CFGHS Araling Panlipunan Club 2022-2023

CFGHS Araling Panlipunan Club 2022-2023 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CFGHS Araling Panlipunan Club 2022-2023, School, Carlos F. Gonzales High School, San Rafael.

🇵🇭 IWAGAYWAY ANG ATING BANDILA!!Bilang paggunita sa Araw ng mga Watawat, nakiisa ang Araling Panlipunan Club at ang mag-...
12/06/2023

🇵🇭 IWAGAYWAY ANG ATING BANDILA!!

Bilang paggunita sa Araw ng mga Watawat, nakiisa ang Araling Panlipunan Club at ang mag-aaral ng CFGHS sa pagkuha ng larawan kasama ang Pambansang Watawat ng bansa na siyang sumasagisag sa ating Pagka-Pilipino at sa kalayaang ating nakamtan.

Taglay ng ating watawat ang daan-daang taong kasaysayan ng pakikibaka para sa kalayaan, karapatan, at ang pagkakakilanlan bilang Pilipino.

📜 Narito ang kahulugan ng bawat simbolo sa Watawat ng Pilipinas:
🇵🇭 Ang araw na may walong sinag na sumisimbolo sa walong probinsiyang
nag-alsa laban sa mga Kastila
🇵🇭 Ang asul ay sumisimbolo sa kapayapaan
🇵🇭 Ang p**a ay sumisimbolo sa katapangan
🇵🇭 Ang puti ay sumisimbolo sa kalinisan

Ating ipagmalaki, at igalang ang ating watawat sapagkat ang bawat bahagi nito ay katumbas ng mga hinabing kwento ng pagsasakripisyo, katapangan, at pagiging makabayan ng mga bayaning nagkaisa sa layuning mapalaya ang ating bansa.

Caption by: Leif Xander De Castro — Araling Panlipunan Club Vice President ; Airish De Guzman — Araling Panlipunan Club Secretary

Edited by: Robie Bajao — Araling Panlipunan Club Public Information Officer

-'23

"At pagpupugay ang aking handog sa mga minamahal nating kababayan, sapagkat sa araw na ito ay tuluyan na tayong makikila...
11/06/2023

"At pagpupugay ang aking handog sa mga minamahal nating kababayan, sapagkat sa araw na ito ay tuluyan na tayong makikilala, at haharap nang may pagmamalaki sa sanlibutan sa ilalim ng Republika ng Pilipinas." –Emilio Aguinaldo

Sa bawat pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, binabalikan natin ang dakilang pagkakataon na pinagtibay ang ating kasarinlan bilang isang malayang bansa. Ang sandaling iyon, noong Hunyo 12, 1898, ay isang himala na nagdulot ng liwanag sa kadiliman ng pagkaalipin. Isang pagkakataon na nagpatunay na mayroon tayong kakayahan, at lakas upang isulong ang mga hangarin ng ating bayan.

Sa pamamagitan ng sipi ni Aguinaldo, binibigyang diin natin ang pagmamalaki na dulot ng ating kalayaan. Hindi lamang tayo nagkamit ng kasarinlan mula sa mga dayuhang mananakop, kundi ipinamalas din natin sa buong mundo ang ating kakayahan bilang isang bansa. Naging saksi ang sanlibutan sa tagumpay at kabayanihan ng mga Pilipino, na hindi lamang sumakop sa ating sariling mga hangganan, kundi nanguna rin sa pandaigdigang entablado.

Subalit, sa gitna ng ating pagdiriwang, hindi natin dapat kalimutan ang mga aral at responsibilidad na kaakibat ng ating kalayaan. Ang kalayaan ay hindi lamang isang karapatan kundi isang tungkulin. Nasa ating mga kamay ang pagpapanatili ng diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng pagiging tapat sa mga prinsipyo ng ating Republika.

