SMNHS 21st Century Films

SMNHS 21st Century Films Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SMNHS 21st Century Films, Education, Sanchez Mira National High School, Sanchez Mira.

13/03/2026

Entry #11
Paano Kita Pipiliin
By:Luxeon Treasures

"Paano kita Pipiliin"

[Verse]

Sa pagitan ng tawa Doon nagsimulang magbago lahat
Mga kamay na dati'y walang kahulugan
Nag Iwan ng marka sa balat

Mga tawa na dati'y panatag Ngayon ay may apoy na pinipilit itago

[PRE-CHORUS]

Ramdam natin ang kaba sa pagitan ng ating mga salita Di man sabihin, ramdam natin na may mali sa pakiramdang ito

[CHORUS]

Paano kita pipiliin kung tinuruan kang ako'y hindi pwede Paano ako lalaban kung Diyos ang aking kalaban?

Sa ilalim ng dilim tayo ay
nakatago
dahil sa liwanag tayo'y bawal
Oh hanggang pangarap lang ba ang lahat ng nararamdaman

[Verse]

Paano kita hahawakan Kung pinili mo ng bumitaw?

Paano ako mananalo kung konsensya mo ang kalaban to?

Ipinilit kong ibalik ang dating tayo Ngunit sa gitna ng daan iba ang nahanap mo

[Bridge]

Hindi mo man lang ba naramdaman Na sa bawat laban, akoy lumalaban Habang ako'y sugatan sa pangako mong binitawan, Ikaw ay masaya sa piling ng iba ngayon

[CHORUS]

Paano kito pipiliin kung tinuruan kang ako'y hindi pwede Paano ako lalaban kung Diyos ang aking kalaban?

Sa ilalim ng dilim tayo ay nakatago dahil sa liwanag tayo'y bawal Oh hanggang pangarap lang ba ang lahat ng nararamdaman

13/03/2026

Entry #10

“Hiling Sa Mga Tala”
By Interlinked Minds

Sa bawat gabi na tahimik ang langit

Pangalan mo ang laging nasasambit

Sa bawat dasal ko’y ikaw ang laman

Ikaw ang dahilan kung bakit lumalaban

🎤 Verse 2

Sa mundong magulo at walang katiyakan

Ikaw ang pahinga sa aking isipan

Kapag ika’y kapiling, takot ay nawawala

Parang lahat ng mali ay nagiging tama

🌅 Pre-Chorus

At kung sakaling mapagod ang mundo

Hawak mo sana ang kamay ko

‘Di ko hahayaan na ika’y mag-isa

Pangako ko’y ikaw lamang sinta

🌊 Chorus

Ikaw ang aking hiling sa bawat tala

Sa bawat umaga’t sa gabi ng luha

Kung may wakas man ang ating landas

Sana’y ikaw pa rin sa bawat bukas

Ikaw ang pangarap na ayaw maglaho

Sa tibok ng puso ko’y ikaw ang totoo

Kung pag-ibig man ay isang dasal

Ikaw ang sagot sa aking hiling mahal

🔥 Bridge

At kung isang araw ika’y manghina

Sa balikat ko’y magpahinga

Hindi kita bibitawan

Hanggang sa huling hininga

13/03/2026

Entry #9

"Ikaw ang aking tula"
by:Mabienta

Verse 1

Sa unang tingin, parang may hiwaga

Tumigil ang mundo nang ika'y makita

Sa dami ng mukha sa bawat pahina

Ikaw lang ang nais kong makasama

Verse 2

Parang nobelang hindi mabitawan

Bawat kabanata'y ikaw ang laman

Sa bawat sandali ay ika’y makasama

Puso ko’y tila ba’y nasa langit na

Chorus

Ikaw ang tula sa bawat umaga

Ang lihim na dasal ko tuwing mag-isa

Kung ang pag-ibig ay isang istorya

Sana tayo ang wakas na magkasama

Bridge

Kung dumating man ang unos sa atin

Hindi bibitiw, hindi uurong

Hawak kamay sa bawat takot

Ikaw ang pahinga sa magulong mundo

Sa bawat unos, sa’yo ako tumutungo

Sa gitna ng ingay at pusong sugatan

Ikaw ang tahanan na laging babalikan

Kung ako’y maligaw sa dilim ng kahapon

Boses mo ang ilaw na aking sinusundo

(Repeat Chorus)

Ikaw ang tula sa bawat umaga

Ang lihim na dasal ko tuwing mag-isa

Kung ang pag-ibig ay isang istorya

Sana tayo ang wakas na magkasama

13/03/2026

Entry #8

‘NANG MAGTAGPO’
FILM FORWARD

“Nang Magtagpo”

Verse 1
Hindi naman kita kilala
Isa ka lang sa madla
Isang mukha sa dami
Na dumaraan sa’king mata

Ako’y tahimik lang noon
Sa sarili kong mundo
Hanggang isang saglit
Nagtagpo ang landas natin dal’wa

