18/08/2026
Kahit Patuloy ang Pag-ulan, Patuloy ang Pagkatuto!
Sa patuloy na pag-ulan, hindi nito napipigilan ang ating mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Patuloy silang nagsisikap na matuto sa kani-kanilang tahanan sa tulong at paggabay ng kanilang mga magulang at mga g**o. Tunay na kahanga-hanga ang kanilang sipag, tiyaga, at determinasyon sa kabila ng mga hamon ng panahon.
Maraming salamat po sa ating mga magulang at g**o sa walang sawang paggabay, suporta, at pagtutulungan upang magpatuloy ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Sa anumang panahon, ang edukasyon ay patuloy!