30/07/2026
ππ Pagdiriwang ng Nutrition Day 2026 ππ
Sa temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!" π, matagumpay nating ipinagdiwang ang ating Nutrition Day na puno ng saya, kulay, at mahahalagang aral. Mas naging espesyal ang pagdiriwang na ito dahil sama-sama natin itong ipinagdiwang kasama ang Magsaysay Annex Child Development Center. Sa kabila ng ulan, hindi nito napigilan ang sigla ng ating mga munting mag-aaral sa kanilang Nutri Parade, Costume Parade, pagsasayaw kasama si Pedrito Mascot, at Healthy Snack Sharing. Tunay na kahanga-hanga ang bawat bata sa kanilang natatangi at pinaghandaan na nutrition costumes. π½ππ₯β¨
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang at guardian sa inyong walang sawang suporta, oras, pagod, at pagmamahal sa paghahanda ng mga costume ng ating mga anak. Maraming salamat sa pagbibigay ninyo sa kanila ng pagkakataong matuto, makiisa, at magkaroon ng masasayang alaala. β€οΈ
Maraming salamat din sa ating Barangay Chairman, mga Barangay Kagawad, SK Chairman, BNS Team, Pedrito Mascot, PTA Officers, at higit sa lahat sa ating masipag at mapagmahal na g**o sa inyong patuloy na suporta, paggabay, at pagmamalasakit sa ating mga bata. Ang inyong presensya at pakikiisa ay malaking bahagi ng tagumpay ng selebrasyong ito. π
At sa ating mga munting kalahok, congratulations! π Patuloy ninyong ipakita ang inyong sigla, kumpiyansa, at pagmamahal sa wastong nutrisyon. Nawa'y maging inspirasyon ang araw na ito upang sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan at kalikasan para sa mas maliwanag na kinabukasan.
π "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!" π±
π Photo credits to the rightful owner/s. Images used for posting purposes only. Watermark added by MAGSAYSAY MAIN Child Development Center.