03/10/2026
๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ , ๐๐จ๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ง | ๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ค
At sa huli, matapos ang mga tawanan, sigawan, paligsahan, at sayawan, narito na tayo sa huling bahagi ng ating kapistahan. Hindi man madaling magpaalam, baon naman natin ang mga alaalang nabuo at pagkakaibigang pinatibay ng ating pagsasama.
Ang ๐ ๐ฒ๐ฑ ๐ช๐ฒ๐ฒ๐ธ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, na may temang ๐๐๐ ๐๐ค๐ง ๐ผ๐ก๐ก, ๐ผ๐ก๐ก ๐๐ค๐ง ๐๐๐: ๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ก๐ช๐จ๐ช๐๐๐ฃ, ay naging isang makulay na pista ng talento, pagkakaisa, at bayanihan. Higit pa sa mga programa at paligsahan, ito ay selebrasyon ng samahang bumubuo sa ating Brgy. Medisina.
Taos-puso ang pasasalamat ng ๐๐๐น๐ฆ๐จ ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น (๐ ๐ฆ๐) sa lahat ng estudyante, faculty, performers, volunteers, committees, at bawat Med-lang pipol na nakiisa. Maraming salamat sa inyong oras, pagod, talento, at suporta. Isang taos-pusong pasasalamat din sa aming MSC Adviser, ๐๐ผ๐ฐ ๐๐น๐๐ถ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ, sa kanyang walang sawang paggabay at tiwala sa konseho.
Higit sa lahat, isang malaking pasasalamat sa buong Medicine Student Council (MSC), na naging abala sa likod ng bawat programa at aktibidad ng Med Week 2026. Mula sa pagpaplano at paghahanda hanggang sa aktuwal na pagsasagawa ng bawat gawain, hindi matatawaran ang oras, pagod, at sakripisyong inilaan ng bawat miyembro. Sa kabila ng kani-kaniyang responsibilidad bilang mga mag-aaral, sama-sama nating hinarap ang mga hamon upang maihatid ang isang makabuluhan at masayang selebrasyon para sa buong Brgy. Medisina. Maraming salamat sa inyong dedikasyon, pagtutulungan, at pusong naglingkod. Ang tagumpay ng Med Week 2026 ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng bawat isa sa atin.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga sponsors na sina ๐๐๐บ๐ถ๐ป๐ด๐บ๐ถ๐ป๐ด'๐ ๐๐ฒ๐ฐ๐ต๐ผ๐ป ๐ ๐ฎ๐ป๐ผ๐ธ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐ฒ๐บ๐ฝ๐ผ, ๐๐ฎ๐ณ๐ฒ ๐๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ต, ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฐ๐ฒ๐น ๐๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป๐ฎ๐บ๐ฒ, ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ง๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ, ๐๐๐ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ, ๐๐ผ๐ฐ ๐๐น๐ฒ๐ป๐ป ๐ฉ๐ฎ๐น๐น๐ผ๐๐ผ, ๐๐ผ๐ฐ ๐๐ฎ๐ป๐ป๐ฎ๐ต ๐ฉ๐ฒ๐น๐ฎ๐๐ฐ๐ผ, ๐๐ผ๐ฐ ๐๐ฒ๐ป ๐ฅ๐ฎ๐บ๐ผ๐, at ๐๐ผ๐ฐ ๐๐ฟ๐บ๐ถ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ฝ๐๐๐ฒ sa kanilang kabutihang-loob at suporta na naging bahagi ng tagumpay ng ating mga programa.
Maraming salamat din sa ๐๐ผ๐ฑ๐ฒ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ sa paglalaan ng mga band equipment at sa ๐ก๐ผ๐ถ๐๐ฒ ๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ ๐๐ถ๐ด๐ต๐๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฆ๐ผ๐๐ป๐ฑ๐ sa kanilang mahusay na teknikal na suporta na nagbigay-buhay sa ating huling gabi ng selebrasyon. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ๐ฃ๐น๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ sa pagkuha ng mga larawan sa buong Med Week 2026, na nagsilbing alaala ng mga masasayang sandaling pinagsaluhan natin.
Maaaring matapos ang pista at maibaba ang mga dekorasyon, ngunit mananatili ang saya, pagkakaibigan, at mga alaalang pinagsaluhan. Hindi ito pamamaalam, kundi pasasalamat sa isang kapistahang nabuo dahil sa ating sama-samang pagkilos.
Maraming salamat, Brgy. Medisina! Kayo ang puso ng ating pista. Hanggang sa muli nating kantahan, sayawan, at pagsasama-sama. ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐จ๐ช๐จ๐ช๐ฃ๐ค๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐จ๐ฉ๐, ๐ ๐ฒ๐ฑ-๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ถ๐ฝ๐ผ๐น! ๐๐ค
๐ธ: Aira Jeanine Fernando
โ๐ป: Ivan Capiral