Pagbuklat: A Reading Refresher Project

Directions

Pagbuklat: A Reading Refresher Project πŸ“Iloilo-based | πŸ“šliteracy project
🀲🏼 may pagmulat sa pagbuklat
πŸ“– opening minds one page at a time

Hindi natatapos ang pagkatuto sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.Minsan, kailangang lumabas dahil doon naman talag...
31/08/2026

Hindi natatapos ang pagkatuto sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.

Minsan, kailangang lumabas dahil doon naman talaga matatagpuan ang tunay na karanasan.

May mga aral na hindi nangangailangan ng kahit anong libro. Gamitin lamang ang pagmamasid at ang pusong handang matuto.

Para sa mga nais magboluntaryo, maaaring i-message ang aming page o sagutan ang forms na ito: ​​https://forms.gle/EtP6mogSoKHg4fXi9

Patuloy tayong magbasa. Patuloy tayong matuto. Patuloy tayong magbigay ng pagkakataon. πŸ’›β€¨Ang Pagbuklat ay gagabay sa mga...
22/08/2026

Patuloy tayong magbasa. Patuloy tayong matuto. Patuloy tayong magbigay ng pagkakataon. πŸ’›

Ang Pagbuklat ay gagabay sa mga bata hanggang sa huling araw ng taong panuruan 2026-2027.Β 

Para sa mga nais pang maghatid ng donasyon at tulong pinansiyal, maaaring tingnan ang mga detalye sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1aTTBvxLri/

Opss, opss, opss! πŸ€—Isa na namang makabuluhang araw ang lumipas dito sa Pagbuklat. Ipinagpatuloy ng mga boluntaryo ang pa...
16/08/2026

Opss, opss, opss! πŸ€—

Isa na namang makabuluhang araw ang lumipas dito sa Pagbuklat.

Ipinagpatuloy ng mga boluntaryo ang pagtuturo ng letrang β€˜p’ sa mga kabataan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing nakapupukaw ng kanilang interes sa pagbabasa.

Mula umpisa, patuloy ang Pagbuklat na naninindigan na ang paglalakbay tungo sa literasiya at dekalidad na edukasyon ay hindi lamang tungkulin ng paaralan, kundi pati na rin ng pamilya at komunidad.

Yohoo! Dito ang tingin. πŸ‘€Tara na’t makiisa para sa pagbabasa!Kahapon, Agosto 1, patuloy na isinagawa ang profiling para ...
02/08/2026

Yohoo! Dito ang tingin. πŸ‘€

Tara na’t makiisa para sa pagbabasa!

Kahapon, Agosto 1, patuloy na isinagawa ang profiling para sa mga mag-aaral.

Aming inalam ang kasalukuyang lebel ng kanilang pagbabasa upang masuri ang mga kasanayang kailangan pa nilang paunlarin.

Mula rito, makabubuo tayo ng mas angkop at epektibong mga gawain at estratehiya na tutugon sa kanilang pangangailangan.

Halina’t maging bahagi ng pagbabago!

Para sa mga nais magpaabot ng tulong, i-click lamang ang link na ito: https://web.facebook.com/share/p/1EpypwohQG/

Para sa mga nais namang magboluntaryo, magparehistro sa pamamagitan ng link na ito: https://tinyurl.com/4j5cnhsu

πŸ“· Jeaniely Grace Tenizo and Ernest Espino

𝘽π™ͺ𝙠𝙖𝙨 𝙒π™ͺπ™‘π™ž π™–π™£π™œ π™’π™œπ™– π™‘π™žπ™—π™§π™€. 𝘽π™ͺ𝙠𝙖𝙨 𝙒π™ͺπ™‘π™ž π™–π™£π™œ π™’π™œπ™– π™₯π™–π™£π™œπ™–π™§π™–π™₯.Matapos ang dalawang linggong pagtuturo noong Mayo, muling nagbaba...
26/07/2026

𝘽π™ͺ𝙠𝙖𝙨 𝙒π™ͺπ™‘π™ž π™–π™£π™œ π™’π™œπ™– π™‘π™žπ™—π™§π™€. 𝘽π™ͺ𝙠𝙖𝙨 𝙒π™ͺπ™‘π™ž π™–π™£π™œ π™’π™œπ™– π™₯π™–π™£π™œπ™–π™§π™–π™₯.

