DepEd San Marcos Elementary School - San Pablo City

DepEd San Marcos Elementary School - San Pablo City San Marcos Elementary School official Page

Congratulations!Congratulations, Maโ€™am Erna B. Gusi! ๐ŸŽ‰๐Ÿ†Your achievement as Outstanding Master Teacher โ€“ 2nd Place is tru...
19/08/2026

Congratulations!
Congratulations, Maโ€™am Erna B. Gusi! ๐ŸŽ‰๐Ÿ†
Your achievement as Outstanding Master Teacher โ€“ 2nd Place is truly commendable. Your dedication, excellence, and commitment to teaching inspire both learners and fellow educators.
We are proud of you! Congratulations on this well-deserved achievement! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Congratulations!Congratulations, Teacher Shella G. Espinile! ๐ŸŽ‰๐Ÿ†Your achievement as Outstanding Elementary Teacher โ€“ Del ...
19/08/2026

Congratulations!
Congratulations, Teacher Shella G. Espinile! ๐ŸŽ‰๐Ÿ†
Your achievement as Outstanding Elementary Teacher โ€“ Del Remedio District is truly well-deserved. Your dedication, passion, and commitment to excellence are an inspiration to your learners and fellow educators.
Good luck at the Division Level! ๐ŸŒŸ May you continue to shine, do your very best, and proudly represent San Marcos Elementary School. We believe in you and are cheering you on every step of the way!
Congratulations and best wishes for greater success! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›๐ŸŽ‰

Bawat batang pumapasok sa paaralan ay may karapatang matuto nang walang takot, pangamba, o pang-aapi. Kaya't mahalagang ...
17/07/2026

Bawat batang pumapasok sa paaralan ay may karapatang matuto nang walang takot, pangamba, o pang-aapi. Kaya't mahalagang magkaisa ang tahanan, paaralan, at komunidad sa pagbuo ng isang kapaligirang tunay na ligtas at mapagkalinga.

Sa isinagawang Child Protection and Anti-Bullying Seminar for Parents, nabigyang-kaalaman ang ating mga magulang tungkol sa mahahalagang usapin hinggil sa Child Protection Policy, pag-iwas sa bullying, at ang mahalagang papel ng bawat isa sa pangangalaga sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga panauhing tagapagsalita, Patrolwoman Ma. Paula G. Antona, Police Corporal Lester C. Cuasay at Deputy Regional Prosecutor Elnora Nombrado. Ang kanilang makabuluhang pagbabahagi ay nagbigay ng mas malalim na pag-unawa at inspirasyon upang patuloy nating pangalagaan ang karapatan, dignidad, at kaligtasan ng bawat bata.

Ang gawaing ito ay naging higit na makabuluhan sa pamamagitan ng suporta at pakikiisa ng ating mga katuwang na institusyon Department of Justice, San Pablo Component City Police Station, San Pablo Infinity 104 Lions Club MJF, San Pablo Unified Alliance Federation Inc. Salamat din sa SPTA Officers sa pangunguna ni Mr. Arvin M. Magcawas sa pagconduct ng makabuluhang seminar na ito.

Kapag nagkakaisa ang pamilya, paaralan, pamahalaan, at mga katuwang na organisasyon, mas nagiging matatag ang ating misyon na bumuo ng isang ligtas, mapayapa, at mapagkalingang paaralan para sa bawat bata.
Sapagkat ang proteksyon ng bata ay pananagutan nating lahat.

๐Ÿค Pagkakaisa para sa Mas Ligtas at Mas Maayos na Paaralan!๐Ÿ’™Matagumpay na isinagawa ang SPTA General Assembly na dinaluha...
17/07/2026

๐Ÿค Pagkakaisa para sa Mas Ligtas at Mas Maayos na Paaralan!๐Ÿ’™

Matagumpay na isinagawa ang SPTA General Assembly na dinaluhan ng ating mga magulang bilang patunay ng ating sama-samang hangarin na mapaunlad ang ating paaralan.

Isa sa mga naging tampok ng programa ang Panunumpa sa Tungkulin ng mga bagong halal na SPTA Officers, na magsisilbing katuwang ng paaralan sa pagpapatupad ng mga programang magpapabuti sa kapakanan ng bawat mag-aaral.

Sa pangunguna ni SPTA President Arvin Magcawas Isinagawa rin ang talakayan ukol sa panukalang resolusyon para sa pagkuha ng tagatawid, upang higit na mapalakas ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral sa kanilang pagpasok at pag-uwi sa paaralan.

Sa pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at komunidad, mas nagiging matatag ang ating layunin na makalikha ng isang ligtas, maayos, at mapagkalingang kapaligiran sa pagkatuto.

