20/09/2026
2nd General Assembly at Pamamahagi ng Report Cards | Term 1
Matagumpay na isinagawa ng Maronquillo National High School (MNHS) ang 2nd General Assembly at Pamamahagi ng Report Cards para sa Term 1 noong Setyembre 18, 2026.
Layunin ng pagtitipon na mapalakas ang ugnayan at pakikipagtulungan ng paaralan, mga magulang, at iba pang stakeholders tungo sa patuloy na pag-unlad at tagumpay ng mga mag-aaral.
Kasabay nito, isinagawa ang pamamahagi ng Term 1 Report Cards upang maipabatid sa mga magulang ang kalagayan ng pagkatuto at pagganap ng kanilang mga anak. Naging pagkakataon din ito upang magkaroon ng makabuluhang talakayan hinggil sa mga kalakasan, pangangailangan, at mga hakbang na maaaring gawin upang higit pang masuportahan ang bawat mag-aaral.
Lubos na pinahahalagahan ng MNHS ang patuloy na pakikiisa, suporta, at pakikipagtulungan ng mga magulang sa pagpapaunlad ng edukasyon ng ating mga mag-aaral.
Sama-sama para sa mas mahusay na pagkatuto at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat Batang MNHS!
na Namumukod Tangi at Higit sa Sapat