ESP Department San Antonio Integrated National High School

ESP Department San Antonio Integrated National High School

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ESP Department San Antonio Integrated National High School, School, .

Photos from ESP Department San Antonio Integrated National High School's post 02/02/2026

Noong ika-30 ng Enero 2026, matagumpay na isinagawa ang School Mass sa loob ng ating paaralan sa tulong ng ESP Club officers, mga g**o, at iba pang organisasyon ng ating paaralan.

Photos from ESP Department San Antonio Integrated National High School's post 06/12/2025

Natapos na ang mga activities ng ESP Club at nagpapasalamat kami sa lahat ng aktibong nakiisa 🤝✨ Napuno ng learning at teamwork ang bawat event, mula sa mga symposium na nagbigay ng kaalaman tungkol sa rights, protection, discipline at values, hanggang sa clean up drive na nagpakita ng malasakit sa kalikasan. 🌿🧹

Sobrang gagaling ng lahat ng sumali sa mga contests. Kitang-kita yung creativity, effort at teamwork mula sa slogan making, logo making, Bible Quiz Bee, singing duet at dance contest 🎨📖🎤💃🔥 Talagang naipakita natin kung paano nabubuhay ang Filipino values sa bawat activity.

Maraming Salamat sa kooperasyon, respeto at pagiging hands on ng lahat. Dahil sa inyo naging maayos, masaya at makatulong ang buong programa. Good job ESP Club! 🤎✨



✍🏼: Guen Dela Cruz
🖼️: John Paul Panida

Photos from ESP Department San Antonio Integrated National High School's post 22/11/2025

Matagumpay na isinagawa ng ESP Department ang Kick-off Program para sa Filipino Values Month 🎉

Sa tulong ng mga ESP Club officers, ESP teachers, at iba pang estudyante, maligayang naisagawa ng ESP Club ang Kick-off Program para sa Filipino Values Month nitong Nobyembre 21 Taong Panuruan 2025 - 2026!



🖼️ & ✍🏼: John Paul Panida

09/11/2025

Kamusta, SAINHSIANS?

Ang ESP Club ay pinaaalahanan kayo na manatiling ligtas sa Super Typhoon . Manatili kayo sa loob ng inyong mga tahanan kung hindi kinakailangang lumabas.

⚠️ MGA PAALALA ⚠️
📌 Ihanda ang emergency go-bag
📌 Maging up-to-date sa mga opisyal na anunsyo
📌 Manatiling kalmado
📌 Manatili sa loob ng tahanan
📌 I-charge ang mga device

Mga Emergency Hotline:
Philippine National Police (PNP): (02) 8722-0650
Bureau of Fire Protection (BFP): (02) 8426-0219 / (02) 8426-0246
PAGASA: (02) 8284-0800

SUPER TYPHOON UPDATE: As of 2PM, Nov. 9, 2025

BUONG LALAWIGAN NG LAGUNA, SIGNAL NO. 3 (Orange Rainfall Warning)

Patuloy po tayong naka-monitor at handa sa anumang agarang tulong na kailangan ng ating mga kababayan. Keep safe, everyone!

17/10/2025

🎉 Maligayang Kaarawan sa iyo Florence Paulyn🎂
ang aming Active Member.
Nawa’y maging masaya, makulay, at puno ng pagmamahal ang iyong espesyal na araw. Salamat sa inspirasyon at kabutihan mo sa iba, deserve mong maging masaya at mapuno ng biyaya ang buong taon! 💖🙏

15/10/2025

🎉 Maligayang Kaarawan sa iyo Roma Ameerah🎂
ang aming Active Member.
Nawa’y maging masaya, makulay, at puno ng pagmamahal ang iyong espesyal na araw. Salamat sa inspirasyon at kabutihan mo sa iba, deserve mong maging masaya at mapuno ng biyaya ang buong taon! 💖🙏

30/09/2025

“𝙏𝙤 𝙩𝙝𝙚 𝙬𝙤𝙧𝙡𝙙 𝙮𝙤𝙪 𝙢𝙖𝙮 𝙗𝙚 𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙩𝙚𝙖𝙘𝙝𝙚𝙧, 𝙗𝙪𝙩 𝙩𝙤 𝙮𝙤𝙪𝙧 𝙨𝙩𝙪𝙙𝙚𝙣𝙩𝙨 𝙮𝙤𝙪 𝙖𝙧𝙚 𝙖 𝙝𝙚𝙧𝙤.”

🎉✨ Happy Teachers' Month To Our Amazing Teachers ❗️❗️

Lubos namin kayong pinasasalamatan hindi lamang sa pagtuturo ninyo, kundi sa pagbibigay niyo ng inspirasyon sa amin na maging mas mahusay, maunlad, at mabuting indibidwal. 🤎



🖼️ & ✍🏼: Panida, John Paul A. (ESP Club P.O)

23/09/2025

Maligayang kaarawan 🥳🎉
Nawa’y maging puno ng blessings at good vibes ang espesyal mong araw! Hiling ko na patuloy kang gabayan ng Diyos sa lahat ng iyong ginagawa, bigyan ka ng lakas sa mga hamon ng buhay, at mas marami pang achievements at blessings ang dumating sa’yo. Sana ma-enjoy mo ang espesyal mong araw kasama ang mga mahal mo sa buhay. More birthdays to come at nawa’y manatili kang masaya, healthy, at positive sa lahat ng bagay. Patuloy ka lang sa pag-abot ng iyong mga pangarap at goals sa buhay, at sana mas marami pang opportunities at masasayang memories ang dumating sa mga susunod na taon. 💖✨

30/08/2025

Isang mainit na pagbati ang nais kong iparating sa aming Vice President, Xyndhryx Alcantara na nagwagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Tunay na kahanga-hanga ang ipinakita mong galing at dedikasyon sa pagbibigay-halaga sa ating sariling wika at kultura. Ang iyong pagkapanalo ay hindi lamang tagumpay, kundi tagumpay din ng buong pamunuan at komunidad na iyong kinakatawan.

Sa bawat salitang iyong binigkas, naroon ang malinaw na mensahe ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating wikang Filipino. Ang iyong tagumpay ay patunay na kapag pinangangalagaan at isinusulong ang sariling wika, nagiging mas matibay ang ating pagkakaisa bilang mga Pilipino. Muli, binabati ka namin!

Photos from ESP Department San Antonio Integrated National High School's post 07/07/2025

Isang malaking karangalan para sa San Antonio Integrated National High School ang personal na pagbisita ni Mayor Art Mercado ngayong araw. Ang kanyang presensya ay patunay ng kanyang taos-pusong malasakit sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan sa Lungsod ng San Pedro. Bilang bahagi ng kanyang adbokasiya para sa mas maayos na serbisyong pampaaralan, inaasahan din ang pamamahagi ng mga gamit tulad ng tumblers at P.E uniforms sa mga mag-aaral bukas.

Ang buong pamunuan ng paaralan, kasama ang ESP Club, ay lubos na nagpapasalamat sa patuloy na suporta at pagtugon ni Mayor Mercado sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang ganitong mga inisyatibo ay tunay na inspirasyon para sa aming mga kabataan upang mas pagbutihin pa ang aming pag-aaral at paghubog sa sarili.

Muli, maraming salamat po, Mayor Art Mercado! Mabuhay po kayo!





🖼️: Panida, John Paul A. (ESP Club P.O)
✍🏼: Dela Cruz, Guen D. (ESP Club President) | Bibon, Carl Ivan T. (ESP Club Secretary)

Want your school to be the top-listed School/college?

Website