DepEd Vicenta S. David National High School

DepEd Vicenta S. David National High School

Share

Opisyal na page ng Vicenta S. David National High School.

Itinatag upang maghatid ng opisyal na anunsyo, impormasyon, at mga kaganapan ng paaralan para sa ating mga mag-aaral, guro, magulang, at komunidad

19/05/2026

Ang Vicenta S. David National High School ay malugod na nag-aanyaya sa lahat ng mag-aaral at magulang para sa ENROLLMENT para sa Taong Panuruan 2026–2027.

🗓 Petsa ng Enrollment: June 1–5, 2026
⏰ Oras: 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Lugar: Maramba Compound, Batisan St., Gatid, Santa Cruz, Laguna

Inaanyayahan ang mga:
✅ Incoming Grade 7 learners
✅ Balik-aral (Balik-Eskwela)
✅ Transferees
✅ Continuing learners

Mangyaring dalhin ang kinakailangang dokumento para sa maayos at mabilis na proseso ng enrollment.

Mag-enroll na at sama-samang tahakin ang landas ng kalidad na edukasyon!
Vicenta S. David National High School “Batis ng Aral at Asal”

19/03/2026

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng mga kababaihang g**o tulad ni Bb. Rina H. Loma sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.

19/03/2026

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng mga kababaihang g**o tulad ni Bb. Fatima E. Barrion sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.

19/03/2026

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng mga kababaihang g**o tulad ni Bb. Joanna Mea D. Dela Cruz sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.

08/03/2026

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng mga kababaihang g**o tulad ni Bb. Donnalyn C. Lucto sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.

06/03/2026

Sa pagdiriwang ng Women’s Month, kinikilala natin ang mahalagang ambag ng mga kababaihang g**o tulad ni Bb. Jennifer D. Lescano sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan.

04/03/2026

Ngayong Marso, ipinagdiriwang sa buong bansa ang National Women’s Month bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan sa paghubog ng kasaysayan, kultura, at pag-unlad ng ating lipunan.

Ang pagdiriwang na ito ay may ugat sa pandaigdigang pagkilala sa karapatan ng kababaihan. Noong 1909, nagsimula ang paggunita sa Women’s Day sa Estados Unidos, at noong 1910 ay iminungkahi ni Clara Zetkin ang pagkakaroon ng pandaigdigang pagdiriwang para sa kababaihan. Taong 1975 naman nang opisyal itong kilalanin ng United Nations bilang International Women’s Year, at mula noon ay patuloy na lumawak ang selebrasyon sa iba’t ibang bansa.

Sa Pilipinas, ang Marso ay idineklara bilang National Women’s Month sa bisa ng Republic Act No. 6949 noong 1990, na nagtatakda rin sa Marso 8 bilang National Women’s Day. Layunin nitong kilalanin ang ambag ng kababaihan sa nation-building at palakasin ang kamalayan tungkol sa gender equality at women empowerment.

Bilang pakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito, ang mga g**o ng Vicenta S. David National High School ay nagsuot ng kulay lila ngayong Wednesday. Ang lila ay sumisimbolo sa katarungan, dignidad, at pagkakapantay-pantay mga adhikaing patuloy nating ipinaglalaban para sa bawat babae.

Hindi lamang ito simpleng pagsusuot ng kulay; ito ay paninindigan. Paninindigan para sa paggalang sa karapatan ng kababaihan, para sa ligtas at makatarungang komunidad, at para sa lipunang kumikilala sa kakayahan at halaga ng bawat isa.

Sama-sama nating ipagdiwang ang lakas at ambag ng kababaihan noon, ngayon, at sa hinaharap. ABANTE BABAE💜

25/02/2026

Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue, ang Vicenta S. David National High School ay buong pusong nakikiisa sa sambayanang Pilipino sa pag-alala sa lakas ng pagkakaisa at paninindigan para sa demokrasya.

Ang EDSA ay hindi lamang kasaysayan ito ay panata. Panata laban sa korapsyon, laban sa pang-aabuso, at laban sa mga anomalya.

Bilang paaralan, naninindigan kami sa katotohanan, integridad, at pananagutan. Buhay ang diwa ng EDSA sa kabataang may tapang na magsalita, magtanong, at manindigan para sa tama. Hindi tapos ang laban ipinagpapatuloy ito ng bawat mulat at makabayang Pilipino.

23/02/2026

Warmest congratulations to Sir John Michael on being recognized as Outstanding Researcher – High School Teaching Personnel with Distinctions at the recently concluded SDO Laguna 2025 Gawad Marangal.

The entire Vicenta S. David National High School community proudly celebrates this remarkable achievement. Your dedication to research and commitment to academic excellence truly embody our school’s spirit, “Batis ng Aral at Asal.” Keep inspiring and leading with excellence!

Want your school to be the top-listed School/college in Santa Cruz?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Maramba Compound, Batisan Street , Gatid, Laguna
Santa Cruz
4009

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm