Malabago Elementary School - 106983

Malabago Elementary School - 106983

Share

Malabago Elementary School - 106983 is the official page of Malabago Elementary School (Sch

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 20/11/2025

"Ang tunay na lider ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang tinatanggap, kundi sa dami ng kanyang naibabahagi."

Maligayang kaarawan sa aming masipag at mapagmahal na YES-O President Mart Joseph C. Menes! Ang iyong kaarawan ay naging mas makabuluhan dahil sa iyong malasakit at kabutihang-loob na ipinakita sa pamamagitan ng feeding program at toothbrush activity para sa mga mag-aaral ng Malabago Elementary School. Tunay kang huwaran ng kabataan na handang magbigay ng ngiti, kalusugan, at pag-asa sa iba. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng kalakasan, karunungan, at higit pang pagkakataon upang makapaglingkod.

06/11/2025

ANNOUNCEMENT!
Ukayan sa Paaralan: Part 2 – Tulong na, Linis pa!

Magandang araw po sa ating lahat!
Bilang bahagi ng ating programang “Ukayan sa Paaralan: Part 2”, ang ating paaralan ay muling mangangalap ng mga lumang damit, sapatos, bag, laruan at gamit pampaaralan na maaari pang magamit ng ating mga mag-aaral.
Inaanyayahan po namin ang lahat ng may mabubuting puso - Alumni magulang, g**o, mga kaibigan, at mag-aaral na magbahagi ng mga gamit na maayos pa, upang ito ay maging kapaki-pakinabang sa iba.
Ang inyong munting tulong ay malaking ambag upang makatulong sa ating kapwa at mapanatili ang diwa ng bayanihan at malasakit sa ating paaralan.
Maaaring ihatid ang mga donasyon sa Paaralang Elementarya ng Malabago, Brgy. Malabago, Sta. Cruz, Zambales
Maraming salamat sa inyong kabutihang-loob at patuloy na suporta!
Sama-sama nating gawing makabuluhan ang Ukayan sa Paaralan: Part 2!

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 07/08/2025

Congratulations mam Ana Liza Manila on your well-deserved promotion! Wishing you continued success in your journey!

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 15/07/2025

To Ma'am Merlie Monterola Rosal

On behalf of the entire school community, we extend our deepest gratitude to you our beloved alumna for your generous donation of school supplies for our learners. Your kindness and unwavering support have truly made a meaningful impact in the lives of our students.

As someone who once walked the same halls, your act of giving back speaks volumes about your character and your enduring love for your alma mater. Your donation not only provides our learners with the tools they need but also inspires them to strive harder, knowing that there are people like you who believe in their dreams.

Thank you for being a shining example of what it means to give with a grateful heart. May your generosity return to you a hundredfold, and may your journey ahead be filled with continued success and fulfillment.

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 15/07/2025

To Kuya Badong (na ayaw sabihin ang tunay na pagkakakilanlan)
Ang Malabago ES po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang kapantay na kabutihang-loob sa pagbibigay ng 25 bags para sa aming mga mag-aaral. Ang inyong handog ay hindi lamang materyal na bagay kundi isang inspirasyon para sa aming mga estudyante na magpatuloy sa kanilang pag-aaral nang may sigla at pag-asa.

Sa panahon kung saan ang bawat tulong ay mahalaga, ang inyong suporta ay tunay na napakalaking biyaya. Ang mga bag na ito ay magiging kaagapay nila sa kanilang araw-araw na paglalakbay sa pag-aaral at magiging paalala na may mga taong handang tumulong at sumuporta sa kanilang mga pangarap.

Muli, maraming salamat po sa inyong malasakit at kabutihan. Nawa'y pagpalain pa po kayo ng masaganang biyaya at patuloy na tagumpay!

11/07/2025

We sincerely thank SDO Zambales for the invaluable provision of Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) equipment to our school.

Your donation — including a fire extinguisher, first aid kit, rechargeable spotlight, cardiac board, splinter color, and stretcher — plays a crucial role in strengthening our emergency response capabilities.

These tools are not just equipment; they are symbols of safety, preparedness, and care for our learners, staff, and the entire community.

Your generosity empowers us to respond quickly and effectively in times of crisis. Together, we are building a safer and more resilient environment.

Maraming salamat po! 💖




06/06/2025

𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓
𝑳𝒊𝒃𝒓𝒆𝒏𝒈 𝑮𝒖𝒑𝒊𝒕 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒌𝒂𝒚 𝑨𝒕𝒆 𝒂𝒕 𝑲𝒖𝒚𝒂!
June 10, 2025 (Martes)

Handog ni SB Sarah Jane Espano Menor
Maraming Salamat Kgwd. Sarah

06/06/2025

𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟓

Ang 𝑴𝒂𝒍𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐 𝑬𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒓𝒚 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 ay taos-pusong nag-aanyaya sa inyo upang makiisa sa taunang Brigada Eskwela na gaganapin sa ika-9 Hunyo hanggang 13, 2025. Sa temang “𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚: 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚”, ating pagtutulungan upang mapanatiling ligtas, maayos, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Ang inyong tulong—sa anumang anyo gaya ng paggawa, donasyon ng gamit, o simpleng pakikiisa—ay napakalaking ambag para sa tagumpay ng ating mga mag-aaral.

Inaanyayahan naming magsuot ng kumportableng damit, magdala ng sariling kagamitan (kung maaari), at handang makiisa sa diwa ng bayanihan.

Maraming salamat po sa inyong suporta! Sama-sama nating ihanda ang Malabago Elementary School para sa isang mas ligtas at makabuluhang taon ng pagkatuto!

Makilahok. Makialam. Magmalasakit.

06/06/2025

GOOD NEWS MGA MAGULANG!
𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐊 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐈𝐍𝐃𝐄𝐑𝐆𝐀𝐑𝐓𝐄𝐍 𝐂𝐔𝐓-𝐎𝐅𝐅 𝐀𝐆𝐄!

Ayon sa DepEd Order No. 15, s. 2025, pinalawak na ang cut-off age para sa mga batang papasok ng Kindergarten!

𝐃𝐀𝐓𝐈, ang mga batang maaaring mag-enroll sa Kindergarten ay yaong limang taong gulang na o maglilimang taon hanggang August 31, 2025 lamang.

𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍, sa bisa ng bagong Memo, pinalawig na ang cut-off age — maaari nang tumanggap ng mga batang maglilimang taon hanggang 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓.

𝐓𝐀𝐍𝐎𝐍𝐆: Paano naman po ang mga batang maglilimang taon pa lang mula 𝐍𝐨𝐯𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟏 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟑𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟓? Tatanggapin din ba sila?

✅ Opo, ayon pa rin sa bagong Memo, maaari silang tanggapin sa Kindergarten kung ang bata ay:

▪️Nakakumpleto ng 1 taong Early Childhood Development (ECD) program sa rehistradong Learning Center na may katibayan, o di kaya

▪️Sumailalim sa ECD checklist assessment ng kindergarten teacher mula enrollment period hanggang unang linggo ng school year.

𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨.𝟏𝟓, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐀𝐦𝐞𝐧𝐝𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐭𝐨 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨. 𝟒𝟕, 𝐬. 𝟐𝟎𝟏𝟔 (𝐎𝐦𝐧𝐢𝐛𝐮𝐬 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐜𝐲 𝐨𝐧 𝐊𝐢𝐧𝐝𝐞𝐫𝐠𝐚𝐫𝐭𝐞𝐧 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧) 𝐚𝐬 𝐀𝐦𝐞𝐧𝐝𝐞𝐝 𝐛𝐲 𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨. 𝟎𝟐𝟎, 𝐬. 𝟐𝟎𝟏𝟖

05/06/2025
Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 27/05/2025

Thank you Doc Grace Panelo Manalo for visiting and providing us valuable technical assistance. Your guidance and support are truly appreciated and will help us improve our work moving forward

Photos from Malabago Elementary School - 106983's post 31/01/2025

It's Zumba Friday! 🕺

Want your school to be the top-listed School/college in Santa Cruz?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


National Road, Malabago
Santa Cruz
2213

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm