Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.

Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.

Share

DPMAIHS Official page of Senior Scout.

30/12/2025

Paggunita sa Ika-19 Anibersaryo ng Kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal

Ngayong ika-19 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal, ating ginugunita ang buhay at sakripisyong inialay niya para sa kalayaan at dignidad ng sambayanang Pilipino. Sa pamamagitan ng kanyang talino, panulat, at mapayapang adhikain, ipinakita niya na ang tunay na lakas ng isang bayan ay nagmumula sa edukasyon, katotohanan at pagmamahal sa kapwa. Ang kanyang mga akda at halimbawa ay patuloy na nagsisilbing ilaw sa landas ng kabataan at paalala na ang pagmamahal sa bayan ay may kaakibat na pananagutan.

Ang kanyang tanyag na linya, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan," binibigyang-diin ni Rizal na ang edukasyon ay ang pinakamabisang sandata. Sa mundo ng social media at haka-hakang balita, ang kanyang dedikasyon sa katotohanan ay mas mahalaga kaysa kailanman. Ang pagiging "Rizal" sa modernong panahon ay ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip at malasakit sa kapakanan ng nakararami.

๐ŸŽจ๐Ÿ–Œ๏ธ:Mark Joshua macawile
โœ๏ธ:khian Oberos



Photos from Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.'s post 23/09/2025

Matapos ang makabuluhang unang araw, mas naging makulay at puno ng sigla ang pagpapatuloy ng ating camp life sa Day 2!

Day 2: September 21, 2025
๐Ÿ”ฅ Mga Hamon, Tagumpay, at Pagpupugay๐Ÿ•๏ธ

Muling nabuhay ang sigla ng lahat sa pamamagitan ng Morning Exercise na pinangunahan ni SCL. Cotingco, kasama ang masayang Zumba ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ na nagbigay-enerhiya at saya sa bawat scout.

Kasunod nito ang kapanapanabik na Obstacle Course, kung saan sinubok ang pisikal na lakas, tiyaga, at higit sa lahat, ang pagtutulungan ng bawat scout upang mapagtagumpayan ang mga hamon nang sama-sama.

Sa huling bahagi ng programa, isinagawa ang isang makabuluhang Awarding Ceremony ๐Ÿ…. Dito, pinarangalan ang mga scouts at leaders na nagpakita ng kahusayan, dedikasyon, at diwa ng tunay na iskawting.

Sa loob lamang ng dalawang araw, tunay na naipamalas ng ating mga scouts ang kahalagahan ng disiplina, pagkakaisa, at paglilingkod sa kapwa. Ang mga karanasan at aral mula sa camp na ito ay tiyak na magsisilbing gabay sa kanilang patuloy na paglalakbay bilang mga kabataang handang maglingkod at manguna.





๐Ÿ–Š๏ธ Khian Oberos
๐Ÿ“ท Rose Iso

Photos from Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.'s post 23/09/2025

โ€œแด€ แดกแด‡แด‡แด‹ แด๊œฐ แด„แด€แดแด˜ สŸษช๊œฐแด‡ ษช๊œฑ แดกแดส€แด›สœ ๊œฑษชx แดแดษดแด›สœ๊œฑ แด๊œฐ แด›สœแด‡แดส€แด‡แด›ษชแด„แด€สŸ แด›แด‡แด€แด„สœษชษดษข ษชษด แด›สœแด‡ แดแด‡แด‡แด›ษชษดษข ส€แดแดแดโ€
โ€“ ส€แดส™แด‡ส€แด› ส™แด€แด…แด‡ษด-แด˜แดแดกแด‡สŸสŸ

Isang Makabuluhang Paglalakbay ng mga Bagong Ganap na Senior Scouts!

Dalawang araw na puno ng kasaysayan, sigla, at karunungan ang ipinamalas ng ating mga Senior Scouts ng Doรฑa Pilar, katuwang ang mga kinilalang Adult Leaders at kapwa scouts mula sa Biรฑan at San Pedro.

โธป

โ€ข Day 1: September 20, 2025

Nagsimula ang ating programa sa makabuluhang Investiture ng Senior Scouts ng Doรฑa Pilar at Rededication Ceremony. Isa itong mahalagang yugto kung saan ipinakita ng ating scouts ang kanilang buong pusong pagsunod sa mga adhikain at prinsipyo ng iskawting, kasama ang kanilang mga ninong at ninang na nagkabit sa kanila ng neckerchief bilang simbolo ng pagiging ganap na Senior Scout.

Isinagawa naman ng mga Adult Leaders at Senior Scouts mula sa Biรฑan at San Pedro ang ibaโ€™t ibang base activities na nagturo sa mga scouts ng Doรฑa Pilar ng mahahalagang kasanayan tulad ng Citizenship, Pag-unawa sa lagay ng panahon, Ropeworks, Semaphore, Navigating, at First Aid. ๐Ÿงญโ›‘๏ธ
Hindi lamang praktikal na kaalaman ang kanilang natutunan, kundi higit nilang naranasan ang kahalagahan ng pagtutulungan at disiplina.

