23/02/2026
Isang hindi malilimutang selebrasyon ng talento, talino, at teamwork ang naganap sa ating TLE Share the Best Event! Tunay na umapaw ang saya, sigla, at inspirasyon sa ating paaralan habang ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan at kakayahan. Mula sa makabagong konsepto, malikhaing likha, hanggang sa praktikal na aplikasyon ng natutunan sa klaseโlahat ay nagsilbing patunay na ang kaalaman ay mas lalong nagiging makabuluhan kapag itoโy isinasabuhay.
Sa temang โInnovate, Create, Elevateโ, bawat kalahok ay nagbigay ng kanilang pinakamahusay. Ang mga proyekto at presentasyon ay hindi lamang basta outputโito ay bunga ng tiyaga, pagsisikap, at determinasyon na maitaas ang antas ng kanilang kakayahan. Nakakatuwang makita kung paano nila ginamit ang mga aral mula sa TLE upang makabuo ng mga ideyang may kabuluhan at produktong umaapaw sa kasarapan. Tunay na kahanga-hanga ang kanilang pagiging malikhain, maparaan, at handang harapin ang mga hamon!
Ramdam na ramdam ang positibong enerhiya sa buong programaโmula sa paghahanda, hanggang sa pagbebenta, at siyempre noong nag awarding na. Ang bawat ngiti, palakpak, at sigaw ng suporta ay patunay ng pagkakaisa at pagmamalasakit ng buong paaralan. Hindi lamang ito isang event, kundi isang makulay na pagdiriwang ng talento at potensyal ng kabataang handang magtagumpay.
Isang taos-pusong pasasalamat sa TLE Department, Multimedia Arts, at Home Economics Club sa kanilang walang sawang suporta, dedikasyon, at sipag sa pag-organisa ng napakagandang programang ito. Ang inyong paggabay at inspirasyon ang naging susi upang maging matagumpay at makabuluhan ang kaganapang ito.
Maraming salamat din sa lahat ng mga mag-aaral, g**o, at mga nakiisa at nakibahagi. Ang inyong aktibong pakikilahok at suporta ang nagbigay-buhay at kulay sa ating selebrasyon. Kayo ang tunay na dahilan kung bakit naging masigla, masaya, at matagumpay ang TLE Share the Best Event!
Isang malaking pagbati para sa mga nagwagi!
1st place ๐ฅ: Sticker Snap, Ict 10
2nd Place ๐ฅ: Cookery 9
3rd Place๐ฅ: Mocktails, Food and Beverage 10
Patuloy tayong mangarap, lumikha, at umangat! Dahil sa ating paaralan, ang bawat ideya ay may halaga, ang bawat talento ay may puwang, at ang bawat tagumpay ay ipinagdiriwang nang may labis na kagalakan! I-share the Best na โyan!!!๐ฉทโจ
Caption by: Princess Ashley Theresse I. Callo|Tle Club President
Pubmat by: Aliyah Danaya Roflo| Multimedia Arts Club Auditor