Dapat nating alalahanin na ang ‘kalayaan’ ay hindi nangangahulugang pagiging pabaya o pasalita lamang. Ito ay naglalaman ng malalim na pagmamahal sa ating bayan at pagtangkilik sa ating kultura. Ang kalayaan ay hindi dapat maging dahilan para magkalimutan tayo ng ating mga tungkulin bilang mamamayan. Bagkus, ito ay isang hamon upang ipakita natin ang ating husay, galing, at integridad sa lahat ng aspeto ng ating buhay.

Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay bilang isang malayang bansa.

Caption by: Arvin Canoza — Araling Panlipunan Club Auditor ; Ericka Venice Ramos — Araling Panlipunan Club Grade 10 Representative

Edited by: Robie Bajao — Araling Panlipunan Club Public Information Officer

-'23

MAG INGAY 🎉 MAG INGAY 🎉 MAG INGAY 🎉Isigaw ang pangalan ng mga mahuhusay na Carlosians !Sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitin...
14/04/2023

MAG INGAY 🎉 MAG INGAY 🎉 MAG INGAY 🎉

Isigaw ang pangalan ng mga mahuhusay na Carlosians !

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan na may temang " Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng nagkakaisang Pilipino " nagdaos ng patimpalak ang Araling Panlipunan Club na pinamagatang " Likha ng Kagitingan " Slogan and Poster Making.

Idinaos ang pagtatanghal ng mga panalo ngayong Abril 14, 2023 at pinangalanan ang mga nagkamit ng unang pwesto hanggang ikasampung pwesto sa Poster Making at unang pwesto hanggang ikalimang pwesto naman para sa Slogan Making gayunadin ang mga nag kamit sa People's Choice Award na ginanap noong Abril 13 - Abril 14 8:00 pm- 8:00am.

Narito ang mga pangalan ng mga mahuhusay, magigiting at malikhaing mga Carlosian

Poster Making
1st: Zerah Nato
2nd: Alleney Gaile Tenorio
3rd: Mateo Maica Del Rosario
4.5: Jairo Figuracion
4.5: Gian Dela Cruz
6th: Prince Arden Santos
7th: Deniz Bianca Verde
8th: Edison Santos
9th: Justine Bunao
10th: Miel Justine De Castro

Slogan Making
1st : Kyle Bermudez
2nd: Edison Santos
3rd: Charise Gatus
4th: Erha Joyce Gatchalian
5th: Deniz Bianca Verde

Tunay ngang Basta Carlosian, Dabest yan!

Maraming salamat sa mga sumali at ating palakpakan ng may kagitingan ang mga mag aaral na nanalo para sa patimpalak na ito.

PABATID ! 🎨. Ang pagboto sa People's Choice Award ay sarado na, nais naming pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa mga li...
14/04/2023

PABATID !

🎨. Ang pagboto sa People's Choice Award ay sarado na, nais naming pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa mga likha ng ating magigiting na Carlosians.

🎨. Inaasahan namin ang pagdalo ng mga kalahok sa Science Labaratory Room sa ganap na 10:30 am upang pangalanan ang mga nagkamit ng karangalan. Maraming salamat !

Magsitayo’t magpalakpakan!Ating nakita kung paano ipinamalas ng bawat Carlosian ang kanilang angking talento sa pagiging...
13/04/2023

Magsitayo’t magpalakpakan!

Ating nakita kung paano ipinamalas ng bawat Carlosian ang kanilang angking talento sa pagiging malikhain sa paggawa ng poster at islogan. Ngayon naman ay ating tunghayan kung kaninong mga obra ang pinakanangibabaw sa pananaw ng ating mga hurado at madla.

Kami, ang Araling Panlipunan Club ay inaanyayahan kayo sa ika-14 ng Abril, 2023 (Biyernes), sa Science Laboratory sa ganap na 10:30 ng umaga, sa aming pagbibigay ng parangal sa mga natatanging mga mag-aaral. Aasahan namin ang inyong presensya, samahan nating magdiwang ang bawat isa sa kanilang parangal.