"Sa San Marcos ES, IKAW ang Bida! Lipad Batang San Marcos!"

๐Ÿ“ข PABATID SA MADLAPagpapatupad ng School-Based Safety and Security MeasuresSan Marcos Elementary SchoolAlinsunod sa DepE...
29/06/2026

๐Ÿ“ข PABATID SA MADLA
Pagpapatupad ng School-Based Safety and Security Measures

San Marcos Elementary School

Alinsunod sa DepEd Order No. 40, s. 2012 (DepEd Child Protection Policy), DepEd Order No. 55, s. 2007 (Prioritizing the Mainstreaming of Disaster Risk Reduction in the School System), DepEd Order No. 21, s. 2015 (Disaster Risk Reduction and Management Coordination and Information Management Protocols), at iba pang kaugnay na mga polisiya ng Department of Education hinggil sa pagpapanatili ng isang ligtas, protektado, disiplinado, at child-friendly na kapaligiran sa pagkatuto, ang San Marcos Elementary School ay magpapatupad at magpapalakas ng mga sumusunod na School-Based Safety and Security Measures, na magiging ganap na epektibo simula Hulyo 1, 2026. Ang ilan sa mga hakbang na ito ay kasalukuyan nang isinasagawa at higit pang paiigtingin.

Ang pagpapatupad ng mga hakbang na ito ay bahagi ng maagap na pagtugon ng paaralan sa mga insidenteng may kaugnayan sa seguridad na naganap sa ilang paaralan sa bansa. Layunin nitong mapanatili ang isang kapaligirang ligtas, maayos, at kaaya-aya para sa pagkatuto ng bawat mag-aaral at sa kapakanan ng buong komunidad ng paaralan.
________________________________________
โœ… 1. Random Bag Inspection
Bilang bahagi ng preventive security measures, magsasagawa ang paaralan ng random bag inspection sa mga mag-aaral at mga bisita sa oras ng pagpasok. Layunin nitong matiyak na walang ipinagbabawal, mapanganib, o anumang bagay na maaaring magdulot ng panganib sa loob ng paaralan.
Legal Basis:
โ€ข DepEd Order No. 40, s. 2012 โ€“ Child Protection Policy, na nag-aatas sa mga paaralan na magpatupad ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.
โ€ข DepEd Order No. 55, s. 2007 โ€“ Mainstreaming Disaster Risk Reduction in the School System, na nagbibigay-diin sa pagpigil at pagbawas ng mga panganib sa loob ng paaralan.
________________________________________
โœ… 2. Visitor and Guardian Pass Slip System
Ang lahat ng mga bisita, magulang, at tagapag-alaga na papasok sa paaralan ay kinakailangang:
โ€ข Magrehistro sa Visitor's Logbook;
โ€ข Magpakita ng wastong pagkakakilanlan kung kinakailangan; at
โ€ข Kumuha at magsuot ng Visitor/Guardian Pass Slip habang nasa loob ng paaralan.
Layunin nitong masubaybayan ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa paaralan bilang bahagi ng pinaigting na seguridad.
Legal Basis:
โ€ข DepEd Order No. 40, s. 2012 โ€“ Child Protection Policy.
โ€ข DepEd Order No. 21, s. 2015 โ€“ Disaster Risk Reduction and Management Coordination and Information Management Protocols, na nagtataguyod ng maayos na accounting at monitoring ng mga taong nasa loob ng paaralan.
________________________________________
โœ… 3. Learner Log-In and Log-Out System (Off-Campus Lunch Break)
Ang mga mag-aaral na pinahihintulutang lumabas ng paaralan tuwing lunch break ay kinakailangang:
โ€ข Mag-log out bago lumabas;
โ€ข Mag-log in pagbalik sa paaralan; at
โ€ข Magkaroon ng nakasulat na pahintulot mula sa magulang o legal na tagapag-alaga.
Layunin nitong matiyak ang wastong accounting at kaligtasan ng mga mag-aaral habang sila ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng paaralan.
Legal Basis:
โ€ข DepEd Order No. 40, s. 2012 โ€“ Child Protection Policy.
โ€ข DepEd Order No. 21, s. 2015 โ€“ Disaster Risk Reduction and Management Coordination and Information Management Protocols.
________________________________________
โœ… 4. Single Entrance and Exit Gate Policy
Isang pangunahing gate lamang ang gagamiting daanan sa pagpasok at paglabas ng paaralan upang:
โ€ข mapadali ang monitoring;
โ€ข mapanatili ang maayos na accounting ng mga tao sa loob ng paaralan; at
โ€ข mapahusay ang pagpapatupad ng mga security protocols.
Legal Basis:
โ€ข DepEd Order No. 55, s. 2007 โ€“ Mainstreaming Disaster Risk Reduction in the School System.
โ€ข DepEd Order No. 21, s. 2015 โ€“ Disaster Risk Reduction and Management Coordination and Information Management Protocols.
________________________________________
โœ… 5. Paggamit ng Handheld Metal Detectors at Search Sticks
Bilang karagdagang hakbang sa seguridad, gagamit ang paaralan ng handheld metal detectors at search sticks sa pangunahing pasukan upang makatulong sa pagtukoy at pagpigil sa pagpasok ng anumang ipinagbabawal o mapanganib na kagamitan.
Ang paggamit ng mga kagamitang ito ay isasagawa nang may paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat mag-aaral, bisita, at kawani, alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng Department of Education.
Legal Basis:
โ€ข DepEd Order No. 40, s. 2012 โ€“ Child Protection Policy.
โ€ข DepEd Order No. 55, s. 2007 โ€“ Mainstreaming Disaster Risk Reduction in the School System.
________________________________________
๐Ÿ“Œ Paalala
Ang lahat ng mga hakbang na ito ay ipinatutupad hindi upang magdulot ng takot o pangamba, kundi upang higit na mapangalagaan ang buhay, kaligtasan, at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, kawani, mga magulang, at iba pang stakeholder.

