07/06/2026
Sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027 ay hangad ng ating sangay ang maayos at ligtas na pagsisimula ng ating mga klase. Bagama’t patuloy pa rin ang mga hamon na ating kinakaharap sa sektor ng edukasyon at sa ating komunidad, nananatiling determinado ang bawat isang kawani na magbigay ng serbisyong kinakailangan ng ating mga g**o at mag-aaral.
Tuloy-tuloy ang pagsisilbi ng mga kaguruan at kawani para mapanatiling ligtas ang ating mga paaralan. Ang mga pagbabago sa mga ilang polisiya ng kagawaran ay hindi magiging hadlang upang higit na makapaglingkod ng tapat at buong husay. Magsisilbing gabay ang mga pagbabagong ito upang mas mapagyaman ang kakayahan ng ating mga g**o. Ito ang magiging daan upang makalikha ng mga epektibong mekanismo para mapaunlad ang kasanayan ng ating mga mag-aaral.
Ang mga mag-aaral ay mas magkakaroon ng panahon upang tutukan ang kanilang pag-aaral at linangin ang kanilang sarili. Kasabay ng mga pagbabago sa ating kapaligiran at patuloy na pag-unlad ng maraming aspeto ng ating buhay.
Nawa ay patuloy nating pagsumikapan at sama-samang itaguyod ang dekalidad na edukasyon sa Lungsod ng San Pedro. Mapapagtagumpayan natin ito dahil palaging PUSO AT GALING ANG GABAY SA GAWA.
01/06/2026
30/05/2026
30/05/2026
30/04/2026
25/04/2026
24/04/2026