31/03/2026
Sabi ng iba, ang buhay ay parang Roller Coaster, minsan nasa tuktok ka, minsan nasa ibaba ka. Gaya ng paglalakbay ng 11-STEM 1.
May mga panahong halos sumuko na ang ilan sa atin dahil sa sunod-sunod na school works. May mga pagkakataong papasok sa school ng walang tulog. At may laging late dahil nagpuyat para lang matapos ang gawain.
Ngunit isa lang ang napatunayan nating lahat ngayong school year. Kaya pala natin, na kahit magpaikot-ikot man ang roller coaster na ating sinasakyan, susuka pero ‘di susuko dahil hawak na natin ang ating mga medalya at sertipiko na halos isang taon nating pinaghirapan.
Kaya naman, CONGRATULATIONS sa lahat ng mga nagkamit ng karangalan. Nawa'y ipagpatuloy ninyo ang inyong sinimulan at kamtin ng patas ang inyong inaasam.
✒️ Captioned by: Iñigo Adao
💻 Layout by: Fiona Rivera
📸 Photo edited by: Rave Cosico