22/09/2026
CCSTSC DOCUMENTARY | PAG BASAG NG NARATIBO
Huwag lagyan ng “lang” ang mga bagay na hindi mo pa lubos na nauunawaan.
“Computer lang naman ’yan.”
“Pindot-pindot lang naman ’yan.”
Ngunit sa likod ng bawat system, website, application, network, at teknolohiyang ginagamit natin araw-araw ay mga IT professionals na gumugugol ng maraming oras sa pag-aaral, pagbuo ng solusyon, at pag-aayos ng mga problemang kadalasan ay hindi nakikita ng iba.
Ang isang bagay ay nagmumukhang madali hindi dahil madali ito, kundi dahil may taong nagsumikap upang gawing simple at maayos ang karanasan ng lahat.
Kaya bago sabihing “lang”, alalahanin nating may kaalaman, sakripisyo, at dedikasyong nakatago sa likod ng bawat klik, bawat system na gumagana, at bawat problemang naaayos.
Bigyan natin ng nararapat na respeto ang mga IT professionals—hindi lang kapag may nasira, kundi pati sa bawat araw na tahimik nilang pinapagana ang mundong digital na ating inaasahan.
Sapagkat sa bawat bagay na tila payak sa ating paningin, may kuwentong hindi natin nasaksihan, may pagod na hindi natin nakita, at may taong piniling magsikap upang maging madali para sa iba. Kaya bago natin sabihing “lang,” matuto muna tayong tumingin sa lalim ng bawat bagay—dahil walang gawaing maliit kapag may pusong, oras, at pangarap na inilaan dito.
Special thanks to everyone behind the camera and behind the scenes who helped bring this story to life.
Sa bawat kuhang naitala, bawat eksenang binuo, at bawat kuwentong naipakita—maraming salamat sa lahat ng taong naging bahagi ng dokumentaryong ito.
Edited by: Topher Hilairon
Produced by: Topher Hilairon & Adrian Catapang
Caption by: Viktoria Ann P***a