CFGHS Supreme Secondary Learner Government

Directions Contact the school

CFGHS Supreme Secondary Learner Government The official page of Carlos F.

Gonzales High School (CFGHS) Supreme Secondary Learner Government (SSLG) โ€” dedicated to empowering students with extensive online updates and information.

MALINIS NA TUBIG, MALINIS NA KINABUKASAN! ๐Ÿ’ง๐ŸŒฑTubig. Isang simpleng bagay na bahagi ng ating araw-araw na buhay, ngunit na...
26/09/2026

MALINIS NA TUBIG, MALINIS NA KINABUKASAN! ๐Ÿ’ง๐ŸŒฑ

Tubig. Isang simpleng bagay na bahagi ng ating araw-araw na buhay, ngunit napakahalaga para sa kalusugan, kalinisan, at kapakanan ng bawat isa.

Ang Sustainable Development Goal 6: Clean Water and Sanitation ay naglalayong matiyak ang pagkakaroon at wastong pamamahala ng malinis na tubig at sanitasyon para sa lahat. Hindi lamang ito tungkol sa pagkakaroon ng tubigโ€”tungkol din ito sa pagpapanatili nitong ligtas, malinis, at sapat para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Sa Pilipinas, patuloy na isinusulong ang mga programa para mapabuti ang access sa water supply, sanitation, hygiene, water quality, at pamamahala ng ating mga yamang tubig.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), noong 2024:
โ€ข 97.5% ng mga pamilya ay may access sa hindi bababa sa basic drinking water services.
โ€ข 84.7% ng mga pamilya ay may access sa basic sanitation services.
โ€ข 93.6% ng mga pamilya ay may access sa handwashing facility.

Ipinapakita ng mga bilang na may patuloy na pag-unlad, ngunit may bahagi pa rin ng ating mga komunidad na nangangailangan ng mas maayos at sapat na serbisyo.

Kaya naman, alagaan natin ang bawat patak. Iwasan ang pag-aaksaya, panatilihing malinis ang ating kapaligiran, at gamitin nang responsable ang tubig. Dahil ang malinis na tubig ay hindi lang pangangailanganโ€”ito ay karapatan at pananagutan nating lahat.

Sa kapsyon ni: Daniella Mariz D. De Guia | SSLG Secretary

Sa disenyo ni: Joseph Reign S. Bartolome | SSLG Treasurer






SAAN KA UMUUWI?Sa pagtatapos ng mahabang araw, sa dami ng taong nakakasalamuha at sa samuโ€™t saring lugar na ating napupu...
24/09/2026

SAAN KA UMUUWI?

Sa pagtatapos ng mahabang araw, sa dami ng taong nakakasalamuha at sa samuโ€™t saring lugar na ating napupuntahan, may isang tanong na tila laging may parehong sagot: Saan ka umuuwi?

Sa pamilya.

Hindi man pare-pareho ang anyo ng bawat tahanan, iisa ang halaga nito; ang pagkakaroon ng mga taong maaari nating sandalan, makausap, makasama, at balikan. Sa pamilya natin unang natututuhan ang mga bagay na hindi nasusukat sa grado o parangal: ang magmahal, umunawa, magpatawad, at manatili.

Ngayong National Family Week 2026, September 21โ€“27, ipinagdiriwang natin ang pamilyang nagsisilbing unang tahanan at matibay na sandigan sa bawat yugto ng buhay.

Hindi kailangang maging engrande ang pagdiriwang. Maaaring magsimula sa sabay-sabay na pagkain, isang mahabang kuwentuhan, simpleng kumustahan, o ilang sandaling piniling ilaan sa isaโ€™t isa.

Sapagkat sa mundong patuloy na nagmamadali, ang oras na ibinibigay natin sa pamilya ay oras na hindi nasasayang.

Dahil may mga lugar tayong pinupuntahan, ngunit may isang tahanang lagi nating hinahanap; ang pamilyang tinatawag nating atin.

Happy National Family Week 2026!
Pahalagahan ang pamilya. Ipagdiwang ang pagsasama.





Bago naging karapatan ang pagboto ng kababaihan, may mga babaeng nangahas na ipaglaban ito. Ngayong ika-20 ng Setyembre ...
20/09/2026

Bago naging karapatan ang pagboto ng kababaihan, may mga babaeng nangahas na ipaglaban ito.

Ngayong ika-20 ng Setyembre ating ginugunita ang pagkilala kay Josefa Llanes Escoda na isang kilalang tagapagtaguyod ng karapatang pangkababaihan sa Pilipinas. Ipinaglaban niya ang karapatan ng kababaihan, kabilang ang karapatang bumoto, at itinatag ang Girl Scouts of the Philippines.

Higit pa sa pagiging tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan, si Josefa Llanes Escoda ay naging huwaran ng paglilingkod at pagmamahal sa bayan. Sa panahon ng digmaan, ginamit niya ang kanyang tapang at ugnayan upang tumulong sa mga bilanggo ng digmaan at kanilang mga pamilya, habang patuloy na nagbibigay ng pagkain, damit, salapi at mahahalagang impormasyon. Sa kabila ng panganib, pinili niyang manatiling tapat sa kanyang tungkulinโ€”isang pamana ng katapangan, malasakit, at paninindigan na patuloy na inaalala sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang kanyang buhay ay patunay na ang isang tinig, kapag ginamit para sa kapwa, ay maaaring maging simula ng pagbabago.

