13/09/2025
πππ₯π’π ππ²ππ§π ππππ«ππ°ππ§ π¬π ππ¦π’π§π π©π’π§ππ€ππ¦ππ¦ππ‘ππ₯ π§π ππ§π π§π πππππππ, ππ§π . ππ¨π¬ππ¦ππ«π’π π. πππ₯π₯ππ«π’!
Sa bawat hakbang ng organisasyon ng ABAKADA, hindi matatawaran ang inyong walang sawang paggabay, inspirasyon, at malasakit. Kayo ang nagsilbing ilaw na patuloy na gumagabay sa aming landas, at lakas na nagtutulak sa amin upang magsumikap at magtagumpay. Ang inyong pagiging huwaran sa dedikasyon at pagmamahal ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa mga kasapi ng ABAKADA kundi maging sa lahat ng nakakakita ng inyong mabuting halimbawa.
Sa espesyal na araw na ito, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng inyong sakripisyo at suporta. Nawaβy patuloy kayong pagkalooban ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at kagalakang walang hanggan.
Mula sa buong pamilya ng ABAKADA, isang mahigpit na yakap at taus-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa inyo, aming butihing Ina ng ABAKADA!