30/08/2025
Matagumpay na ipinagdiwang ng Mababang Paaralan ng Lawaan ang Buwan ng Wika na may temang โPaglinang sa Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaโ. โจ Ginanap ang pagdiriwang noong ika-29 ng Agosto, 2025. Pinaunlakan ng mga panauhin na sina Gng. Shiala M. Tuballas, Bb. Christine Solis at G. Jimuil Ferraren ang selebrasyon kung saan sila ay nagin hurado sa mga paligsahang ginanap katulad ng Booth Display Competition, Sabayang Pagbigkas, Best in Costume, at Tula sa bawat baitang.
Sa mga hurado sa paligsahan, taos-puso naming ipanapaabot ang pasasalamat sa pagbibigay ng iyong mahalagang oras sa aming selebrasyon. Wasto at patas ang inyong naging pasya sa naganap na paligsahan.
Sa mga naghandog ng kanilang donasyon para sa gantimpala sa mga nanalong kalahok bawat baitang, aming ipinapaabot ang lubos pasasalamat sa inyo. Ang Panginoong Diyos ang magbibigay-biyaya sa inyong busilak na pusong tumulong pinansyal sa aming patimpalak.
Sa mga magulang, maraming salamat sa walang humpay na suportang inyong ipinapakita sa bawat selebrasyon ng paaralan. Hindi kailanman mawawalan ng kabuluhan ang inyong tulong at suporta.
Sa mga g**o, buong pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa inyong walang kapagurang pag-alalay sa ating mga mag-aaral upang maging mas mahubog ang kanilang kakayahan at talino sa larangan ng edukasyon.
Sa mga opisyal ng barangay, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta. Tunay ngang nagiging matagumpay ang isang selebrasyon kung lahat ay nagtutulong-tulong.
Panghuli, sa aming mahal na Punong-g**o, Bb. Leah Jane C. Morillo, walang hanggang pasasalamat ang aming ipinaaabot sa iyong walang kapagurang pagkalinga at pagmamalasakit sa ating paaralan upang ito ay makapaghatid ng may kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.