โ€œIf you happen to survive, and I fail, tell our people that the women of the Philippines did their part also in making the ember sparks of truth and liberty alive till the last moment.โ€

Para sa karapatan ng kababaihan.
Para sa bayan.
_______________
Sa kapsyon ni: Joseph Reign S. Bartolome | SSLG Treasurer

Sa disenyo ni: Erha Joyce S. Gatchalian | SSLG Vice President




Kayang-kaya nating pagaanin,    Ipapangako na kaya natin,    Bitawan ang katagang "basura lang           'yan" ,    Pang...
19/09/2026

Kayang-kaya nating pagaanin,
Ipapangako na kaya natin,
Bitawan ang katagang "basura lang
'yan" ,
Panghawakan para sa dalampasigan,
Ngunit kailan kaya makakawala,
Kapag siguradong kayang-kaya na?
Mahalaga ang dagat na,
TUNGKULING PANGALAGAAN NG
BAWAT ISA! ๐ŸŒŠ

Sa bawat hampas ng alon, may buhay na umaasang mapangalagaan,
sa bawat baybayin, may kagandahang dapat nating ingatan. ๐Ÿš

Pero sa likod ng tanawing gusto nating pagmasdan,
may mga basurang unti-unting bumabalot sa karagatan.

Kaya ngayong International Coastal Clean-up Drive, sama-sama tayong kumilos at maglinis,
pulutin ang kalat, ayusin ang paligid, at sa ating munting paraan, tumulong sa kapaligiran. ๐Ÿซง

Hindi man natin kayang linisin ang buong dagat sa isang araw,
bawat bote, plastik, at kalat na ating napupulot ay may ambag sa pagbabagoโ€™t bagong tanaw.

Dahil ang malinis na baybayin ay hindi lang para sa ating paningin,
kundi para sa buhay sa dagat at sa kinabukasang gusto pa nating abutin. ๐ŸŒŠ

Sa kapsyon ni: Miel De Castro | SSLG AUDITOR
Sa disenyo ni: Reign Bartolome | SSLG TREASURER


๐ŸŒŠ๐Ÿ’™

๐—ฌ๐—ข๐—จ ๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐——๐—ข๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ข ๐— ๐—จ๐—–๐—› ๐—•๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜๐—ฅ! โœจMinsan, iniisip natin na ang pagiging matatag ay kailangang magpatuloy nang walang tigil....
19/09/2026

๐—ฌ๐—ข๐—จ ๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐——๐—ข๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ข ๐— ๐—จ๐—–๐—› ๐—•๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜๐—ฅ! โœจ

Minsan, iniisip natin na ang pagiging matatag ay kailangang magpatuloy nang walang tigil. Ngunit ang tunay na lakas ay makikita rin kapag humihinto tayo, nakikinig tayo sa sarili, at sinasabi natin, โ€œKailangan ko munang magpahinga.โ€ ๐ŸŒป

Ang buhay ay hindi isang karera. Alam natin na mabigat ang mga nakaraang araw, at normal na makaramdam ng pagod. Ngunit alalahanin natin na ang bawat hakbang, maliit man o malaki, ay patunay ng tibay. Alagaan natin ang sarili habang tinatahak natin ang mga pangarap.

Kaya natin ito, mga mahal naming Carlosians! Magpahinga tayo kung kailangan, ngunit huwag tayong titigil. Ipinagmamalaki namin kayo! โœจ
_______

Sa kapsyon ni: Hannah A. Rodriguez | SSLG G10 Chairwoman

Sa disenyo ni: Charise L. Gatus | SSLG G11 Chairwoman




Mayroon din naman palang ganda ang buhay... ๐ŸŒˆ Kapag PANTAY-PANTAY!Babae man o lalaki, may pangarap. May kakayahan. May k...
18/09/2026

Mayroon din naman palang ganda ang buhay... ๐ŸŒˆ Kapag PANTAY-PANTAY!

Babae man o lalaki, may pangarap. May kakayahan. May karapatang marinig at mabigyan ng pagkakataon.

Pero sa mundong hindi pa lubusang pantay, may mga pangarap na nahaharangan ng diskriminasyon, stereotype, at mga pagkakataong hindi pantay na naibibigay.

Dito pumapasok ang SDG 5, Gender Equality. Layunin nitong bumuo ng isang mundong walang gender na nagsisilbing limitasyon sa kung ano ang kaya nating gawin at abutin.

Sa Pilipinas, 45.6% ng managerial positions noong 2023 ay hawak ng kababaihan. Isang magandang hakbang, pero paalala rin na marami pang puwang para sa mas pantay na representasyon at pagkakataon.

