10/09/2026
09.10.26
PAGTATALAGA AT PANUNUMPA NG MGA SAMAHAN
Isang makabuluhang seremonya ng pagtatalaga at panunumpa ang isinagawa para sa mga bagong halal na opisyal ng SELG, YES-O, SPTA, at Homeroom PTA.
Nawaโy gampanan nila ng buong puso, katapatan, at pananagutan ang kanilang mga tungkulin bilang mga lider na magsisilbing katuwang ng paaralan para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral at buong komunidad.
Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa aming mga panauhing naglaan ng kanilang mahalagang oras at nagpaabot ng suporta sa gawaing ito:
Igg. Edison Veneracion
Igg. Edlin Indon, kinatawan ni Elijah Rafael Indon
Igg. Filoteo V. Santos, kinatawan ni Sec. Jhen Boticario
Igg. Noel P. Perez
Igg. Joel Bunag
Maraming salamat po sa inyong presensya, suporta, at patuloy na pakikiisa sa mga gawain ng Pantubig Elementary School. Ang inyong suporta ay malaking ambag sa pagpapaunlad ng ating paaralan at sa paghubog ng ating mga mag-aaral.
Pasasalamat din sa mga nagpaabot ng mahalagang tulong upang magkaroon ng pasimulang pondo ang bawat samahan, di na po namin nabanggit ang inyong mga pangalan, ngunit lubos po ang aming pasasalamat sa inyong mahalagang ambag.๐๐
LANNIE N. PEREGRINO, PhD.
OIC-Principal IV
MARISA V. ORTEGA
PSDS