Kasunod nito ay ang Awarding ng Adult Leaders mula sa Biรฑan at San Pedro bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pagsasanay at paggabay sa mga bagong ganap na Senior Scouts. Gayundin, ginawaran din ng parangal ang mga Eagle, Venturer, at Outdoor Scouts mula sa Biรฑan na buong pusong nagbahagi ng kanilang kaalaman sa ating mga Senior Scouts ng Doรฑa Pilar. ๐ŸŽ–๏ธ

Hindi rin nagpahuli ang ating mga scouts sa pagpapakita ng kanilang talento sa pagluluto ng sariling pagkain ๐Ÿณ. Sa pamamagitan nito, natutunan nilang maging mapamaraan at responsableโ€”katangian na tunay na mahalaga sa bawat scout.

Pagtungtong ng gabi, nagningning ang lahat sa masayang Campfire Making. Puno ito ng tawanan, hiyawan, at mga pagtatanghal kung saan ipinamalas ng bawat crew ang kanilang malikhaing yell at skits. Sa pagtatapos, ginawaran ng parangal ang mga pinakamahusay na grupo bilang pagkilala sa kanilang galing at sigasig. โœจ





๐Ÿ–Š๏ธ Khian Oberos
๐Ÿ“ท Jornalist/scouters

Photos from Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.'s post 11/09/2025

โœจ Greetings of Peace and Goodwill! โœจ
We, the Boy Scouts of Doรฑa Pilar M. Alberto Integrated High School, had the great honor of serving during the Third Grand Marian Procession last September 7, 2025, in celebration of the Nativity of the Blessed Virgin Mary. ๐Ÿ’™๐ŸŒธ

With discipline, dedication, and faith, we are grateful for the opportunity to help maintain order and ensure the safety of the faithful. ๐Ÿ™โšœ๏ธ

In service to God and community. ๐ŸŒŸ





๐Ÿ“ท Mark Joshua R. Macawile
๐Ÿ–Š๏ธ Zharina Nevein J. Saez

21/08/2025

๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐ƒ๐š๐ฒ: ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐š๐ง, ๐Š๐š๐ญ๐š๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐š๐ง, ๐š๐ญ ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š

Ngayong Ninoy Aquino Day, ating ginugunita ang malaking sakripisyo ni Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr. para sa kalayaan at demokrasya ng ating bansa. Ang kanyang buhay at kamatayan ay nagsilbing inspirasyon upang ipaalala sa atin na ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa laki ng gawa, kundi sa katapatan ng puso.

Bilang mga kabataang Scout ng DPMAIHS, dalangin at tungkulin natin ang manatiling โ€œLaging Handaโ€โ€”handa sa pagtulong, handa sa pagkilos, at handa sa pagtatanggol ng tama. Tulad ni Ninoy na nag-alay ng kanyang buhay para sa kinabukasan ng sambayanan, nawaโ€™y magsilbing gabay ang kanyang halimbawa upang tayo ay maging tapat, disiplinado, at makabayan sa lahat ng panahon.

Sa kanyang alaala, patuloy tayong magsisikap na maging ilaw at lakas ng ating paaralan, komunidad, at bayan. Nawaโ€™y magpatuloy ang kanyang diwa sa ating mga puso habang tayo ay humuhubog tungo sa mas makatarungan at malayang kinabukasan.

โšœ๏ธ Scout ng DPMAIHS, Laging Handa para sa Bayan! โšœ๏ธ




๐Ÿ–Š๏ธ Khian Oberos

Photos from Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.'s post 02/08/2025

๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ โ€” ๐‡๐ฎ๐ ๐ž ๐š๐ฉ๐ฉ๐ซ๐ž๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ญ๐จ ๐จ๐ฎ๐ซ ๐š๐ฆ๐š๐ณ๐ข๐ง๐  ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐’๐œ๐จ๐ฎ๐ญ๐ฌ ๐Ÿ๐ซ๐จ๐ฆ ๐ƒ๐จ๐งฬƒ๐š ๐๐ข๐ฅ๐š๐ซ ๐Œ. ๐€๐ฅ๐›๐ž๐ซ๐ญ๐จ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ!

During yesterdayโ€™s PTA meeting, our scouts stepped up with confidence and compassion โ€” assisting parents and guardians, guiding them throughout the campus, and making sure the event ran smoothly from start to finish. Their presence was more than just supportive; it was a true reflection of leadership, discipline, and service in action.

Moments like these remind us of the vital role youth play in building a stronger, more connected school community. Thank you, Senior Scouts, for being role models of commitment and teamwork. Your service is a reminder that leadership is not about titles, but about action.





