada

20/08/2026

Maligayang Kaarawan po, Bb. Jen Taracatac!
Hiling namin ang inyong kasaganaan, kaligtasan at pagpapala mula sa Panginoon.

20/08/2026

Maligayang Kaarawan po, Gng. Delia Del Mundo!
Hiling namin ang inyong kasaganaan, kaligtasan at pagpapala mula sa Panginoon.

20/08/2026

Maligayang Kaarawan po, Gng. Isabelita B. Hernandez!
Hiling namin ang inyong kasaganaan, kaligtasan at pagpapala mula sa Panginoon.

20/08/2026

𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚. 🫶🏻📖
Sa bawat salitang ating ginagamit, buhay ang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng ating bayan. 🇵🇭

Ngayong 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚, samahan natin ang isa’t isa sa pagtuklas ng mga salitang bahagi ng ating pamanang Pilipino. Alamin ang kanilang kahulugan, pinagmulan, at kuwento, at bigyang-halaga ang mga ito sa makabagong panahon.

Sa pamamagitan ng 𝐀𝐈, maaari nating gamitin ang teknolohiya bilang katuwang sa pananaliksik at pagpreserba ng wika. Ngunit tandaan: ang teknolohiya ay kasangkapan lamang—tayo pa rin ang tagapag-ingat ng ating wika at kultura.

Tara, ibahagi ang salitang minana natin at ipakita kung bakit mahalaga itong ipasa sa susunod na henerasyon! ❤️

𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧, 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐡𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚—𝐢𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢, 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧, 𝐚𝐭 𝐢𝐩𝐚𝐬𝐚!

Copyright Disclaimer: All rights belong to their respective owners. No copyright infringement intended. This content is for educational purposes only.

20/08/2026

Maligayang Kaarawan po, Gng. Greinda Condino!
Hiling namin ang inyong kasaganaan, kaligtasan at pagpapala mula sa Panginoon.

19/08/2026

Ngayong 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚, sama-sama nating tuklasin ang mga salitang maaaring bihira na nating marinig ngunit mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan. Sa bawat salitang minana natin, may kuwentong nakatago, kulturang ipinagmamalaki, at kasaysayang patuloy na nabubuhay.

Sa 𝐒𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚 𝐂𝐡𝐚𝐥𝐥𝐞𝐧𝐠𝐞, ating balikan, kilalanin, at bigyang-buhay ang mga salitang bahagi ng ating pagkakakilanlan.

Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya at 𝐀𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐥𝐥𝐢𝐠𝐞𝐧𝐜𝐞 (𝐀𝐈), gamitin natin ang makabagong kaalaman upang mas mapalaganap at mapangalagaan ang ating mga wika.🇵🇭✨

Copyright Disclaimer: All rights belong to their respective owners. No copyright infringement intended. This content is for educational purposes only.

Address

P. Guevara Avenue, Brgy. Poblacion I
Santa Cruz

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabataang Pangarap Ni Rizal x Pedro Guevara Memorial National Highschool posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Kabataang Pangarap Ni Rizal x Pedro Guevara Memorial National Highschool:

Shortcuts

Share