24/03/2022
📣ANNOUNCEMENT!
"Early Registration for SY 2022-2023"
March 25-April 30, 2022
📢 Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2022-2023,
Ang SALIDUCON ELEMENTARY SCHOOL🏫 ay magsasagawa ng "Early Registration". Inaanyayahan ang mga magulang (guardian) ng mga sumusunod na magpalista:
📍Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2022 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
📍Grade 1: Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2021-2022 (mga batang Kindergarten ngayon).
📍Transferees: Mga batang mula Grade 2-Grade 6 na nagnanais lumipat
📍Balik-Aral: Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral.
Mga dokumento na kailangang isumite:
📍Kindergarten
▪️ Photocopy ng PSA Birth Certificate
▪️ No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
📍Grade One
▪️Batang Kindergarten completer.
▪️Original Kinder Report Card
▪️ ECCD
▪️ Certificate of Completion
▪️ Photocopy ng PSA Birth Certificate
▪️No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
📍Transferees (Grade 2 to Grade 6)
▪️Basic Education Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista)
▪️Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
▪️Photocopy ng PSA Birth Certificate
Kung may katanungan at nais na linawin, maaaring bumisita sa ating paaralan o bisitahin ang page ng paaralan.
‼️Mahalagang Paalala‼️
☑️Siguraduhin lamang na sumusunod sa mga safety protocols na ipinapatupad sa ating paaralan.
☑️Palaging magsuot ng facemask.
☑️Magdala ng sariling ballpen.
Maraming Salamat po!
"MAKAPAG-ARAL AY KARAPATAN MO!
MAGPALISTA NGAYONG MARSO.
Maraming Salamat po.
-Saliducon ES teaching force-
25/10/2021