๐Ÿ–Š๏ธ Zharina Nevein J. Saez
๐Ÿ“ท Mark Joshua Macawile

Photos from Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.'s post 12/07/2025

๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™ก๐™ช๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™จ๐™–๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™™๐™ž๐™ ๐™ž๐™ฉ ๐™–๐™ฉ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™œ๐™ž ๐™ฃ๐™œ 911 ๐™Ž๐™ฉ๐™ž๐™˜๐™ ๐™š๐™ง๐™จ, ๐™๐™–๐™ง๐™ฅ๐™–๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ ๐™„๐™—๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™œ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ!

Matagumpay na naisagawa ng San Pedro CCPS ang aktibidad para sa mga mag-aaral ng Doรฑa Pilar M. Alberto Integrated High School. Maayos at mahinahong naisakatuparan ang programa na naglalayong palalimin ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa kahalagahan ng kaligtasan, lalo na sa tamang paggamit ng 911 Emergency Hotline sa panahon ng pangangailangan.

Sa pamamagitan ng mga talakayan at presentasyon, naging mas malinaw sa mga mag-aaral kung kailan at paano dapat gamitin ang 911 hotline upang makaiwas sa maling paggamit nito at matiyak ang mabilis na pagtugon sa tunay na emerhensiya. Ang aktibidad ay naging daan upang mapaigting ang kaalaman at kahandaan ng bawat isa sa oras ng sakuna.

Matapos ang seremonya, ikinabit ang mga tarpaulin at sticker ng 911 Emergency Hotline sa mga gate at dingding ng paaralan bilang paalala sa lahat. Namahagi rin ng mga flyers sa mga mag-aaral upang mapalawak pa ang kaalaman at kamalayan tungkol sa tamang paggamit ng naturang serbisyo. Natapos ang programa na may napakagandang kinalabasan at aktibong partisipasyon mula sa mga mag-aaral.

Taos-pusong pasasalamat at pagbibigay-pugay sa San Pedro CCPS ang nais iparating ng mag-aaral ng DPMAIHS sa inyong dedikasyon at malasakit sa pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa tamang paggamit ng 911. Ang inyong aktibong partisipasyon ay hindi lamang nagpalalim ng kamalayan sa kahalagahan ng serbisyong ito, kundi nagsilbi ring inspirasyon sa iba at paigtingin ang ganitong uri ng makabuluhang programa para sa kaligtasan at kaayusan ng komunidad.

Photos from Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.'s post 12/07/2025

"๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฉ ๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™– ๐™ข๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™๐™ž ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™—๐™ช๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฃ."

Ang pamunuan ng Senior Scouts ng Doรฑa Pilar M. Alberto Integrated High School ay taos-pusong nagpapahayag ng aming pasasalamat sa aming Mayor Art Mercado at sa kanyang butihing maybahay na si Gng. Mika Mercado sa kanilang bukas-palad na pagbibigay ng mga school supplies, P.E uniform, at tumbler para sa aming paaralan. Ang kanilang pagtulong ay isang malaking ginhawa para sa aming mga mag-aaral. Ang inyong pagbibigay ay higit pa sa materyal na handog, ito po ay isang simbolo ng inyong tunay na malasakit at suporta sa edukasyon. At higit sa lahat, isang inspirasyon upang kami ay lalong magsumikap sa aming pag-aaral at paghubog ng disiplina bilang mga kabataang lider ng kinabukasan.

Ang patuloy ninyong suporta sa sektor ng edukasyon ay isang patunay ng inyong malasakit sa mga mag-aaral. Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong kabutihan at walang-hanggang suporta. Muli, maraming salamat po, Mayor Art at Gng. Mika Mercado, asahan po ninyong ang inyong mga ipinagkaloob ay aming pahahalagahan at gagamitin sa paraang makabuluhan at may buong pasasalamat. Nawaโ€™y pagpalain pa kayo ng masaganang biyaya at lakas upang magpatuloy sa inyong makabuluhang serbisyo para sa bayan at sa susunod na henerasyon.

18/06/2025

Happy Birthday to our heroic Principal Mr. Omar M. Jacalne.

Wishing you a joyful birthday, Sctr. Jacalne!
Your guidance helps shape future leaders through Scouting. May your path ahead be as bright as your impact! ๐Ÿซก

Photos from City Government of San Pedro's post 12/06/2025
Photos from Doรฑa Pilar M. Alberto IHS Senior Scout.'s post 10/06/2025

Kabalikat sa serbisyo't katuwang sa pagbabago" Senior scouts, kaagapay sa Brigada Eskwela Day 1, 2025

๐‘ธ๐’–๐’๐’•๐’† ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐’…๐’‚๐’š
"Yet one more item is needed to complete success, and that is the rendering of service to others in the community. Without this the mere satisfaction of selfish desire does not reach the top notch."
-Robert Baden-Powell

Want your school to be the top-listed School/college in San Pedro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Hernandez Street South Fairway Homes Subd. Brgy. Landayan San Pedro, Laguna
San Pedro
4023