24/07/2026
Malugod na pagbati kina Dr Analiza D Resurreccion, Dr Christian P Gopez, Dr Henry Leen A Magahis, at Dr Leslie Anne L Liwanag, alumni ng PhD Araling Filipino - Wika, Kultura, at Midya ng DLSU Departamento ng Filipino, at Dr Feorillo Petronilo A Demeterio III, Distinguished Full Professor ng DLSU Departamento ng Filipino, sa pagkakalathala ng artikulong “A Decade of Coffee Research in Indonesia, Philippines, and Vietnam (2015–2024): Bibliometric and Thematic Insights for Philippine Coffee Science” sa Forest and Society, Tomo 10, Isyu 1, 2026.
Inihambing ng pag-aaral ang mga pananaliksik kaugnay ng kape sa Indonesia, Pilipinas, at Vietnam mula 2015 hanggang 2024 upang makatulong sa pagpapalakas ng agham pangkape sa Pilipinas. Gumamit ito ng pinagsamang scientometric at tematikong pagsusuri sa mga artikulong nakatala sa Scopus. Sinuri ang produktibidad ng pananaliksik, citation visibility, kolaborasyon, partisipasyon ng mga institusyon, pagpopondo, at saklaw ng mga disiplina gamit ang mga bibliometric indicator at non-parametric trend analysis. Sa dulo, ipinakita ng pag-aaral ang mga estruktural at tematikong katangiang humuhubog sa pandaigdigang bisibilidad at posisyon ng pananaliksik sa kape sa Pilipinas kaugnay ng mga karatig-bansa sa rehiyon.
Maaaring mabasa ang artikulo sa website na ito: https://scholarhub.unhas.ac.id/fs/vol10/iss1/12/
(Larawan mula sa website header ng journal)