Naniniwala ang San Marcos Elementary School na ang isang ligtas na kapaligiran ay mahalagang salik upang maging matagumpay ang pagkatuto ng bawat bata. Dahil dito, hinihiling namin ang inyong buong suporta, kooperasyon, at pag-unawa sa pagpapatupad ng mga panuntunang ito.

"Ang kaligtasan ng bawat bata ay sama-samang pananagutan ng paaralan, pamilya, at buong komunidad."

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta sa San Marcos Elementary School.
________________________________________
SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL
"Sama-sama para sa isang ligtas, disiplinado, at masayang paaralan."
Effectivity: Hulyo 1, 2026

๐ŸŽ‰ OPCRF Validation Success | SY 2025โ€“2026 ๐ŸŽ‰With grateful hearts, we celebrate the successful OPCRF Validation for School...
29/06/2026

๐ŸŽ‰ OPCRF Validation Success | SY 2025โ€“2026 ๐ŸŽ‰

With grateful hearts, we celebrate the successful OPCRF Validation for School Year 2025โ€“2026 and the remarkable achievement of receiving an Outstanding rating!

This milestone reflects the unwavering commitment, dedication, and teamwork of our entire school community.

We extend our heartfelt appreciation to our OPCRF Validatorsโ€”Sir Marbin Jeramil D. Fragata, Ma'am Criselda D. Moresca, and Ma'am Doris Belda Ortegaโ€”for your time, professionalism, valuable insights, technical assistance, and guidance throughout the validation process. Your objective assessment and constructive feedback have provided us with meaningful directions for continuous improvement. Rest assured that all the technical assistance and valuable inputs you have provided are well noted and will be carefully considered and integrated into our future Programs, Projects, and Activities (PPAs) and Annual Implementation Plan (AIP) as we continue to strengthen our school's performance and service delivery.

To our teaching and non-teaching personnel, thank you for your collaborative efforts, hard work, and steadfast commitment to delivering quality service. Your passion, competence, and teamwork made this achievement possible.

Our sincere gratitude also goes to our stakeholders, partners, parents, and the entire community for your continuous support of our Programs, Projects, and Activities (PPAs). Your trust and partnership remain instrumental in helping us provide meaningful and quality education for every learner.

This Outstanding rating is more than just an achievementโ€”it is a testament to what we can accomplish when we work together with a shared vision, dedication, and commitment to excellence.

As we continue our journey, may this recognition inspire us to soar even higher in serving our learners and community with excellence and integrity. We remain committed to embracing every opportunity for growth, ensuring that the recommendations and best practices shared during the validation process translate into even better outcomes for our learners.

Congratulations, San Marcos Elementary School family! Together, we celebrate this success and look forward to achieving even greater milestones.