Matapos ang dalawang linggong pagtuturo noong Mayo, muling nagbabalik ang Pagbuklat para sa mas marami pang kwentong magbubukas ng pagmamahal sa pagbabasa.Β 

Kahapon, Hulyo 25, nagsagawa ang Pagbuklat ng profiling upang matukoy ang kasalukuyang antas ng kakayahan sa pagbasa ng ating mga mag-aaral.Β 

Magpapatuloy ito hanggang sa huling Sabado ng taong panuruan 2026-2027. Dahil para sa Pagbuklat, ang pagbasa ay hindi seasonal. Ito ay habang-buhay.

Nais mo bang makatulong? Maaari mong alamin kung paano sa pamamagitan ng link na ito :https://web.facebook.com/share/p/1EpypwohQG/

Para sa mga nais magboluntaryo, magparehistro rito: https://tinyurl.com/4j5cnhsu

May pagmulat sa pagbuklat!

πŸ“· Ethan James Sumayo and Mary Jean Padernilla

Lubos na nagpapasalamat ang Pagbuklat sa mga organisasyong nagpaabot ng kanilang mga donasyon.Ang adbokasiyang itaguyod ...
22/07/2026

Lubos na nagpapasalamat ang Pagbuklat sa mga organisasyong nagpaabot ng kanilang mga donasyon.

Ang adbokasiyang itaguyod ang pagkatuto at pagmamahal sa pagbabasa ay higit na nagiging posible dahil sa inyong kabutihang-loob at malasakit.

Mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat sa inyong pagtitiwala at suporta. Nawa'y patuloy tayong magsama-sama sa paglikha ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat bata. 🀲🏽

𝙏𝙀 π™šπ™­π™₯π™šπ™§π™žπ™šπ™£π™˜π™š. 𝙏𝙀 π™›π™šπ™šπ™‘. 𝙏𝙀 π™žπ™’π™–π™œπ™žπ™£π™š.Β Earlier today, Pagbuklat volunteers immersed themselves in the Workshop on Session G...
18/07/2026

𝙏𝙀 π™šπ™­π™₯π™šπ™§π™žπ™šπ™£π™˜π™š. 𝙏𝙀 π™›π™šπ™šπ™‘. 𝙏𝙀 π™žπ™’π™–π™œπ™žπ™£π™š.Β 

Earlier today, Pagbuklat volunteers immersed themselves in the Workshop on Session Guide Making, held in the Alternative Learning System room at Sta. Barbara Central Elementary School.

One of the Project Heads, Nove Joy LosbaΓ±es, led the session, wherein she emphasized the importance of the hands, heart, and head. This was followed by a refresher workshop on student profiling.

This is in preparation for the resumption of the Pagbuklat sessions on Saturday, July 25.

Photos by Jose Ronald Latap, Jr.Β 

π—–π—”π—Ÿπ—Ÿ 𝗙𝗒π—₯ π——π—’π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦Libo-libong mga kabataang Pilipino ang nahihirapang magbasa, magsulat, o umintindi.Β Dito sa Pagbuklat:...
15/07/2026

π—–π—”π—Ÿπ—Ÿ 𝗙𝗒π—₯ π——π—’π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦

Libo-libong mga kabataang Pilipino ang nahihirapang magbasa, magsulat, o umintindi.Β 

Dito sa Pagbuklat: A Reading Refresher Project, minimithi naming buksan ang kaisipan ng mga kabataan sa makulay na mundo ng pagbabasa.Β 

Maaari kang maging parte at tumulong sa pamamagitan ng donasyong pinansiyal o in-kind. Makikita sa ibaba kung ano ang mga pwedeng maibahagi.Β 

Para sa iba pang detalye o katanungan, mag-iwan lang ng mensahe sa aming page o mag-email sa [email protected].Β 

Walang bata ang dapat na manahanan sa takot.
02/07/2026

Walang bata ang dapat na manahanan sa takot.

Our heartfelt thanks to Vanguards Society for your generosity and support!
28/06/2026

Our heartfelt thanks to Vanguards Society for your generosity and support!

Vanguards Society x Pagbuklat: A Reading Refresher Project.

Today, June 25, 2026, the Vanguards Society is proud to join and support Pagbuklat!

Pagbuklat is a volunteer-led organization that provides free reading lessons to elementary school students in Iloilo. Their goal is to make quality learning support accessible to kids who need it most.

They are currently welcoming donations of educational materials, wellness supplies, food items, or financial support to keep these community programs running. Let's support our young learners!



Address

Santa Barbara

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pagbuklat: A Reading Refresher Project posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category