14/07/2026
📢PABATID:
Alinsunod sa DepEd Order Blg. 007, s. 2026 (Media Management Guidelines) na nagtatakda ng pare‑parehong paraan ng pagpapangalan sa lahat ng opisyal na social media accounts ng DepEd, ipinaaalam namin sa lahat na binago na ang pangalan ng aming opisyal na page.
Mula sa: DepEd Tayo – Carlos F. Gonzales High School
Ngayon ay: DepEd Carlos F. Gonzales High School
Layunin ng pagbabagong ito na magkaroon ng iisa, maaasahan, at madaling makilalang digital identity para sa lahat ng tanggapan at pampublikong paaralan ng DepEd, upang maging pare‑pareho at malinaw ang opisyal na komunikasyon.
📌 Paalala: Pangalan lang ng page ang binago. Nanatili pa rin itong opisyal na page ng Carlos F. Gonzales High School at patuloy na magsisilbing pangunahing plataporma para sa mga anunsyo, programa, tagumpay, paalala, at iba pang opisyal na impormasyon ng paaralan.
Inaanyayahan namin ang lahat na magpatuloy sa pag‑follow, pag‑like, at pag‑share ng aming opisyal na page upang manatiling updated sa mga balita at gawain ng paaralan. Maraming Salamat sa inyong pagsuporta.