30/03/2026
𝗚𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗯𝗮𝗻, 𝗚𝗶𝗻𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗻𝘁𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻: 𝗕𝗮𝗰𝗹𝗮𝗴𝗼𝗻, 𝗧𝗶𝗯𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻
https://sports5562.wordpress.com/34-2/
PASSI CITY, ILOILO — Sa gitna ng matinding laban sa net, tibay ng loob ang naging sandigan ni Jane Precious “Pring2x” Baclagon, Grade 9 Polaris ng San Rafael National High School, matapos niyang maiuwi ang gintong medalya sa volleyball sa Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet 2026.
Bilang bahagi ng Iloilo Giants Volleyball Team (Girls) ng Leon National High School, naging mahalagang ambag si Baclagon sa tagumpay ng koponan; isang panalong bunga ng sama-samang pagsisikap at determinasyon.
Hindi planado ang kanyang pagpasok sa volleyball. Ayon sa kanya, nagsimula lamang ito bilang pakikisabay sa mga kaibigan. “Nag start ko hampang sang grade 6 ako kag way man sa plan nga ma training ako, pero nag intra intra ako because of my friends,” ani Baclagon.
Sa paglipas ng panahon, doon niya natagpuan ang kanyang sarili sa sport. Ibinahagi niyang unti-unti niyang nakita ang kanyang kinabukasan sa volleyball. “Kay nami gid ni siya ang volleyball kag daw dira ko na kita ang akon future,” dagdag niya.
Sa paghahanda para sa WVRAA, dumaan siya sa seryosong ensayo sa ilalim ng gabay ni Coach Mac Clavel, kasama ang kanyang koponan. Inilarawan niya ang kanilang training bilang puno ng sakripisyo at pagtitiis.
“Ga jogging kami sa bukid tas ga barbers kami bisan kapoy gina kaya,” saad niya.
Malaki rin ang naging papel ng kanyang coach sa kanyang paghubog bilang atleta, lalo na sa pagbibigay ng lakas ng loob na magpatuloy. “Hambal kanakon ni coach padayonon ko lang asta mag improve ko kag indi gid ko mag give up,” aniya.
Hindi rin matatawaran ang suporta ng kanyang pamilya; sina Joevel M. Baclagon at Loida Baclagon, na patuloy na sumusuporta sa kanya sa bawat laban. Ayon kay Baclagon, kahit gaano kalayo o kapagod, hindi sila nawawala sa kanyang tabi.
“Bisan diin kami makadto ga lantaw gid sila bisan layo pa na, bisan ano kakapoy kag ka busy ara man sila gihapon ga lantaw sa akon kag ga suporta,” pagbabahagi niya.
“Indi ko gid ma explain akon na feel sang time nga ara ako sa court kag manog daog na kami,” aniya. Sa mismong laro, aminado siyang hindi niya maipaliwanag ang kanyang naramdaman habang papalapit ang panalo.
Sa kabila ng kaba bago ang huling puntos, pinili niyang ibigay ang kanyang pinakamahusay.
“Nakulbaan ako kag gina think ko nga himoon ko gid best ko,” saad niya.
“Focus lang kag diskarte, kag gin think ko gid mayo ang akon nga mahimo,” paliwanag niya. Para sa kanya, simple ngunit mahalaga ang naging susi sa kanilang tagumpay; focus at diskarte.
Matapos ang laban, agad niyang naisip ang mga taong naging bahagi ng kanyang paglalakbay.
Higit pa sa medalya, binago siya ng volleyball bilang isang indibidwal.
Bitbit niya ngayon ang aral na hindi niya malilimutan; ang pagbibigay ng buong sarili sa bawat laban.
“Ang lesson ko nga nakuha ko pag daog namon nga indi gid madula sa akon bilog nga kabuhi ay ang gin hatag ko gid ang akon best sa akon hampang sang WVRAA,” diin niya.
Sa harap ng mga pagkukulang at pagkakamali, malinaw ang kanyang pananaw; bawiin at paghusayan pa.
Sa susunod na yugto, mas paghuhusayan pa niya ang kanyang paghahanda.
Para sa mga kabataang nangangarap maging atleta, iniwan niya ang isang mensahe ng inspirasyon:
“Padayon lang sa pag hampang kag indi gid mag give up bisan ano kakapoy, kakayanin natin to mga volleyball athletes. Padayon sa aton future!”
Sa bawat laban ni Baclagon, hindi lamang puntos ang kanyang hinahabol; kundi ang pangarap na unti-unting nagiging realidad.
At sa kanyang kwento, pinatunayan niya: sa gitna ng laban, kung tibay ang sandigan; ginto ang hantungan. 💙🔥
magbasa pa sa: https://sports5562.wordpress.com/34-2/
✍🏻: Jahanne
💻: Brainty