20/12/2025
๐๐๐ฎ๐-๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐๐๐ง๐๐จ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ค๐จ ๐๐๐๐ซ ๐โ โ ๐๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง.
Matagumpay na isinagawa ng College of Teacher Education (CTEd), Cagayan State UniversityโSanchez Mira ang taunang outreach program na โEduc-Action: CTE Handog Pamasko Year 2โ noong Disyembre 20, 2025, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng kolehiyo sa serbisyong pangkomunidad at pagsusulong ng makabuluhang edukasyon.
Ang programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga organisasyong pinangunahan ng CTEd ColSC, KAMFIL, COSMICS, at THE GENERALIST, kasama ang aktibong partisipasyon ng mga Faculty at Staff ng CTEd, na nagbuklod upang maghatid ng tulong, kaalaman, at pag-asa sa mga piling paaralan sa lalawigan ng Cagayan.
Isinagawa ang outreach activities sa tatlong magkakaibang paaralan, kabilang ang Capalalian Elementary School sa Capalalian, Pamplona; Sta. Maria Primary School sa Sta. Maria, Claveria; at Tagipuro Elementary School sa Tagipuro, Sanchez Mira. Ang bawat programa ay isinakatuparan nang maayos at sistematiko, na binubuo ng panalangin, pagbubukas na pananalita, storytelling na pinangunahan ng KAMFIL Organization, mga larong pampalakasan at pang-edukasyon, at pamamahagi ng mga handog at regalo para sa mga mag-aaral. Pinanday ng makabuluhang mga tema ang kabuuang diwa ng outreach program, gaya ng โPaserbi ta Serbisyo: Pannakapannuray na Komunidad Gari na abbak ta Pappaggiammรน,โ โTeaching with Heart, Sharing with Purpose, Bringing Hope and Joy this Christmas,โ at โCTE in Action: Cultivating Connection, Compassion, and Community Growths,โ na nagbigay-diin sa kahalagahan ng malasakit, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok ng mga g**o at mag-aaral sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng Educ-Action: CTE Handog Pamasko Year 2, muling pinagtibay ng College of Teacher Education ang paninindigan nito sa paghubog ng mga g**ong hindi lamang bihasa sa akademikong kaalaman kundi may pusong handang maglingkod sa pamayanan. Ang matagumpay na pagsasagawa ng programa ay patunay ng sama-samang pagkilos ng akademya at komunidad tungo sa mas inklusibo at makataong lipunan.
Ang programang ito ay nagsilbing paanyaya ng pagkakaisa at paglilingkod, at patuloy na magsisilbing inspirasyon sa mga susunod pang gawaing pangkomunidad ng CTEd.