DepEd Bigaan Elementary School

DepEd Bigaan Elementary School Empower learners with excellence, values and resiliency.

Ang bawat mahusay na musikero ay minsan ding nagsimula bilang isang baguhan. Patuloy na matuto, magsanay, at pagyamanin ...
24/07/2026

Ang bawat mahusay na musikero ay minsan ding nagsimula bilang isang baguhan.

Patuloy na matuto, magsanay, at pagyamanin ang iyong talento. Hayaang maipakita ang iyong pagmamahal sa musika sa bawat pagtatanghal.

Ang inyong pamilya sa Bigaan Elementary School (BES) ay laging handang umalalay, gumabay, at humubog sa inyong kakayahan at talento habang unti-unti ninyong naaabot ang pangarap na maging mahusay na musikero.

Patuloy na maniwala sa inyong sarili, at nawa'y maging inspirasyon sa iba ang bawat himig na inyong nililikha. 🎶

Hinuhubog ang isipan para sa kahusayan.
Pinayayabong ang puso para sa kabutihan.
Pinauunlad ang talento para sa kinang ng kinabukasan.

Hulyo 20,2026: Ngayong araw, ating pinarangalan  ang mga batang magalang at may respeto sa kapwa. Sila ay mga huwaran sa...
20/07/2026

Hulyo 20,2026:
Ngayong araw, ating pinarangalan ang mga batang magalang at may respeto sa kapwa.

Sila ay mga huwaran sa ating paaralan na nararapat tularan at gawing inspirasyon ng bawat mag-aaral.

Nawa'y patuloy nilang ipakita ang kabutihan, paggalang, at pagiging disiplinado upang maging gabay sa paghubog ng isang paaralang puno ng pag-ibig, respeto, at pagkakaisa."

Maraming salamat sa aming butihing punongg**o G.Alexes Dequito sa patuloy na pagbibigay ng pagkilala sa mga huwaraang magaaral.

Hinuhubog ang isipan para sa kahusayan, pinayayabong ang puso para sa kabutihan

Sa ngalan ng Bigaan Elementary School, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Rotary Club of West Naujan and Calapan City...
18/07/2026

Sa ngalan ng Bigaan Elementary School, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Rotary Club of West Naujan and Calapan City sa pangunguna ng kanilang Presidente Sir Don Erix Magno sa matagumpay na pagsasagawa ng "Bayanihan para sa mga Katutubong Mangyan gayundin sa lahat ng mag-aaral ng Bigaan Elementary School.

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamalasakit, kabutihang-loob, at dedikasyon sa paglilingkod. Ang inyong mga handog tulad ng feeding program, medical mission, pamimigay ng mga regalo, school supplies at mga aklat, at libreng gupit ay nagbigay ng malaking tulong at pag-asa sa aming mga mag-aaral.

Lubos din po naming pinasasalamatan ang aming butihing mayor Hon. Karen P. Miranda, sa kaniyang malasakit at pagmamahal sa aming mag-aaral at magulang sa barangay Bigaan. Gayundin kay G.Jorge Del Rosario, mga opisyales ng barangay at PTA officers.

Ang inyong pagkakaisa ay tunay na sumasalamin sa diwa ng bayanihan—isang pagkilos na nagbubuklod sa komunidad upang mapabuti ang buhay ng bawat bata at pamilya.

Nawa'y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal ng masaganang kalusugan, lakas, at tagumpay upang patuloy ninyong maipagpatuloy ang inyong adhikain na makapaglingkod sa kapwa.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at pagmamahal. Ang inyong kabutihan ay mananatiling inspirasyon sa aming buong komunidad. Mabuhay ang Rotary Club of West Naujan and Calapan City!

Bawat pahina’y binubuksan, bawat pangarap ay tinutupad; Batang Palabasa, pag-asa ng kinabukasan.Hangad ng Bigaan Element...
06/07/2026

Bawat pahina’y binubuksan, bawat pangarap ay tinutupad; Batang Palabasa, pag-asa ng kinabukasan.

Hangad ng Bigaan Elementary School na mahubog hindi lamang ang galing at husay sa pagbabasa, kundi higit sa lahat ang mabuting asal. Kaya ngayong araw, sa harap ng watawat, iginawad ang parangal sa mga Batang Palabasa huwaran ng sipag, talino, at kabutihang-loob. Bilang pagkilala, sila’y tumanggap ng sertipiko, gantimpalang salapi, at laruan bilang alaala ng kanilang tagumpay.

🎉 Congratulations! 🎉  We proudly announce that Ma’am Gina L. Villafuerte, Teacher VI of Bigaan Elementary School, has su...
04/07/2026

🎉 Congratulations! 🎉

We proudly announce that Ma’am Gina L. Villafuerte, Teacher VI of Bigaan Elementary School, has successfully passed the National Assessment for School Heads with achievement in 4 PPSSH Domains.

Your dedication, excellence, and commitment to school leadership truly inspire us all. ✨
Mabuhay ka, Ma’am Gina — isang huwaran ng galing at sipag para sa Bigaan ES

01/07/2026
Wishing you a day filled with laughter, love, and all the things that make you happiest. Happy Birthday our Brigada hero...
25/06/2026

Wishing you a day filled with laughter, love, and all the things that make you happiest. Happy Birthday our Brigada hero.!!! Please know that we appreciate you❤️

“Preparedness Saves Lives!”  Bigaan Elementary School actively joined the National School Earthquake Drill (NSED) 2026, ...
18/06/2026

“Preparedness Saves Lives!”

Bigaan Elementary School actively joined the National School Earthquake Drill (NSED) 2026, demonstrating its strong commitment to safety and disaster readiness. Learners practiced the “Duck, Cover, and Hold” technique under the guidance of teachers and school leaders, ensuring that everyone knows how to respond calmly and correctly during an earthquake.

Principal Alexes H. Dequito reminded the school community that preparedness is not just a drill but a way of life building a culture of readiness, discipline, and cooperation within Bigaan ES

Sama‑samang Pagtutulungan sa Gulayan ng Bigaan Elementary SchoolBigaan, San Teodoro — Isinagawa ngayong Sabado ang Gulay...
13/06/2026

Sama‑samang Pagtutulungan sa Gulayan ng Bigaan Elementary School

Bigaan, San Teodoro — Isinagawa ngayong Sabado ang Gulayan sa Paaralan ng Bigaan Elementary School, kung saan sama‑samang nagtulong‑tulong ang mga g**o, magulang, at mga boluntaryo sa paghahanda ng lupa at pagtatanim ng mga gulay.

Ang proyektong ito ay bahagi ng feeding program ng paaralan na layuning mapalakas ang nutrisyon ng mga mag‑aaral sa pamamagitan ng sariwang ani mula sa sariling taniman. Sa ilalim ng mainit na araw, makikita ang diwa ng bayanihan habang bawat isa ay may tungkuling ginampanan — may naghuhukay, naglilinis, nagdidilig, at nag‑aayos ng mga punla.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang gulayan ay magsisilbing sustainable source ng pagkain para sa mga batang benepisyaryo ng feeding program. Bukod dito, itinuturo rin sa mga mag‑aaral ang kahalagahan ng pagtatanim, pangangalaga sa kalikasan, at pagkakaisa sa komunidad.

Ang Gulayan sa Paaralan ay patunay na sa Bigaan Elementary School, ang pagtutulungan ay susi sa tagumpay para sa kalusugan, edukasyon, at kinabukasan ng bawat mag‑aaral.

Address

Bigaan, Oriental Mindoro
San Teodoro
5202

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Bigaan Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share