Grand San Rafael Eagles Club

Grand San Rafael Eagles Club SERVICE THROUGH STRONG BROTHERHOOD
DEO ET PATRIA 🦅

Ang pagiging ama ay hindi lamang responsibilidad, kundi isang dakilang tungkulin na puno ng pagmamahal at sakripisyo.Naw...
21/06/2026

Ang pagiging ama ay hindi lamang responsibilidad, kundi isang dakilang tungkulin na puno ng pagmamahal at sakripisyo.

Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang araw na ito kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Happy Father’s Day mga Kuya!




Community Service  #3 🦅💙Bilang bahagi ng aming patuloy na adhikain na makapaglingkod sa komunidad, matagumpay na nagsaga...
02/06/2026

Community Service #3 🦅💙

Bilang bahagi ng aming patuloy na adhikain na makapaglingkod sa komunidad, matagumpay na nagsagawa ang Grand San Rafael Eagles Club ng Donation of Roof & Wall Paints para sa Brigada Eskwela ng San Rafael National Trade School – Caingin (Junior High School) last June 1, 2026.

Ang simpleng handog na ito ay sumasalamin sa aming hangarin na makatulong sa pagpapanatili at pagpapaganda ng paaralan upang magkaroon ng mas maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga mag-aaral at mga g**o.

Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito. Sa lahat ng bumubuo ng GRAND SAN RAFAEL EAGLES CLUB! Sa pamamagitan ng pagkakaisa at tunay na diwa ng paglilingkod, patuloy nating naipapakita na ang maliliit na hakbang ay may malaking ambag sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating kabataan.

"Together We Serve, We Make a Difference."

🦅 Mabuhay ang Agila!
🦅 Mabuhay ang Grand San Rafael Eagles Club!





🦅 Unveiling of Marker 🦅Last April 11, 2026 ay matagumpay na naidaos ng Grand San Rafael Eagles Club ang Unveiling of Mar...
02/06/2026

🦅 Unveiling of Marker 🦅

Last April 11, 2026 ay matagumpay na naidaos ng Grand San Rafael Eagles Club ang Unveiling of Marker, isang mahalagang okasyon na sumisimbolo sa patuloy naming dedikasyon sa paglilingkod, pamumuno, at pagpapaunlad ng komunidad.

Taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa mga panauhing pandangal at mga lider na nagbigay ng kanilang oras at suporta upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang na ito:

✨ Hon. Cipriano D. Violago, Jr. – Municipal Mayor of San Rafael
✨ Hon. Edison M. Veneracion – Municipal Vice Mayor of San Rafael
✨ Hon. Nestor V. Vicho – Municipal Councilor of San Rafael

✨ Executive National Vice President Kuya Agaton Javier
✨ NCR 101 Governor Kuya Levi Pantino
✨ CLR 79 Governor Kuya Gov. Raymart Martin

Ang inyong presensya at walang sawang suporta ay nagbibigay-inspirasyon sa amin upang higit pang pag-ibayuhin ang aming misyon ng paglilingkod at pagpapalakas ng diwa ng pagkakapatiran sa ating pamayanan.

Sama-sama nating itaguyod ang tunay na diwa ng serbisyo at pagkakaisa para sa mas maunlad na kinabukasan.

Mabuhay ang Grand San Rafael Eagles Club!
Mabuhay ang Agila!



Community Service  #2Isang matagumpay at makabuluhang araw ng paglilingkod para sa komunidad! 🦅💙Noong April 25, 2026, ma...
08/05/2026

Community Service #2

Isang matagumpay at makabuluhang araw ng paglilingkod para sa komunidad! 🦅💙

Noong April 25, 2026, matagumpay na naisagawa ng Grand San Rafael Eagles Club ang “Operasyon Libreng Tuli” sa Carlos F. Gonzales High School (Maguinao, San Rafael, Bulacan), katuwang ang Municipal Health Office of San Rafael.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, dedikasyon, at tunay na malasakit sa kapwa, nakapagbigay tayo ng libreng tuli, libreng gamot, at snacks para sa mga kabataang lumahok sa programa.

📍 Total beneficiaries: 118 youths served

Special thanks sa buong grupo ng MHO San Rafael sa kanilang napakalaking tulong, suporta, at serbisyong medikal upang maging matagumpay ang outreach program na ito. Gayundin sa lahat ng sponsors, volunteers, medical personnel, at members ng Grand San Rafael Eagles Club na naging bahagi ng makabuluhang misyong ito.

Ang tunay na Agila ay hindi lamang mataas lumipad — kundi marunong ding maglingkod nang may dangal, malasakit, at pagkakapatiran. 💙🦅





Community Service  #1Isang matagumpay na community service ang naisakatuparan ng Grand San Rafael Eagles Club! 🦅💙Noong M...
08/05/2026

Community Service #1

Isang matagumpay na community service ang naisakatuparan ng Grand San Rafael Eagles Club! 🦅💙

Noong March 20, 2026, nag donate ang ating samahan ng screen door para sa Carlos F. Gonzales High School located at Maguinao, San Rafael, Bulacan

Ang simpleng tulong na ito ay naglalayong makatulong sa pagpapabuti ng pasilidad ng paaralan at makapagbigay ng mas maayos at ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante, g**o, at mga kawani ng paaralan.

Maraming salamat sa lahat ng miyembro ng Grand San Rafael Eagles Club sa pag suporta sa programang ito. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit, patuloy tayong nakapagbibigay ng positibong serbisyo para sa ating komunidad. 💙🦅





Address

San Rafael

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Grand San Rafael Eagles Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share