Kita-kits, Carlosians!

-'23

🎨MAGANDANG ARAW CARLOSIAN!!!!🎨Ipinamalas ng ating kapwa - Carlosian ang kanilang pagiging malikhain bilang pakikiisa sa ...
13/04/2023

🎨MAGANDANG ARAW CARLOSIAN!!!!

🎨Ipinamalas ng ating kapwa - Carlosian ang kanilang pagiging malikhain bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng "Araw ng Kagitingan" noong Abril 09, 2023 na may temang "Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng mga Pilipino"

🎨Kaya't narito ang mga likha ng ating kapwa-Carlosian.

🎨Bilang pagbibigay ng suporta sa kanilang mga likha, maaari niyong i-click ang 'react button' sa mismong larawan. Ang may LIMANG may pinaka-maraming bilang ng react ay mapabibilang sa award na "People's Choice Award".

🎨Mag-uumpisa ang pagbibilang sa pagpatak ng April 13, 2023, 7:00 PM hanggang April 14, 2023, 8:00 AM

🎨KAYA'T CARLOSIAN!!! HALINA'T SUPORTAHAN ANG KANILANG MGA LIKHA

-'23

PABATID,MAGANDANG BUHAY CARLOSIANS!Kasunod ng suspensyon ng klase ngayong araw dahil sa paparating na bagyo na ngayon sa...
12/04/2023

PABATID,

MAGANDANG BUHAY CARLOSIANS!

Kasunod ng suspensyon ng klase ngayong araw dahil sa paparating na bagyo na ngayon sanang pasahan ng mga likha ng ating mga mahusay na mag-aaral, ipinababatid ng Araling Panlipunan Club na ang pagpapasa ng mga likhang poster at slogan ay inuusad na sa araw ng Huwebes ika-13 ng buwan taong 2023.

ARAW NG PASAHAN: April 13, 2023, Huwebes, 11:20 ng umaga

Kung mayroon pa kayong mga katanungan ay maaari ninyo itong i-type sa comment section ng post na ito. Maraming salamat Carlosians!

-'23

ANNOUNCEMENT 📣!!✧MAGANDANG BUHAY CARLOSIANS!✧Aming ipaaalam sa inyo na magbibigay ang Araling Panlipunan Club ng karagda...
10/04/2023

ANNOUNCEMENT 📣!!

✧MAGANDANG BUHAY CARLOSIANS!

✧Aming ipaaalam sa inyo na magbibigay ang Araling Panlipunan Club ng karagdagang oras sa pasahan ng Poster at Slogan bilang pakikiisa sa "Araw ng Kagitingan” sapagkat batid namin na dumaan ang Semana Santa, marami sa atin ang nagbakasyon kasama ang ating mga pamilya. Nang sa gayon ay magkaroon rin ang mga contestant ng sapat na oras upang lubusan pang maihanda ang kanilang mga natatanging Slogan at Poster.

✧ ARAW NG PASAHAN: April 12, 2023, 12:00 ng hapon

✧Kung mayroon pa kayong mga katanungan, maaari ninyo itong i-type sa comment section ng post na ito.
Maraming salamat, Carlosians!!

-'23

🇵🇭 Ngayong araw ay ating ginugunita ang “Araw ng Kagitingan” o kilala rin sa tawag na "The Day of Valor". Tanda ng kadak...
09/04/2023

🇵🇭 Ngayong araw ay ating ginugunita ang “Araw ng Kagitingan” o kilala rin sa tawag na "The Day of Valor". Tanda ng kadakilaan ng mga mandirigmang Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na idinaraos tuwing ikasiyam ng Abril.

Bakit mahalagang gunitain ang Araw ng Kagitingan?

