21/03/2026
โขA.V.A.M (A Value A Month) "Discipline and Order"
Kamusta, Maronquillians! Sa pagpasok ng bagong buwan, may bagong aral na naman tayong tatandaan. Noong Lunes, Marso 16,2026, pinangunahan ni Gng. Shenalyn Valderama Santos ang pagtatalakay sa A Value A Month (AVAM), at ngayon, tayo ay nakatuon sa dalawang mahalagang pagpapahalaga: Discipline and Order.
Kaya ano nga ba ang Discipline? Ito ay ang kakayahan nating sundin ang mga patakaran at regulasyon upang makamit ang ating mga layunin. Sa pamamagitan ng disiplina, natututo tayong maging responsable at may kontrol sa ating mga gawa. Hindi lang ito tungkol sa pagsunod sa mga batas, kundi pati na rin sa paghubog ng ating mga karakter at pagkatao.
Order ano namankaya ito? Ito ay tumutukoy sa kaayusan at sistema na nagpapanatili ng kapayapaan at kahusayan sa ating mga gawa at palaruan. Sa isang maayos na sistema, mas nagiging produktibo at masaya tayo sa ating mga gawa.
Sa Maronquillo National High School, patuloy tayong naglulunsad ng mga aral at gawain na nagtataguyod ng pagmamahal at pagkakaisa sa bawat isa. At sa tulong ng AVAM, mas nagiging aware tayo sa mga pagpapahalaga na mahalaga sa ating buhay.
Kaya naman, Maronquillians, let's embody the spirit of Discipline and Order! Gagawin natin ang ating best na maging responsable, maayos, at makatulong sa ating komunidad at Kapwa.
Caption by โ๐ผ: Joylin Jimenez | KAPWA Club PIO
Pubmat by ๐ผ๏ธ: Angel Soriano | KAPWA Club Vice President