Kaya kung may isang bagay tayong gustong makita sa hinaharap, sana iyon ay mundong hindi nagtatanong kung โ€œbabae ka ba o lalaki?โ€ bago ibigay ang pagkakataon.

Dahil kapag pantay-pantay, mas malaya tayong matuto, mangarap, sumubok, at maging kung sino man ang gusto nating maging. ๐ŸŒท

Sa kapsyon ni: Miel De Castro | SSLG Auditor
Sa disenyo ni: Reign Bartolome | SSLG Treasurer




๐ŸŽค | Mayro'n din naman palang ganda ang buhay ~Puede nang mangarap! โ˜๐Ÿป๐Ÿฅนheeleu, Carlosians !๐Ÿ˜œKamusta naman ang Wellness Br...
15/09/2026

๐ŸŽค | Mayro'n din naman palang ganda ang buhay ~
Puede nang mangarap! โ˜๐Ÿป๐Ÿฅน

heeleu, Carlosians !๐Ÿ˜œ
Kamusta naman ang Wellness Break nyo?
sana po ok kalang po ngayon jan po boss po,
kasiโ€ฆ.

MAY PASOK NA BUKAS !!๐Ÿ™Œ๐Ÿป
2nd Term na ๐Ÿฅน

Ready na ba kayo? Dapat OO !

!! CARLOSIANS CHECK

โค๏ธ - Chaaraann! ready na ready na!!
๐Ÿ‘๐Ÿป - pero nay aminin mo..
๐Ÿ˜ข - Omaygadd!! May pasok na bukas??
๐Ÿ˜‚ - ate tumigil ka na nga! CHAROTT!
๐Ÿฅฐ - hahahahaahahha never grow old??
๐Ÿ˜ฎ - โ€œkuya wait lang poo๐Ÿฅบโ€

See you around, Carlosians ๐Ÿงก

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”
Kapsiyon ni: Yuan Ehra E. Enverga | SSLG Grade 11 Representative
Disenyo ni: Jezreel G. Gumabon | SSLG President




๐Ÿ“ธ TUNGHAYAN | CLUBS AND ORGANIZATIONS FIRST GENERAL ASSEMBLY 2026Isang hakbang tungo sa mas organisado, aktibo, at sama-...
15/09/2026

๐Ÿ“ธ TUNGHAYAN | CLUBS AND ORGANIZATIONS FIRST GENERAL ASSEMBLY 2026

Isang hakbang tungo sa mas organisado, aktibo, at sama-samang paglilingkod, Carlosians!

Noong Agosto 22, 2026, nagsama-sama sa online meeting ang mga officers at representatives ng ibaโ€™t ibang recognized Clubs and Organizations ng Carlos F. Gonzales High School para sa Clubs and Organizations First General Assembly 2026 for Term 1, na isinagawa sa pamamagitan ng Google Meet.

Naging pagkakataon ang General Assembly upang talakayin ang mahahalagang guidelines, responsibilidad, at mga plano para sa unang termino. Sa pamamagitan nito, nabigyan ang mga student leaders ng mas malinaw na gabay tungkol sa kanilang mga tungkulin at sa kanilang magiging pakikilahok sa mga gawain at programa ng paaralan.

Higit pa sa isang online gathering, nagsilbi rin itong pagkakataon upang mapalakas ang komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng ibaโ€™t ibang Clubs and Organizations. Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at pakikipag-ugnayan, mas napagtibay ang layunin na magkaroon ng mas organisado, aktibo, at responsableng student leadership community.

Maraming salamat sa lahat ng Club and Organization Officers, Advisers, at representatives na nakiisa at naglaan ng oras para sa unang General Assembly ng School Year 2026โ€“2027.

Sama-sama sa pagpaplano. Sama-sama sa pagkilos. Sama-sama para sa Carlosian. โค๏ธ





๐Ÿ“ธ TUNGHAYAN | CLUBS AND ORGS SPORTS FEST BOOTHThe wait was over, Carlosians!Noong Setyembre 7โ€“8, 2026, naging mas makula...
15/09/2026

๐Ÿ“ธ TUNGHAYAN | CLUBS AND ORGS SPORTS FEST BOOTH

The wait was over, Carlosians!

Noong Setyembre 7โ€“8, 2026, naging mas makulay at mas masigla ang Sports Fest sa Carlos F. Gonzales High School sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang booth na inihanda ng ating clubs and organizations.

Mula sa fun games at exciting activities hanggang sa mga pagkaing patok sa panlasa, bawat booth ay may sariling hatid na saya at saya. Sa bawat laro, tinda, tawanan, at pakikilahok, naging mas buhay ang dalawang araw na pagdiriwang.

Maraming salamat sa lahat ng students, clubs, and organizations na naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Salamat sa inyong oras, effort, creativity, at pakikiisa na naging malaking bahagi ng matagumpay at masayang Sports Fest 2026.

Hanggang sa susunod na booth, susunod na ganap, at panibagong alaala, Carlosians! ๐Ÿ’™






Address

San Rafael

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CFGHS Supreme Secondary Learner Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to CFGHS Supreme Secondary Learner Government:

Shortcuts

Share

Category