📜Hindi lamang isang selebrasyon ang paggunita sa Araw ng Kagitingan kung hindi pag-alaala sa katapangan ng mga Pilipinong nakipaglaban at nagbuwis ng buhay para sa bayan kahit pa "bumagsak" ang depensa noon ng bansa sa Corregidor sa Bataan noong Abril 9, 1942.

-'23

“IPAMALAS ANG KAGITINAN NA DALA NG BAWAT KABATAAN!!!”Ipamalas ang katangi-tanging kagitingan ng mga Carlosian sa pamamag...
03/04/2023

“IPAMALAS ANG KAGITINAN NA DALA NG BAWAT KABATAAN!!!”

Ipamalas ang katangi-tanging kagitingan ng mga Carlosian sa pamamagitan ng paglikha ng sining.

Bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-81 taon ng Araw ng Kagitingan sa darating na ika-9 ng Abril, magsasagawa ang Samahan ng Araling Panlipunan ng paligsahan sa paglikha ng mga natatanging poster at slogan na may temang “ Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng mga Pilipino” upang maipamalas ng mga mag-aaral ng Mataas na Paaralang Carlos F. Gonzales ang kanilang angking talento at kakayahan sa paglikha ng mga sining handog sa mga magigiting na bayani na nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan.

Ang nasabing patimpalak ay pangungunahan ng mga opisyal ng Araling Panlipunan Club sa pamamahala nina Gng. Daisy H. Cruz, at Gng. Cecil R. Dalisay, Gurong Tagapayo ng Araling Panlipunan Club, sa ilalim ng pamamatnubay nina Gng. Belinda DG. Bermido, Ulongguro III, Araling Panlipunan at G. Cesar V. Valondo, Punongguro IV.

Narito ang mga panuntunan na magsisilbing gabay sa patimpalak.

🎨PANINTUNAN SA POSTER AT SLOGAN MAKING CONTEST

🖌️Sino ang mga maaring sumali?
•Ang patimpalak na ito ay maaring salihan ng mga estudyante na
•Junior Highshool Students ng Carlos F. Gonzales Highschool.

🖌️Anong illustration board ang gagamitin ?
•Maaring Gumamit ng 1/4 illustration board sa iyong likhang sining at 1/8 illustration board para sa inyong slogan. Dapat ay sumunod sa tema na "Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino". Ang iyong gawa ay dapat MALINIS at MAAYOS.

🖌️Kanino ipapasa ang likha?
• Maaari mong ipasa ang iyong gawa kay Ma'am Daisy Cruz, Araling Panlipunan Adviser, o sa mga Officers ng AP club (President, Vice President, at Secretary).

🖌️Hanggang kailan puwede magpasa ng likha?
• Ang araw ng pagpapasa ay hanggang o sa mismong ika-labing isang araw ng abril 2023 (April 11, 2023) 12:00 pm

Kung mayroon pang karagdagang katanungan, maaaring magmensahe sa page o kausapin ang Presidente, Bise-Presidente, Sekretarya o ang mga Representatives ng inyong Grade Level.

March 31, 2023 | Clean - Up DriveBilang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating paaralan, ang Arali...
31/03/2023

March 31, 2023 | Clean - Up Drive

Bilang pakikiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating paaralan, ang Araling Panlipunan Club Officers ng Mataas na Paaralang Carlos F. Gonzales ay nakilahok sa isinagawang Clean - Up Drive, Marso 31.

Hinihikayat din ng Araling Panlipunan Club Officers ang pakikiisa ng bawat Carlosian sa pagpanatili ng malinis at maayos na kapaligiran kahit sa ating sariling paraan. Sa pamamagitan ng pagiging responsable sa pagtatapon ng basura ay isang malaking tulong na sa kalikasan.

Sama-sama nating tulungan ang bawat isa sa pagpanatili ng maayos, malinis, at ligtas na paaralan para sa bawat Carlosian.

-'23

Address

Carlos F. Gonzales High School
San Rafael
3008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CFGHS Araling Panlipunan Club 2022-2023 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category