21/08/2026
NINOY AQUINO DAY | Agosto 21
May mga paninindigang hindi kumukupas sa paglipas ng panahon, sapagkat ang mga ito ay nananatiling bahagi ng kasaysayan at puso ng bayan.
Ngayong Ninoy Aquino Day, ating ginugunita at binibigyang-pugay ang buhay at pamana ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr., isang Pilipinong naniwala sa halaga, kakayahan, at dangal ng bawat Pilipino.
“The Filipino is worth dying for…”
Ang mga salitang ito ay nagsisilbing makapangyarihang paalala ng kanyang matibay na paninindigan at pagmamahal sa bayan. Higit pa sa isang pahayag, ito ay bahagi ng kanyang pamana—isang panawagan na pahalagahan ang kalayaan, ipaglaban ang tama, at maglingkod nang may katapatan.
Sa paggunita sa araw na ito, nawa’y manatiling buhay ang mga aral ng kanyang paglilingkod at sakripisyo sa puso ng bawat Pilipino.
Alalahanin ang kasaysayan. Pahalagahan ang kalayaan. Ipagpatuloy ang diwa ng pagmamahal sa bayan. 🇵🇭
Pubmat🖼️ and Caption🖊️ by:
Antoinette Jasmine D.G. Rosales | SC Vice Governor
Shaffiyah D. Ramos | SC Secretary
-CSJD