โœจ "Sa San Marcos ES, IKAW ang Bida! Lipad Batang San Marcos!" โœจ

โ€”Clifford Estrellado (Principal I)

Congratulations to our Newly Elected SPTA Officers 2026-2027โ€ผ๏ธ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰Ang mga nahalal na opisyal ng SPTA na magsisilbi at mag...
21/06/2026

Congratulations to our Newly Elected SPTA Officers 2026-2027โ€ผ๏ธ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰

Ang mga nahalal na opisyal ng SPTA na magsisilbi at magiging katuwang ng ating paaralan sa pagsulong ng mga programa at gawaing makatutulong sa ating mga mag-aaral.๐Ÿ’ช๐Ÿ™

๐Ÿ“Sa San Marcos ES, IKAW Ang bida!
โœจLipad Batang San Marcosโœจ

๐Ÿ“ฃโœจ BRIGADA ESKWELA 2026 โœจ๐Ÿ“ฃTema: โ€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ€Muling inaanyayahan ng S...
29/05/2026

๐Ÿ“ฃโœจ BRIGADA ESKWELA 2026 โœจ๐Ÿ“ฃ

Tema: โ€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ€

Muling inaanyayahan ng San Marcos Elementary School ang lahat ng magulang, alumni, stakeholders, volunteers, at mga kasapi ng komunidad na makiisa sa Brigada Eskwela 2026!

๐Ÿ“… Kick-Off Ceremony
๐Ÿ—“ June 1, 2026
โฐ 7:30 AM
๐Ÿ“ San Marcos Elementary School Covered Court

๐Ÿ› ๏ธ Brigada Eskwela Activities
๐Ÿ“… June 1โ€“5, 2026

Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan, pagmamalasakit, at bayanihan, ating ihahanda ang paaralan upang maging ligtas, maayos, at kaaya-ayang lugar ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.

Halinaโ€™t makibahagi sa:
โœ… Paglilinis ng paaralan
โœ… Pagkukumpuni at pagpipintura
โœ… Pagtatanim at pagpapaganda ng kapaligiran
โœ… Donasyon ng school supplies, learning materials, at iba pa
โœ… Iba pang gawaing makatutulong sa ating paaralan

Ang inyong simpleng tulong ay malaking ambag sa tagumpay ng edukasyon ng bawat batang San Marcos.

๐Ÿ’™ Sama-sama nating itaguyod ang diwa ng bayanihan para sa mas maliwanag na kinabukasan!

๐Ÿ“Sa San Marcos ES, IKAW ang Bida!
๐ŸŒŸ Lipad Batang San Marcos! ๐ŸŒŸ




OPLAN BALIK ESKWELA 2026June 1-11, 2026Handa na ba ang lahat para sa panibagong taong panuruan? Tara na at sama-samang m...
29/05/2026

OPLAN BALIK ESKWELA 2026
June 1-11, 2026

Handa na ba ang lahat para sa panibagong taong panuruan? Tara na at sama-samang magbalik-eskwela sa San Marcos Elementary School!

Sa San Marcos ES, bawat batang mag-aaral ay mahalaga, sinusuportahan, at pinapalipad tungo sa kanilang mga pangarap.

โ€œSa San Marcos ES, IKAW ang Bida! Lipad Batang San Marcos!โ€

Inaanyayahan namin ang mga magulang, mag-aaral, at buong komunidad na makiisa sa Oplan Balik Eskwela 2026 upang matiyak ang ligtas, maayos, at masayang pagbubukas ng klase.

๐Ÿ“Œ Magpatala na!
๐Ÿ“Œ Makilahok sa Brigada Eskwela!
๐Ÿ“Œ Suportahan ang edukasyon ng bawat batang San Marcos!

Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa isang makabuluhan at matagumpay na school year. Tara na, Batang San Marcos โ€” oras na upang muling mangarap, matuto, at lumipad! ๐Ÿš€๐Ÿ“–




๐Ÿ“ฃ CALL FOR APPLICATIONS!San Marcos Elementary School is looking for passionate and committed individuals to join the ARA...
23/04/2026

๐Ÿ“ฃ CALL FOR APPLICATIONS!

San Marcos Elementary School is looking for passionate and committed individuals to join the ARAL Summer Program as Tutors and Support Aides!

Be part of a meaningful initiative that supports learners in strengthening their literacy and numeracy skills this summer. ๐ŸŒž๐Ÿ“š

โœจ Make a difference.
โœจ Share your knowledge.
โœจ Help shape young minds.

๐Ÿ“Œ Apply now and be a partner in education!

๐Ÿ”— For more information, visit:
https://drive.google.com/file/d/1jtx9A_RguMkYGIyaZsf98iSgQGhTgNbv/view?usp=sharing

๐Ÿ“ Intent Letter Templates:
Annex A: https://drive.google.com/file/d/1FgAM8RQaD1TMM1kWi9zJVf5fGh7o9m8y/view?usp=sharing
Annex B: https://drive.google.com/file/d/1BkaduWgUrSg33DGxj-CC3U-PCPTGNFB3/view?usp=sharing

Address

San Pablo City
4000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63495575033

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd San Marcos Elementary School - San Pablo City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd San Marcos Elementary School - San Pablo City:

Shortcuts

Share

Category