Pre-Chorus
Isang tingin, sabay iwas
Parang may kuryente sa hangin
Hindi ko maintindihan
Bakit biglang may pansin

Chorus
Nang magtagpo ang landas natin
May nagbago sa paligid
Parang huminto ang oras
At ang mundo’y naging tahimik

Hindi pa kita kilala
Pero bakit ganito?
Sa simpleng “hello” mo
Parang payapa na ako

Verse 2
Sa una, saglit lang
Ang mga palitan ng salita
Mahiyain ang mga ngiti
At laging may pag-iwas pa

Hanggang sa mas tumagal
Ang kwento sa bawat araw
Hindi ko namalayan
Ikaw na ang hinahanap

Pre-Chorus
Unti-unting lumalim
Ang simpleng pag-uusap
Iyo bang napapansin
Na ayaw pang umamin agad

Chorus
Nang magtagpo ang landas natin
May lihim na nabuo
Sa bawat tawa mo
Mas gumagaan ang loob ko

Hindi ko man sabihin
At hindi mo man tanungin
Sa tuwing kausap kita
Ako’y kalmado pa rin

Bridge
Kung noon ay estranghero
Ngayon ay pahinga
Mula sa isang saglit
Hanggang sa maging mahalaga

Final Chorus
Nang magtagpo ang landas natin
Hindi ko inakala
Na sa dami ng tao
Ikaw ang magiging tala

Hindi pa man mali
Pero sa bawat sandali
Ikaw ang pinipili ko na

13/03/2026

ENTRY #7

HANGGANG KAILAN?
by CARPE DIEM

[Verse]
Nakahiga ka sa’king bisig ngunit iba ang iyong nasa isip
Binabasa ko ang bawat salita na may gustong ipakita
Ang mga yakap mo’y nandito
Ngunit ang puso mo ay nasa kabilang paraiso

[Verse]
Binuksan mo ang bintana at hinanap ang aninong wala na
Hawak ko ang iyong kamay, ngunit ika’y nakagapos sa nakaraan
Sa bawat higpit na yakap mo’y
hindi pa rin ako ang nasa puso mo

[Pre chorus]
Ika’y nagtatanong kung bakit siya’y nawala
Habang ako’y naghihintay na maramdaman mong ako’y mahalaga

[Chorus]
‘Di pa rin makalimutan ang sumpang naputol ng tadhana
Mahigpit man ang aking yakap, ngunit parang hangin lang ang aking kasama
Ako ang naririto, ngunit siya pa rin ang tibok ng iyong puso
Hanggang kailan ako pangalawa sa kuwentong di mababago?

[Verse]
Pinipilit kong punan ang bakas ng kanyang paglisan
Sinubukan ko ring magtanim sa nalalanta mong hardin
Tila ba ang aking pagmamahal
ay isang anino at hindi mo man lang kayang dinggin

[Pre chorus]
Ika’y nagtatanong kung bakit siya’y nawala
Habang ako’y naghihintay na maramdaman mong ako’y mahalaga

[Chorus]
‘Di pa rin makalimutan ang sumpang naputol ng tadhana
Mahigpit man ang aking yakap, ngunit parang hangin lang ang aking kasama
Ako ang naririto, pero siya pa rin ang tibok ng iyong puso
Hanggang kailan ako pangalawa sa kuwentong di mababago?

[BRIDGE]
Hindi ko kayang kalabanin ang isang alaala
Na sa puso mo’y buhay at kahit siya’y wala na

Araw-araw kitang pipiliin
Ngunit iba ang pangalang nais mong banggitin
Sabihin mo na ang totoo
At ako na ang lalayo sa’yo

[Chorus]
‘Di pa rin makalimutan ang sumpang naputol ng tadhana
Mahigpit man ang aking yakap, ngunit parang hangin lang ang aking kasama
Ako ang naririto, ngunit siya pa rin ang tibok ng iyong puso
Hanggang kailan ako pangalawa sa kuwentong di mababago?

12/03/2026

ENTRY #6

ALMOST
by SILAY

‎‎[Verse 1]
‎We passed each other on the way
‎A quiet glance, then looked away
‎Like something waited to be said
‎But never found its way out

‎[Pre-Chorus]
‎Sometimes you’d come closer
‎When no one else was around
‎Just inches in between us
‎Then somehow you’d fade out

‎[Chorus]
‎You felt so easy to reach
‎But never mine to hold
‎So real in every moment
‎Still something I don’t know

‎Through all the noise around us
‎You were the only clear sound
‎A story forming slowly
‎I almost believed was real

‎[Verse 2]
‎Nothing seemed unusual
‎Just another ordinary day
‎But every move you made
‎Meant more than it should

‎[Pre-Chorus]
‎I don’t know why it felt
‎Like the world had changed its pace
‎Simple moments turning
‎Into something hard to name

‎[Chorus]
‎You felt so close beside me
‎Yet never fully there
‎Like reality was missing
‎One piece everywhere

‎While everything kept moving
‎It felt like we stood still
‎A story taking shape
‎Somewhere inside my sleep

‎[Verse 3]
‎I remember that night
‎Like something might begin
‎Laughter answered softly
‎What should’ve been the truth

‎We walked the same direction
‎Like it meant something more
‎But when it reached the ending
‎It vanished like a scene

‎[Bridge] (soft)
‎If it meant nothing at all
‎Why does waking hurt?
‎Why do I still carry it
‎When nothing really happened?

‎You held onto my hand
‎Like you didn’t want to let go
‎I almost pulled you closer —
‎Then everything went blurred

‎I opened my eyes slowly
‎My room was still and quiet
‎That’s when it finally hit me
‎You were only a dream

‎[Final Chorus]
‎So easy to love you
‎In a world that wasn’t real
‎Out of all the chances
‎That’s where we chose to meet

‎Somewhere between almost
‎And something that never was
‎One night we nearly happened

‎When morning finally came
‎You were gone again
‎Side by side only
‎Inside a dream

‎Almost you
‎Almost me
‎Almost us

12/03/2026

ENTRY #5

HILING KAY BATHALA
by LIKHA

Nakatulala
Naka dungaw sa bintana
Di alam kung bakit
Ikaw Ang nasa isip

Sa dapit hapon
Sa kahit anong panahon
Ikaw Ang panalangin
Kay bathala ihihiling

Sa dulo ng pag ibig sayo
Pangako hindi maglalaho
Sayo lamang Ang pusong ito
Pakinggan mo ang tinig nito

Gusto konang madama
Pag ibig na nawala
Parang bangungot
Gusto ko ma limot

Di kaman
Katabi
Dama parin Ang
Init ng yong ngiti

Sa dulo ng pag-ibig sayo
Pangako hindi mag lalaho
Sayo lamanh ang pusong ito
Pakinggan mo ang tinig nito

12/03/2026

ENTRY #4

"KAYO"
by 3P

Iba ang patak ng ulan
Ihip ng hangin magaan
Buwan man at Araw
Kayo ang sandalan

Mundo ma'y puno ng bagabag
Kayo ang solusyon
Isang daang pursyento ng halakhak

Tambayan, gilid ng daan
Kape sa gilid
Usapan
Tapos tawanan,

Kayo sambit ng puso
Presensyang hinahanap ko
Tuwing naghihingalo...

Patigilin oras ang hiling
Sa Diyos ko pinanalangin
Tawanan huwag pagtigilin
Hanggang pahimlayin...

Saan man patungo
Tayo ang magkakasama
Sa anumang pagsubok
Hindi na Hindi na Hindi mapapalitan

Bundok,karagatan
Wala nang harang
na makakahadlang sa pagkakaybigan
Na walang hanggan

Kayo sambit ng puso
Presensyang hinahanap ko
Tuwing naghihingalo...

Patigilin oras ang hiling
Sa Diyos ko pinanalangin
Tawanan huwag pagtigilin
Hanggang pahimlayin...

12/03/2026

ENTRY #3

TAYO'Y HINDI TINADHANA
by The Silent Screams

'Di na naman mapakali
pano ko ba ulit aaminin?

kung nanjan siya sayong balikat.
sa pag tingin ko sainyo, na libu-libong
sakit na nadarama~

mga ngiti mo ikaw ang nag-iisang
liwanag ko, sa madilim na gabi.
aking sinta.

kay sakit na isipin, x²
na di na ako ang
dahilan ng mga ngiti mo.

hanap ng puso, 2x
ay ikaw lamang sinta~

ngunit nanjan na siya sayong
tabi.
pag ibig koy laging nandito. X²

12/03/2026

ENTRY #2

MAHAL KO SA NAKARAAN
by Mindflayer Entertainment

Verse 1:
Nagtagpo ang ating mga mata
Sa panahong hindi magtutugma
Panalanging pag-ibig ay 'di mawala

Pagkapiling kita takbo ng mundo 'y bumabagal
Sa bawat pagguhit ng imahe mo, ako'y humihimlay (Letrang nakatala, puno ng alaala) 2x

Chorus:
Gagawin ko ang lahat, mundo'y liliparin, Maibalik ka lang sa'king piling
Ako'y aasang muli na ika'y mahagkan, Kahit saglit lang sa aking panaginip

Bridge:
Kasama kita sa mundong walang dulo
Ngiti' y umabot na sa itaas
Ngunit sa pagmulat ng aking mga mata
Hinagpis ng katotohanan, pahihirapan ka

Chorus:
Gagawin ko ang lahat, mundo 'y liliparin
Maibalik ka lang sa aking piling
Ako'y aasang muli na ika'y mahagkan
Kahit saglit lang sa aking panaginip 2x

repeat verse 1 (slower)

Address

Sanchez Mira National High School
Sanchez Mira
3518

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMNHS 21st Century Films posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category